-Part 2-
"Ganiyan nga, aaaaaaah! Diinan mo pa. Aaaaaah!"
"Ganito ba?"
"Oo oo ganiyan nga, ahhhhh!"
"Alam mo, para kang tanga. Ahh ka ng ahh, umayos ka nga!"
"E bakit ba, Clem? Ang sarap kaya ng ginagawa mo sa ano ko."
"Wag ka kasing maingay diyan, baka may makarinig sayo at baka kung ano pang isipin." sabi ng sinabihang Clem habang patuloy ang ginagawa ng kamay nito. Talagang bihasa ang kamay nito sa paghagod kaya kahit si Ryo ay hindi maiwasang mapaungol... sa sarap.
"Ahh, sige pa. Aaaah----ARAY!"
"Sinabi na kasing tumahimik e, mas lalo pang nilakasan." Inis na sabi ni Clem habang mas dinadagdagan ang pressure sa hita ng lalaki.
"A-Aray, sorry na sorry na." Maiyak-iyak na pagsusumamo ni Ryo.
"Ikaw naman kasi, sinabi ko naman kasing mag-ingat ka sa mga practice mo. Masyado mong pine-pressure ang sarili mo sa swimming."
Agad na naglaho ang mapaglarong ngiti sa mukha ni Ryo.
"Importante sa akin ang game na iyon. Graduating na ako, ngayong year man lang ay ma-qualify ako sa Olympics." Malayo ang tinging saad niya.
"Mahal mo talaga ang swimming, ano? Ganiyan ka pala magmahal, swerte siguro ng girlfriend mo, si Karina, right?"
"No she's not. Siya lang 'tong nag-a-assume na kami na." Naiiling na sagot niya.
"Good."
"Updated ka talaga sa mga babaeng dumadaan sa buhay ko ano?"
"Of course! Magmula nang magdate kayo ni Eloise hanggang diyan kay Karina, alam na alam ko na kung paano gumalaw iyang ugat mo sa utak." Sabi ni Clem saka siya tinawanan.
Pero hindi natuwa si Ryo sa nakakahawang tawa ng doktora sa infirmary ng Dela Merced.
Mukhang wala itong idea tungkol sa unang babaeng dumating sa buhay niya.
"Ayan, ayos na 'to. Ipahinga mo muna ang paa mo bago ka lumangoy uli. Wag malamig na tubig ang ipanligo mo, okay?"
"Thanks, Clem!"
"Alright!"
Hindi na muna siya uuwi sa dorm bagkus ay maggagala siya. Taliwas sa bilin ng doktora na magpahinga.
At sa sasabihin niya, mukhang hindi naman siya pagagalitan nito.
"Nga pala, Clem! Saan punta mo ngayon?"
-
Hindi madaling magdeliver ng manok sa pelengke lalo na kung tirik na tirik ang araw at nakasakay ka lang sa mabagal na bike. Samantalang iyong mga kasabayan mo sa daan, hayun at pabilisan sa pagpapatakbo ng nagmamahalang kotse nila. Unfair di ba?
Ganoon talaga ang case ni Lily na ngayon ay huminto sa tapat ng tindahan ni Aling Barenda sa palengke. Nagtitinda ito ng mga cute na cute na itlog. Na sa sobrang cute, ay kay sarap basagin.
"Aling Barenda! Yoooohhooo! Ito na iyong pinapa-deliver niyo!" Sigaw pa niya sabay punas ng pawis.
Ilang minuto pa bago lumitaw ang matabang babae. "O my itlog ng husband ko! Sakto ang dating mo Lilita!"
BINABASA MO ANG
Faded Love
RomanceMaybe one day, I'll be what you need. But don't wait too long. Because the day you want me, maybe the day I've finally given up.