-Part 1-
Nasa kalagitnaan ng mahimbing na pagtulog si Lily nang magring ang cellphone niya. Tinatamad na kinapa niya ang phone sa ilalim na unan at pikit-matang sinagot ang hampas-lupang tumatawag sa gitna ng gabi.
"Hello..?" Antok na antok pa ang boses niya.
Samantalang, wala namang nagsasalita sa kabilang line.
'Bwisit ba 'to o nananadya lang?' bulong niya.
Ilang seconds rin itong hindi nagsasalita, malalalim lang na paghinga ang naririnig niya, at maya-maya ay mga paghikbi na.
"What the... tumawag ka ng ganitong oras para ngumawa?" Inis niyang tiningnan kung sino ang caller pero unregistered number lang pala. "Bullshit, troll ba 'to?" Saka niya in-end ang call.
Bumalik na uli siya pagkakatulog.
Pero wala pang 5 minutes ay may tumawag na naman. Gusto niyang mainis pero dahil kumakanta pa si Taeyang sa simula ng Fxxk It ay nagkaroon siya ng kaunting consideration.
Nang si G-Dragon na ang magra-rap ay saka niya inis na sinagot ang tawag.
"Ano bang trip mo ha? Tawag ka ng tawag, ampotek nam----"
"Lilita...." Malungkot na boses ang nagsalita sa kabilang line.
Nagregister sa isipan niya ang malungkot na mukha ni Lorie. Kung ganoon ito rin ba ang tumawag sa kaniya kanina?
"Ano na namang problema mo? Pangalawang beses mo na 'tong pagtawag."
"Anong pangalawa? Ngayon pa lang 'no!"
Napatingin siya sa caller I.D, si Lorie nga at hindi na unregistered number. "Ah basta, sabi sa'yo mag-sleeping pills ka na lang kung di ka makatulog." Bored na suggestion niya.
"Ayoko nga!" Medyo tumigas na ang boses nito. "Alam mo bang hindi maganda ang side effects ng palaging gumagamit ng sleeping pills? Magkakaroon ka ng unusual dreams pati nagpapabagal pa ng utak. Ayoko kayang maging slow."
"Ayaw mo? E slow ka nga lagi."
"Tse."
"O, so anong tinawag mo? Iiyak ka na naman?"
Biglang tumahimik. "Oy ano na?"
"I've found her." Nakakatakot ang boses nito.
"Sinong her?"
"E di sino pa? Yung nabuntis ng asawa ko."
"What? Maganda?"
"Medyo. Pero wala pa ring binatbat sa akin. Ise-send ko sa'yo ang pic."
Maya-maya pa ay may nagpop-up ngang picture.
BINABASA MO ANG
Faded Love
RomanceMaybe one day, I'll be what you need. But don't wait too long. Because the day you want me, maybe the day I've finally given up.