Hi guys! This will be the end of the story of Stalker. I hope you enjoyed reading it. Kahit na short story lang (short story lang pero inabot ng 10 chapter na nobela sa haba hahaha). Thank you my dear readers!
A/N : May isa pa po akong story which is yung Nine Weeks of Separation. Sana po ma-enjoy niyo rin iyon :)
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
MAGGIE'S P.O.V.
Tinanggal ko muna ang heels ko at tsaka bumaba ng stage. Wala kong pakialam sa mga komento ng guest namin. Ang importante ay ang mayakap ko ang lalaking mahal ko!
Hindi ko na rin napigilang lumuha sa pagkayakap ko sakanya. Miss na miss na miss ko na ang lalaking ito. I don't care kung may tampo siya sakin dati or galit. I don't care! Gusto ko lang siyang yakapin ng sobrang higpit ngayon.
"Ngayong nasa kamay na kita Niko, hinding hindi na kita hahayaang mawala pang muli sa paningin ko."
Ibinulong ko sakanya ang mga katagang iyon. Medyo nahihiya ako. Kasi dapat siya ang magsasabi sakin nun at hindi ako. Pero totoo naman ang sinabi ko eh.
"I know that Maggie. That is what this engagement is up for."
"Ha? Engagement for what?"
Bago niya pa iexplain sakin ay hinawakan niya ang bewang ko papalapit sakanya at ninakawan ako ng halik. It's our second kiss. Then it means,
"I love you Maggie Lazaro. I love you so much! And i miss you my love."
"I love you and I miss you too Niko Dela Cruz!"
This time ako na ang lumapit at hinalikan siya. Our kiss was very passionate. Ramdam na ramdam ko ang halik niyang yun saakin. Napakatagal ng kiss namin. Ang tagal ko din itong hinintay. At sa wakas, minahal niya na din ako ng buong buo.
Hindi ko namalayang nagpapalakpakan na ang mga guest namin. And guess what? Mga kaibigan at relatives namin ang mga guest dito sa restaurant. Mukang naisahan ako ni Niko sa surprise niyang to. Akala ko mga business partners niya ang nandito.
"Will you marry me, my lovely stalker?"
Hindi ko napigilang umiyak. Sobrang saya ko. Thankful ako dahil siya ang minahal ko.
"Yes. This stalker will pleasurably marry you Niko Dela Cruz."
And we kissed again. But this time saglit lang.
"But first, sabihin mo sakin ang nangyari sayo 4 years ago."
"Ok Maggie. Pwede bang mamaya? May mga bisita pa tayo."
"Ok my love. Pero pwede bang mag duet tayo? Let's finish our song Niko."
Then we sang again.
What a feeling in my soul
Love burns brighter than sunshine
It's brighter than sunshine
Let the rain fall, I don't care
I'm yours and suddenly you're mine
Suddenly you're mine
I got a feeling in my soul
And it's brighter than sunshine
~*~*~
After ng event, dumerecho kami sa condo na tinutulayan ni Niko. Dito niya sinabi ang lahat lahat. Habang papunta kami sa condo niya Hinahawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Hindi ko inaasahan na babalik siya at hahawakan ang kamay niya.
He said, he never wanted to make me unwanted and to go away. Nagkaroon ng problema sa business nila noon sa Italy at kinailanggan niya umalis para tulungan ang mga parents niya dun. Nahirapan siya kung paano sasabihin sakin na aalis siya. Kaya maas minabuti niyang wag na akong kausapin.
Sumama ang loob ko nung sinabi niya yon. Sana sinabi niya sakin para hindi ako nasaktan. Pero nangyari na ang nangyari. I forgave him. Wala din namang mangyayari if we still remembering the past.
After kong grumaduate, umuwi daw siya dito sa Pilipinas para asikasuhin ang transcript niya sa school. Naging successful na ang business nila at lalo pa itong lumaki. Mangilan-ngilan palang daw ang branches sa iba't ibang bansa. Syempre nagtayo na rin sila dito ng branch sa Pilipinas.
Gustong-guto niya daw akong puntahan pero hindi pa niya kaya. Kaya nag hire siya ng mga tao para hanapin ako. Little did he know, sa kanya ako nag tatrabaho. At dahil dito ay madali niya akong nahanap.
After niya daw nalaman na nagtatrabaho ako sa restaurant nila sa Pilipinas ay agad naman daw siyang bumalik ng Italy para mag paalam sa mga parents niya na sa Pilipinas ulit tumira. Sinabi niya rin na baka mag-asawa na daw siya.
At eto pa. Kinikilig nga ako sakanya nung ikinuwento niya sakin na simula nung bumalik ulit siya sa Pilipinas 1 year ago ay lagi-lagi niya na daw akong sinusundan. Siya ngayon ang naging stalker ko.
Andami niyang ikinuwento sakin. Kung paano siya namuhay sa Italy mag-isa. Yung mga araw daw niya ay walang kwenta nung simula nang hindi niya ako kausapin nung nag-aaral pa lang daw kami.
"Niko, wag mo nang balikan pa ang nakaraan. Ang importante ay kaasama na kita. Mahal na mahal kita Niko."
"I love you more. Ikaw lang ang kailangan ko sa buhay ko. Pati narin syempre ng magiging anak natin."
Tinignan ako ni Niko na puno ng lust. Tsk. Ibibigay ko naman sakanya eh. Maghintay nga lang siya.
"Alam ko ang mga ganyang tingin Niko! Pagkatapos na ng kasal na natin ituloy ang binabalak mo ok? I'm tired. And happy too! Don't worry, I'm still a virgin."
"Next week na tayo magpakasal ha?"
"Agad agad? Diba pwede next year nalang?"
"Angtagal naman. Baka naka hanap na ko ng iba nun."
At nagpatuloy pa ang pag-aaway namin. Oh how I missed this!
Ngayong nandito na si Niko, muli akong nabuhayan.
Nagkaroon ulit ng buhay ang puso kong namatay 4 years ago.
The End.