"ikaw at ako"

4.6K 10 5
                                    


Ikaw yung tipo ng Taong Ang hirap hirap bitawan.
Ikaw yung tipo ng pag mamahal na hahanap hanapin kahit saan.
Ikaw yung tipo ng pag kakamali, nanaisin Kong gawin muli.
Ikaw yung tipo ng pag mamahal, na Wala mang kasiguraduhan, Wala mang paanyaya, walang sapat na dahilan.
Pero Ikaw, Ikaw yung gusto kong makasama.
At ako, ako yung tipo na, Ang Dali dali ko yung bitawan.
Ako yung tipo ng Hindi mo Kayang isugal Lahat ng iyong baraha.

Kase ganon na naman talaga Hindi ba?
Ikaw, at ikaw padin yung bida sa kwento na Ito.
Ikaw yung kalangintan Para sa Lahat,
Pero ako, ako Ang kadilimang sa gabing tulog na Ang mga ulap.

Nais kong pang hawakan ang salitang TAYO,
Ngunit sa bawat sambit ko nito,
Ay isinisigaw mong tapos na tayo!

Bakit ka bumitaw na parang Ikaw Lang Ang nakakapit.
Bakit ka nag layag sa madilim na karagatan, na parang Ikaw Lang Ang lulan sa barko ng ating pg mamahalan.
Paano naman ako, saan nga ba Ang lugar ko sa puso mo.
O mas tamang itanong Kung may lugar nga ba ako Jan sa puso mo.

Ang hirap mahalin, ng taong iba Ang aksyon sa ibinubuka ng bibig.
Ang hirap mahalin ng taong ginawa mong sentro ng iyong mundo, pero para sa kanya, isa ka lang sa kontinente nito.

Bakit nga ba nabuo ang salitang TAYO.
Kasi gulong gulo na ko.
Totoo ngang mas lamang ang IKAW sa AKO,
Kase kinalimutan ko ang sarili ko, mailagay ka lamang sa tuktok ng buhay ko.

Nawala ang ako, At hindi mo pa din pansin,
IKAW at AKO ay hindi na nga mag tatagpo.

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon