-first-

294 9 1
                                    

Justine's Point of View

I was an ordinary first day of school. Walang bago. Bukod sa nalipat ako sa 2nd section, nagpakilala lang kami sa harap at nainis na naman ako sa mga classmate kong hindi nakapag salita sa harap at may gana pa talagang silang tumawa. Ano bang mahirap sa pagpapakila? Lagi naman tong ginagawa sa first meeting. Hindi naman sa nagnamayabang ako, pero 2nd section ito pero bakit parang hirap pa rin sila magsalita?

"Okay. Section 2. We will elect your officers tomorrow kaya dapat kilalanin niyo ng mabuti ang inyong mga classmates. See you tomorrow.  Goodbye Class"  lumabas na ang teacher namin at sumunod naman ang mga classmates ko. Nagpahuli na ako dahil ayoko namang makipagsiksikan pa sa kanila.

Im on my way sa last subject ko ng maalala kong pupuntahan ko nga pala si Russel sa Gym kung san sila nagprapractice. I want to surprise him. Kagaya ng pag-surprise niya sakin na mag try out siya sa volleyball at nakuha naman siya. Sinabi ko bang ayoko sa mga athlete noon? Excempted si Russel doon. Pareho kaming section 7 ni Russel last year, pero napabayaan niya ang pag-aaral niya kaya ngayon ay napunta siya ng section 9. Isang taon at apat na buwan na rin kami ni Russel pero masasabi kong inlove na inlove na ako sa kaniya. Napagdesyonan ko namang puntahan na lang muna siya dahil sigurado naman akong wala pang masyadong gagawin mamaya.

Naglalakad na ako papuntang Gym, medyo dumidilim na rin. Mukhang uulan kaya binilisan ko na ang lakad. Sasabay na lang ako kay Russel sa paguwi mamaya. Aantayin ko na lang na matapos yung orrientation nila.

Nagaantay ako sa labas ng gym dahil hindi naman ako papasukin sa loob maliban na lang kung kasama ko si Russel. Kung meron lang sana ang phone ko ay na text ko na siya na nasa labas na ako. Kaso hanggang ngayon ay wala akong maalala kung saan ko iyon nailagay. Nagbabakasali akong may lumabas na team mate niya, lalakasan ko na lang ang loob ko at ipapatawag na lang siya kung sakali pero mga players ng basketball team ang isa-isang nag silabasan. Mukhang wala namang nakapansin sakin dahil dere-derertso lang sila sa paglalakad. Naiinip na ako kaya umupo na muna ako sa hagdan ng Gym.

Hindi ko alam pero nakakaramdan ako ng kakaibang kaba. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pero wala akong ideya kung bakit. Halos mapatalon ako ng biglang nagsalita sa likuran ko.

"Hey!" may narinig akong pamilyar na boses saking likuran pero hindi ko iyon nilingon, baka hindi naman ako yung tinatawag ayokong mag-assume.

"Ahmm, Justine!?" nakuha niya ang atensyon ko. Mukhang nahihiya pa ang tono niya pero alam kong ako yung tinatawag niya kaya napalingon na lang ako baka kasi team mate siya ni Russel.

Pero hinde. Siya yung lalakeng kanina na nagbukas ng pinto kaya ako natumba. Hindi ko lang maalala kung anong name niya pero alam kong siya iyon. Gusto kong mainins sa kaniya pero mawala iyon ng tuluyan ko na siyang makita. Tumalikod muna siya dahil may kumausap sa kaniya. Nabasa ko naman ang nasa likod ng jersy shirt niya "Acots"  Mukhang coach nila iyon pagkatapos siyang kausapin at naglalad siya papunta sa dereksyon nang kinauupuan ko.

Oh my God. Ang gwapo niya. Bagay na bagay sa kaniya ang jersy'ng soot niya ngayon. Basa ang buhok niya na halatang katatapos lang maligo. Hindi ko namalayan na nasa harap ko siya at matagal ko na pala siyang tinitigan. Oh my! Nakakahiya.

"Heyy? Youre Justine, Right?" nakangiti niyang sabi.

"Ahh. Y-yeah, J-Justine, You are?" medyo hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso dahil nahihiya ako dahil sa pagtitig na ginawa ko kanina.

"You dont know me? Im sorry, but, seriously? Di mo ako kilala?" narinig ko ang mahina siyang natawa. Napatingin ako sa kaniya at takang-taka siya ngayon.

"Bakit? Dapat ba kilala kita?" medyo naging sarcastic ang way ng pagkakasabi ko. May kayabangan rin pala itong tinatago. Gusto ko siyang talikuran kasi baka mainis lang ako lalo pero hinawakan niya ang braso ko na agad ko namang binawi.

Just RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon