"May ibabalik pa ba?"

389 0 0
                                    

Sa mga oras at araw na nagdaan.
Tanging isip at pagmamahal sayo lang
nakalaan.
Mga kahapon, na takot na akong balikan.
Pero patuloy ko pa rin inaasahan,
Kelan kaya ulit kita ulit mahahagkan?

May itatanong lang ako,
Sumasagi pa ba ako sa isip mo?
Simula ba nung iniwan mo,
Naging masaya na ba ang puso mo?
Naalala mo pa rin ba ako?
Yung taong sinasabi mong mahal mo?

Madami ng nangyari,
Madami ng bagay na hindi mawari.
Pero isa lang ang patuloy pa rin namamayani,
Pagmamahal na ikaw lang ang nag-mamay-ari.

Pwede ko bang malaman?
Dadating paba ang araw para sa ating pagmamahalan?
O ako nalang ang nakakapit ng tuluyan?
Dahil matagal mo na akong binitawan?

Maibabalik pa ba?
Kung pwede pa,
Pwede bang ngayon na?
Ngayong tanga pa ako,
At nasa'yo pa rin ang puso ko.

Mahal, babalik ka pa ba?
O bibitaw na ako sa pag-asang
Magiging akin ka pa?

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon