-Part 1-
Masayang maging single.
Lalo na kung flawless ka, mayaman, may matamis na ngiti, may katawang pang-model at habulin ng mga boylet.
Pero kung magiging single ka habang lahat ng friends at relatives mo ay may asawa na't lahat habang ikaw ay nakatitig sa tutong ng kanin, ay ibang usapan na 'yan.
"Tss. Nag-asawa nga si Lorie, mukha namang chihuahua." Tukoy ni Lily sa kapatid niya na nasa honeymoon ngayon. Habang siya ay naiwan sa poder ng tiyuhin para pumatay ng mga inosenteng manok na ibebenta sa beerhouse nito.
"Lily, asan na yung chicken?!" sigaw mula sa labas nh tiyuhin niya.
Nagbaba ng tingin si Lily sa sunog na manok sa harap niya. "Hala! sunog uli?!"
"Hoy babae..." Nanlaki ang mga mata niya sa di malamang gagawin. Papalapit na ngayon ang tiyuhin niya at kapag nakita nito ang nasayang na manok, tiyak na---
Kaya naman mabilis pa sa kidlat na ni-shoot niya ang mga sunog na manok sa bukas na bintana. As in ganoon kabilis ang reflexes niya sa mga ganoong sitwasyon. Sakto namang pagpasok ng tiyuhin sa dirty kitchen.
"O ano na? Tulala ka na naman.."
"Hindi ah. Ano nga uli iyong order?" Pa-inosenteng tanong niya sabay sulyap sa bukas na bintana, na saksi sa krimeng ginawa niya.
"Anak naman ng botcha oh! Kanina ko pa sinasabi iyong isang order ng spicy chicken." Medyo pagalit na sabi nito.
"Ay oo nga pala! sige po isusunod ko na lang."
"aba'y dapat lang. Bilisan mo at may order ka pang ide-deliver sa palengke. Kay Aling Bareta ba yun..?"
"Tiyo, Aling Barenda ang pangalan noon hindi bareta.." Pagtatama niya habang nagluluto ng panibagong set ng manok. "Pangit na nga pinapangit niyo pa lalo iyong pangalan."
Nang matapos sa pagluluto ay inilagay niya ang mga manok sa tray. Ang tiyuhin naman ay matiyagang pinapanood ang kilos niya at mahigpit na nagbabantay kung may masasayang na luto. At nang matapos ang palabas, inihatid na ni Tiyong Mhel sa labas ang tray.
Pero bago pa iyon makalabas ay humabol pa siya ng tanong, "Tiyo, sino nga po palang papalit sa akin habang nagde-deliver ako?"
"Si Baste na lang. Magaling din namang magluto ang bigotilyong iyon." sabi ng tiyuhin na ang tinutukoy ay ang masugid niyang manliligaw na araw-araw ay naroon at nag-aabang sa beerhouse nila, by Tito Mhel with a heart sa dulo.
"Sigurado kayo diyan, Tiyo? Ipagkakatiwala niyo itong mga inosenteng manok sa balbas-saradong iyon?" Nakangiwing tanong niya.
Ngayon naman ay nagsalang na siya ng panibagong mga manok para sa order ni Aling Bareta. Gaya ng araw-araw na order nito, paborito ng byuda ang sour flavor na chicken, only available sa kainan nila. Chicken fast food sa umaga, beerhouse sa gabi. May karaoke pa sa labas. San ka pa?
"Aba ayos na rin iyong may naitutulong ang manliligaw mo. Hindi tulad ng dati mong nobyo, di nga nauubusan ng pera, tamad naman. Inakit ka pa para magsama kayo sa ibang bubong. Mabuti't di ka nabuntis."
Natigilan si Lily.
"o bakit? Apektado ka pa rin sa singkit na yon? Dalawang taon nang hindi nagpaparamdam sa iyo matapos biglang maglaho ng parang bula. Hindi ka na inuwian. Nagsawa na sayo. Pero buti na rin iyon at iniwan pa sayo ang susi ng apartment niyo---- HOY! Nakikinig ka ba?"
BINABASA MO ANG
Faded Love
RomanceMaybe one day, I'll be what you need. But don't wait too long. Because the day you want me, maybe the day I've finally given up.