-fourth-

199 4 0
                                    

Jastine's Point of View

Its been a long time.

Bumilis ang puso ko at hirap na naman akong gumalaw.

Its him.

Russel.

Matagal ko na na rin siyang hindi nakikita at ngayon ay nasa harapan ko na siya. He looks fine, wala namang nagbago sa kaniya maliban na lang sa humahaba na rin ang buhok niya. But he still the Russel I use to love. Hes still, my Russel.

Ngumiti siya pero nasisigurado kong peke iyon. "Hi." isang salita pa lang niya ay lumambot na ang puso ko. One word. Pero parang isang libong salita ang katumbas niyon para sakin.

Diba dapat galit ako sa kaniya? I should me mad at him. I should hate him. There are plenty of reasons why i should. I hate him for not giving attention to me this past weeks. Galit ako sa kaniya kasi binalewala niya ako at nakaya niyang akong tiisin. Galit ako kasi pinagmukha niya akong tanga tapos ngayon ay bigla na lang siyang magpapakita na parang wala siyang kasalanan. Galit ako sa kaniya. Pinipilit kong kumbinsihin ang sarili ko pero iba ang sinasabi ng puso ko.

My brain says I hate him, but my heart contradicts the idea. They don't compliment each other. But one thing is for sure.

I still into him.

"Kumusta ka na?"  basag ang boses niya at may halong kirot ang bawat salitang nagmumula sa kaniya.

Titinigan ko lang siya. I want to talk. I want to shout. I want to say and show how much I hate him. Gusto kong magwala at saktan siya. Pero hindi ko magawa. Napipipi ako. Natatakot na naman ako. Akala ko handa na ako. Sabik na sabik ako na makaharap siya para tapusin na kung anong meron kami pero ngayon na andito na siya sa harap ko ay di ko magawa. Hindi ko kaya.

"Justine, I- Im sorry" nagmamakaawa ang mga mata niya. Pinipigilan ko ang sarili kong maiyak pero hindi ko nagatagumpay. Kusang nag silaglagan ang mga luha ko. Nakita ko namang nasaktan siya na nakita niya akong naiyak, baka na-guguilty lang siya? o nagpapanggap lang talaga siya na may pake pa rin siya sakin?

"Im sorry" nakikita kong may nagbabadyang luha sa mata niya pero yumuko siya para di ko ata mapansin.

Anong ginawa mo sakin, Russel? Pinaglalaruan mo ba ako? Laro lang ba sayo to. Ang duga mo naman. Naiinis ako sa kaniya pati sa sarili ko. Isang sorry niya lang, handa na naman akong patawarin siya. Handa na naman akong magpakatanga ulit para sa kaniya. Ako na siguro ang dakilang reyna ng mga marurupok sa mundo.

Hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi ko pa pala siya kayang kausapin. Naguguluhan pa ako. Gusto ko nang tumakbo para makaalis na dito pero hindi ko alam kung paano, parang bigla akong nalumpo. Para akong naging baby na kailangan ng ina para turuan kung pano maglakad at tumakbo.

Alam kong nagaantay na lang si Russel sa mga sasabihin ko pero wala siyang mapapala. Bakit hindi na lang siya umalis? Tutal doon naman siya magaling. Ang mang-iwan na lang basta-basta.

The atmosphere between me and Russel is now starting to be aukward. Kailangan ko nang umalis dito. But Im clueless how to do it. Madali lang sana kung tatakbo na ako pero hindi ko magawa. I need to get out of hereor else,  hindi ko na makakayanan ang karupukan ko at bigla ko na lang sunggaban ng yakap si Russel.

Please, I need someone to save me.

Akmang lalapit sakin si Russel dahilan ng mas pagbili ng pintig ng puso ko. Hirap na rin akong huminga kaya pinili ko na lamg pumukit. Suddenly, an image of a guy started to pop up in my mind.

"Help me" bulong ko sa sarili ko.

Nanatili akong nakapikit at nagtataka kung bakit hindi na ako nakarinig ng kahit anong mga yapak. Tumahimik ang paligid. Ang naririnig ko na lamang ay ang pagaspas ng mga dahon na sumasabay sa alon ng hangin.

Just RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon