STALKER 7

20 3 0
                                    

2 years later...
MAGGIE'S POV


After nung breakfast namin ni Niko, hindi na siya nagparamdam sakin.











Feeling ko iniiwasan niya ako. Ano naman kaya ang ginawa ko? Hindi naman ako nagkulang sakanya diba?










Pero bakit ganon?











Bat ganito ginagawa niya sakin?












Bigla niya na lang akong iiwan sa ere, after niyang sabihin ang feelings niya para sakin.












Gumaganti ba siya kase ninakawan ko siya ng picture nung nasa sasakyan kami?














Ano ba talaga ang ginawa ko?












Pakshet naman oh! After ng ilang weeks, hindi na kami nagkikibuan.








Feeling ko ako ang may kasalanan.



















Tumagal iyon ng 1 month, 3 months, hanggang sa umabot ng graduation ko.













Walang Niko ang nagparamdam.













Ang huling narinig kong balita sakanya ay lumipat daw siya sa ibang bansa.












Pero hindi ako naniwala.









Pumunta ako sa bahay nila 2 days after ng graduation ko.












Pero wala parin sila.















Tanging caretaker lang ang naninirahan sa bahay nila.







After nun, nag-give up na ko sa paghahanap sakanya.









Pero hindi ko igigive-up ang nararamdaman ko sakanya.









Nililigpit ko ang mga gamit ko nang makita ko ang pinadevelop kong picture niya.









First year college ko pa yun pinadevelop. 4 years ago, iniistalk ko pa siya. I even said to him na lagi ko siya susundan nung mga araw na nasasaktan siya, pero ngayon, ano na?








Ni hindi ko na masasabing iniistalk ko siya. Binigo ko yung promise ko sakanya na susundan ko siya.







Nararamdaman ko ang pag-gilid ng luha saaking mga mata at unti-unti itong bumabagsak sa picture ni Niko.

~^~^~



















4 years and 7 months later...

Dumaan ang maraming araw, buwan, at taon. Wala parin akong balita sa kanya.













I think I should give up na.





Tatanda akong dalaga ne'to eh.







25 years old at still NBSB parin.








Pano hinihintay ko ang taong mahal ko.







Hindi ko nga alam kung buhay pa siya.


*sigh*





















I'm currently working as an accountant sa isang malaking restaurant, ang Maniqué.







Maraming branches ang restaurant na ito at sa Italy pa main branch!








At balita ko, pinoy daw ang nagmamay-ari ng business na ito. Ang swerte ko dahil natanggap ako kaagad!






Pang 3 years ko na dito bukas! Nako mayabong na ang bonus ko dito!








At bukod sa kilalang restaurant nga ang pinapasukan ko, napaka generous nilang magbigay ng sweldo.






Akalain mong suswelduhan nila ako ng 600 Euros kada buwan. Eh di 49.78Pesos x 600Euros = tumatagingting na mahigit 29,000 thousand! Grabe ang swerte ko sa trabaho!! Hahaha!








Nasa meeting kami ngayon, late na nga pinasarado ang restau, late pa kaming uuwi.






Ano bayan! 10 minutes lang naman daw eh.






Anyway, pinatawag lahat ng staff at mga nagtatrabaho sa office dito sa restau. May magaganap na malaking event dito bukas. Magkakaroon daw ng engagement party.







Nakakatuwang manuod ng mga ganito.






Pero at same time, nalulungkot din.














Ano ba?! Gusto ko rin kayang ma-engaged!










Pero ang hassle nga eh.








Bat kase kasama pa ako sa organizing team? Pwe! Anong alam ko dun? Tsaka kelangan daw namin mas maging presentable tignan.








Dadating daw kasi ang may-ari ng restaurant. Kelangan daw bonggahan daw namin ang peg namin, lalo na daw ako.







Pano kasi napaka plain lang daw ng make up ko. Ni hindi man lang daw ako naglalagay ng eye shadow.







Hay nako, hindi ko na kailangan ng eye shadow kasi matatakpan lang naman ng salamin ko yon!









Akala ko 10 minutes lang tong meeting na'to.






Pero bat ang tagal.






After 30 minutes...

Pinauwi na rin kaming nasa accounting department.





Kelan ba naging 40 minutes ang 10minutes?! Kaloka! Buti na lang.



Kawawa naman yung mga naiwan na staff.



TO BE CONTINUED...

Your Lovely StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon