-Part 2-
Nanggigil si Lily nang isara niya ang pinto. Hindi niya sigurado ang dapat na maramdaman. Hinalikan siya ng bigotilyong iyon. Damang-dama niya ang mabuhok nitong nguso. Mabilis ang mga pangyayari kaya hindi niya nagawang kalbuhin ang bigote.
Isa itong hampas-lupa at nangangati na siya kung paano uupakan ang lalaking iyon bukas.
Pero isang kaluskos ang nagpatigil sa kaniya. Napatingin siya sa may sofa. Pero wala namang naroon.
Ewan ba niya pero kanina pa siya nakakaramdam na may nakatingin sa mga kilos niya simula nang bumaba siya ng hagdan. "Baka pusa na naman."
Bumalik siya sa nakahanda nang pagkain. Kaunti lang ito at siniguro niyang para sa kaniya, pero out of nowhere, naisip niya iyong pusa.
Noon kasi, manggagambala ang pusang ito dahil naghahanap ng pagkain. Kung saang butas man ito nakapasok ay wala siyang idea.
Kaya kasunod ng pagbuntong-hininga niya, ay napagdesisyunan niyang iwan na lang ito roon. Hindi niya kasi talaga maiwasang makonsensya doon sa pusa.
What if, may pamilya pala itong binubuhay? Napakamakasarili niya naman kung hindi niya ito pagbibigyan gayong kakain lang siya dahil hindi siya dalawin ng antok.
Akmang babalik na siya sa silid nang makarinig siya ng pagbukas ng pinto, idagdag na rin iyong pagsara nito. Kaya naman, dali-dali niyang nilingon ang nakabukas ngang pintuan, na sa pagkakatanda niya ay sinara naman niya.
Lumapit siya sa pinto upang alamin kung sinong lumabas, pero hangin lang ang sumalubong sa kaniya. "Baka nagsawa na iyong pusa." Tanging komento niya.
-
Tahimik na pinaandar ni Ryo ang sasakyan. Siniguro niyang sing bilis ng kidlat ang kilos niya hanggang sa tuluyang matagpuan ang sarili sa empty road, daan pauwi ng mansyon nila.
Naka-receive siya ng message mula sa ina. Nagyayaya umano ang kaniyang ama ng isang kumpletong family dinner. Miski ang ate Ria niya ay umuwi rin.
Pero kahit mag-isa na lang siya sa daan, nata-traffic naman ang utak niya sa dami-daming bagay na iniisip niya.
Tungkol sa halik na iyon ng lalaki sa kaniyang ex girlfriend.
Marahil ay hindi niya lamang matanggap ang posibilidad na may dine-date itong iba. Hindi niya matanggap dahil mahal niya pa si Lily.
Isang taon na lang, isang championship na lang, kaunting panahon na lang, at babalikan na niya ito. Papakasalan niya at bubuo sila ng isang pamilya.
Ngunit bakit parang nanlalabo na sa paningin ni Ryo ang plano niyang iyon? Dahil lang ba iyon sa patak ng ulan na naiipon sa salamin ng kotse? O di kaya'y dahil sa naiipong luha sa mata niya?
Tinigil ni Ryo ang sasakyan sa tapat ng mansyon. May dalawang attendant rin ang nakaabang sa entrance ng gate at tila inaabangan ang kaniyang pagdating.
"Matagal-tagal rin bago kayo muling umuwi, Seniorito." Ani ng matandang attendant.
Tumango na lamang si Ryo at sinundan ang attendant patungo sa dining table.
Malayo pa ay tanaw na niya ang maliwanag na hapag-kainan. Naroon at masayang nagtatawanan ang kaniyang mga magulang pati na ang Ate Ria niya. Nakahain sa table ang masasarap na pagkain. Para tuloy may fiesta kahit sila-sila lang rin naman ang kakain.
"Oh, hijo, you're here na pala!" Mala-donyang sabi ng ina niyang si Donya Rihanna. Sinalubong siya nito ng mahigpit na yakap. Hindi niya tuloy mapigilang mapangiti.
Mahal na mahal talaga siya ng ina.
Nagmano naman siya sa kaniyang matandang ama na si Don Roycus. Matanda na ito at may iniinda pang sakit. Isa ito marahil sa mga dahilan kung bakit ingat na ingat ang lahat sa pagkilos.
May sakit sa puso ang Don. At isang pitik na pagkakamali ay baka magpaalam na ito sa kanila. Isang bagay na hindi hahayaang mangyari ng sinuman sa kanilang pamilya.
Nang maupo siya ay agad na nilagyan ng Donya ang plato niya ng pagkain. Kung tratuhin siya nito ay parang isang bata.
Binalingan naman niya ng tingin ang kapatid niyang si Ria. Tahimik lamang ito habang nakafocus sa veggies sa plato nito.
Lihim na lang siyang napabuntong-hininga. Kahit kailan talaga ay hindi sila naging close ng kapatid. Wala siyang balita sa whereabouts nito. Ang sigurado niya lang, nag-aaral ito ng medicine sa abroad, at ngayon ay nasa bakasyon ito.
Gaya niya, ay ngayon lang din nakauwi si Ria.
"Masaya ako mga anak at napilit ko kayong makauwi kahit ngayong gabi lang. Ito kasing Roycus, ilang araw nang walang ganang kumain. Ngayon lang uli ginanahan." Simula ng Donya.
Napangiti naman si Don Roycus.
"Kamusta nga pala ang pag-aaral mo Riannon?" Napatuwid ng upo si Ria. Pinunasan muna nito ang labi bago hinarap ang ama.
"Ayos naman po, Dad. Medyo abala lang ako this past few weeks dahil sa dissertation ko."
Napangiti naman ang matanda. "Mabuti naman. Marami akong naririnig na hindi magandang balita tungkol sa'yo sa States. Pero ayoko namang paniwalaan dahil alam kong focus ka sa pangarap mong maging Doctor."
Biglang namutla si Ria pero bumalik rin agad sa dati ang mukha nito. "Wag po kayong mag-alala, Dad, MRom."
Tumango-tango si Don Roycus.
Wala ni anong napalunok si Ryo. Alam niyang siya naman ang sunod na tatanungin ng ama.
"Mabuti naman. Ito namang binata ko, kampante akong makukuha niya ang tatlong sunod-sunod na championships. Magaganda ang balita ng coach mo sa'kin, hijo."
"Of course, hon. Mahal na mahal ni Ryo ang swimming. Right, hijo?" Tanong sa kaniya ng Donya.
"Opo naman Mom, Dad. Ilang months na lang at championship na."
Sandaling nagkaroon ng katahimikan.
"Next month na ang uwi mo sa States, hindi ba?" Nagtaas ng tingin si Ryo. Saka napatingin sa natigilang si Ria.
"Y-Yes Dad."
"Now I'm afraid kung sinong maghahawak ng company ko kapag namatay na ako." Pabirong sabi ng Don na ikinatigil ng lahat.
"Pero masaya naman ako at sabay ninyong inaabot ang mga pangarap niyo. Sa wakas at unti-unti na ring natutupad ang pangarap ko na magkaroon ng anak na doctor at athlete. Hahaha."
Masaya pa itong tumatawa nang unti-unting naglaho ang ngiti. Automatic na napunta ang kamay ng matanda sa bandang dibdib nito habang naghahabol ng hininga.
"Oh my god, hon!"
Nang gabing iyon, naging abala ang lahat.
A/N: I-share ko lang, ang inspiration ko sa pagsusulat ng story ay si @Whroxie kaya naman ide-dedicate ko 'to sa kaniya at sa story niyang 'The Real Heiress'
BINABASA MO ANG
Faded Love
RomanceMaybe one day, I'll be what you need. But don't wait too long. Because the day you want me, maybe the day I've finally given up.