"Huling sasambiting mahal kita"

522 1 0
                                    

Intro:(iaalay ko ito sa mga umasa,nagmahal,nasaktan at iniwan ng kanilang minamahal. Hayaan ninyong ilahad ko sainyo kung saan nag simula at natapos ang lahat.)

Noong una kitang nakilala
Akala ko ikaw na
Ikaw na
Ikaw na ang taong nais kong makasama hanggang sa akin pagtanda.

Minsan iniisip ko bakit nga ba tayo pinagtagpo ng tadhana?
Tadhana ang nais ay saya,lungkot at galit.

Saya! saya na hindi maipaliwanag kapag kasama kita

Lungkot! lungkot na mga panahong nanlalamig ka na  at;

Galit! Galit na iniwan mo ko at hanggang ngayon hindi pa rin mabaun sa limot.

Limot na hindi maalis sa isip ko
Isip na hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang nilalaman nito
Ikaw! Pangalan mo ang siyang sinisigaw ng puso ko.

Paulit ulit akong sinasaktan ng kahapon
Paulit ulit akong binabalikan ng nakaraan
Paulit ulit akong nakakulong sa katangahan
Katangahang minsan ng nagpahamak sa akin sa kasalukuyan.

Kasalukuyang nakatingin sa bintana
Bintanang malarehas kung ituring ng iba
Hinihintay na ikaw ay dumaan
Masilayan lang ang mala anghel mong mukha

Mukha ang nais ay kasiyahan,
Kasiyahang napalitan ng kalungkutan,
Kalungkutang kailanman hindi na mapapalitan ng kagalakan. At;
Sugat na hindi na maghihilom pa.

Kaya,mahal patawad.
Kahit hindi mo man marinig
Kahit hindi mo man madama ang bawat letrang akin sasabihin
Kahit ilusyon na lang ang lahat at wala ka na sa aking piling
Nangangako ako na ikaw pa rin ang aking mamahalin.

Alam Kong mahirap
Alam kong masakit
Ngunit kailangang tanggapin,
Tanggapin ang buong katotohanan,
Katotohanang hindi na maibabalik pa sa dati ang ating pag iibigan,

Pag iibigang minsan ng sinubok ng tadhana,
Tadhana na lamang ang makakapagsasabi
Kung tayo ba talga o hindi.

Dahil ito na
Ito na ang huli
Ito na ang huli Kong sasambitin na mahal kita.

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon