-eight-

43 3 0
                                    

Jastine's Point of View

"Oh my god, Just! Kaibigan ba talaga kita? Bakit hindi mo sinabi saking kilala mo si Serg? Nagtatampo na ako sayo!"

Halos mapunit ang uniform ko at namula na rin ang braso ko dahil kanina pa ako hinaharass ni Aa. Malapit ko na talagang idemanda to.

"E malay ko bang crush mo yun?" sagot ko habang hinihimas ang braso kong pinalo niya. Ang sakit.

"Ehhhhh! Justine! Ipakilala mo ako please? Ireto moko." pagmamakaawa niya. Matagal na palang crush ni Aa si Remembrhio, nung grade 7 pa lang ay patay na patay na siya rito. Kahit ibang school si Remembrhio noon at kakalipat niya lang din dito kagaya ko nung mag senior high.

"Patay na patay ka talaga sakaniya, no? " tanong ko.

"Duh sino ba namang hinde? Bukod sa sobrang gwapo at hot niya. Matalino rin siya. Stem Section 1 kaya siya at with high honors. Magaling rin siyang basketball player. Highly recruited nga siya sa mga University dito sa Manila. Bakit di mo alam?" hindi naman siya stalker niyan.

"Baka hindi mo rin alam na counsin niya si Russel?" sa lahat ng sinabi niya ay dito lang ako natahimik. Magpinsan sila? Close ba sila?

Natahimik na lang si Aa ng biglang pumasok ang teacher namin. Ang dami ko palang hindi alam.

Natapos ang class kaya lunch time na. Nag text sakin si Remembrhio. This time ay naka save na ang number niya.

"Lunch? Treat ko." pumayag ako. Hindi nga lang makakasama si Aa kasi may family problem sila.

---

Nasa canteen na ako ngayon. Nakaupo lang ako habang inaantay si Remembrhio. Siya kasi ang nagorder ng food namin. Nagaantay lang ako sa kaniya ng makita ko si Russel kasama si Nadia. Nakahawak pa si Nadia sa braso ni Russel. Ang sarap bumali ng mga braso.

Hindi ko alam kung nananadya ba sila o ano. Marami namang bakanteng lamesa pero doon pa talaga sila sa pinakamalapit samin. Buti na lang at dumating agad si Remembrhio.

"Are you okay?" tanong niya agad.

"Pinsan mo ba talaga si Russel?" deretso kong tanong. Tamad siyang tumango. Hindi ba sila okay?

"How?" curious talaga ako.

"My mom and his our twins." nagulat ako. Bakit parang hindi sila magkamukha. Alam niya ba ang tungkol samin ni Russel? Close ba sila.

"May tanong ka pa ba tungkol sa kaniya? Why not ask him instead?" malamig niyang saad. Galit ba siya? Malamang Ang insensitive ko naman. Si Remembrhio ang kasama ko pero si Russel ang nasaisip ko. Wrong move Justine. Wrong move.

"Sorry." nakokonsensyang hinngi ko ng tawad.

Tumingin siya sakin at ngumiti. Nahawa ako doon.

"Eat your food, lalamig yan. Stop thingking about other man. Can you." tumango na lang bilang sagot. Naging maganda naman ang first lunch namin together. Nakalimutan ko ring kasama nasa tabi ko lang sila Russel.

Pagkatapos kumain ay inihatid ako ni Remembrhio sa room namin. Sinabi kong wag na pero makulit talaga siya at hinatid pa rin ako. Nadatnan kong nasa room na rin sila Nadia at Russel. Magkatabi naman sila. Lahat ay nagulat ng makita si Remebrhio na kasama ko, lalo na si Nadia.

Ganun ba talaga siya ka sikat? Nakita ko namang nagtatatakbo palapit sakin si Aa. Nakabalik na pala siya.

Nagkatinginan sila Remembrhio at Russel. Sobrang nakakatakot kung paano sila magtititigan. Parang magsusuntukan na sila.

"Remembrhio." tinawag ko siya para alisin ang tensyon sa kanilang dalawa.

Nawala ang seryosong tingin niya kay Russel at napalitang ng ngiti ng tumingin sakin.

"Salamat, huh? Pasok ka na rin." sabi ko. Naiinis naman ako ng kinakalabit ako ni Aa. Ano bang problema nito? Ayy. Oo nga pala crush na crush niya si Remembrhio.

"Just. Pakilala mo ako, ano ba?" pabulong ba sabi ni Aa. Pinandilatan ko siya sa sobrang inis.

"Ahm Remembrihio. Si Aa nga pala. Friend ko." sabi ko sabay turo kay Aa. "Aa si Remembrhio" turo ko naman kay Remembrhio.

"Hi, pwede bang mag pa-picture?" bakit ba nagiiba ang boses ng babaeng ito? Para siyang nasapian ng dwende.

"So-sorry, but I need to go. I have my class pa. Maybe next time. Sige Justine. Alis na ako." umalis nasi Remembrhio habang si Aa ay nagdradrama ngayon.

"Just. He rejected me. Ang sakit. Ngayon lang sakin ginawa to." maarteng reklamo ni Aa. Hinayaan ko lang siya maginarte sa tabi.

Nagpunta na ako ng upuan ko pero biglang hinarangan ni Russel ang dadaan ko.

"Justine?" tumingin lang siya sakin ako naman ay di makasagot at tumingin lang sa kaniya. " I want you to be happy. Just be happy." at tuluyan siyang lumabas ng room.

Naguguluhan ako.

How can I be happy, if youre ignorning me?

Your my happiness, Russel.

Your still my happy pill.

If you want me to be happy, comeback to me.

----

Short update po muna tayo. Pasenya na. Heheh. Babawi ako sa next chapter.

Just RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon