Chapter 6

77 7 0
                                    

Sven's POV

Hindi ko na kaya itong mga nangyayari sa akin. Kailangan ko ng malaman ang lahat. Nakakasigurado ako na may dapat akong malaman na kung ano, para bang kulang ang pagkatao ko.

Umuwi na ako ng bahay. Naabutan ko sila Inay at Itay na nag-uusap ngunit bigla silang tumigil nang makita nila ako.

Guni-guni ko lang ba o totoong parang ibang tao ang mga nakita ko kanina, parang iba ang aura nila Inay at Itay bago nila ako makita. Malalaman ko rin ang lahat ng iyan.

"Oh anak buti dumating ka na, kakaluto lang ng pagkain natin. Tara na sa doon. Paborito mong ulam ang niluto ko." Wika ni Inay.

Dumiretso na siya sa kusina para kunin ang pagkain habang si Itay naman ay nakaupo lang sa sala.

"Oh anak bakit hindi ka pa pumunta doon?" Wika ni Itay. Tiningnan ko ang mukha niya. Walang bakas ng pangamba. Napakainosente. E ano naman kaya ang mga nakita ng aking mga mata kanina?

Nilapag ko na muna ang gamit ko at saka nagsalita.

" Sabay na po tayo Itay. Sabay-sabay na tayong kumain." Nakangiti kong saad. Pilit kong kinakalimutan ang mga naramdaman ko kanina.

" May importanteng pupuntahan pa kasi ako anak e, babalik din ako agad."

" Saan naman yan Itay pwede ko bang malaman? Gabi na rin po kasi mapanganib na sa labas." Saad ko.

Agad naman siyang tumayo.

" Ah sige anak bukas na lang pala, hindi naman gaanong mahalaga yun. Tara kumain na tayo." Wika ni Itay.

Sabi niya noong una importante daw tapos noong tinanong ko siya biglang nagbago ang isip niya. Hindi daw mahalaga iyon? Nakalahalata na ako ah.

Sumunod na lang ako sa kaniya.

Habang kumakain sila napakatahimik namin. Hindi kami ganito e, hindi ako sanay. Hindi ko pa ginagalaw ang pagkain ko.

Kakaiba rin ang mga kinikilos nila.

Binasag ko ang katahimikan.

"Inay, Itay. Bakit ang tahimik niyo po? May nangyari po bang hindi maganda?"

"Wala anak, hindi ba dapat kapag kumakain ay tahimik lang dapat. Kabastusan naman iyon pag maingay tayo habang kumakain, hindi ba? " wika ni Inay.

"Oo nga anak. Oh bakit hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo? Kumain ka na baka lumamig pa." Wika naman ni Itay.

Hindi. Ayaw ni Inay ng tahimik pag kumakain.Gusto niyang masaya at nagkukwentuhan kami.

ISA.

" Akala ko po ba paboritong ulam ko ang iniluto niyo?" Muling tanong ko.

"Hindi ba anak?" Wika naman ni Inay.

Hindi. Dahil hindi ako kumakain ng dinuguan.

DALAWA.

Isa na lang.

"Cifer, kumain ka na lang tutal may isda din akong niluto tama yan na lang ang kainin mo. Pagpatuloy na natin ang pagkain."

TATLO.

"SINO KAYO! Ilabas niyo ang mga magulang ko!" Sabay tayo ko.

" Ano bang pinagsasabi mo anak, kami to ng Itay mo. Umupo ka na lang at kumain gutom lang iyan."

" Hindi! Nakakasiguro akong hindi kayo ang magulang ko. Hindi Cifer ang tawag sa'kin ni Inay! Sino kayo ha! Saan niyo tinago ang magulang ko!" Sigaw ko sa kanila.

Biglang tumawa ang dalawa. Unti-unting nag-iiba ang kanilang anyo.
Naging kulay berde ang kanilang mga mata at sobrang nakalasilaw ito, kakaiba ang kasuotan nila at higit sa lahat mayroon silang sungay.

" Magaling Cifer. Nahulaan mo agad kami. Huwag kang mag-alala ligtas ang iyong magulang.". Wika ng isa. Kakaiba ang tinig niya. Nakakatakot ito parang demonyo. Hindi. Demonyo talaga sila.

" Sino ba kayo ha?! Anong pakay niyo sa'kin? Nakikiusap ako, ibalik niyo na ang magulang ko!"

Biglang nag-ilaw ang kwintas ko.
Naging kakaiba ang aking pakiramdam. Sobra akong nag-iinit. Para bang may nagsasabi sa kaloob-looban ko na lumaban ako. Pero paano?

" Hindi mo pa nga pala kami kilala dahil hindi pa nakakabalik ang iyong alaala. Galing kami sa grupong Eocryptians, ang pangalawang makapangyarihang antas sa kabilang buhay. " biglang nagapoy ang kanilang gilid ngunit ito ay kulay berde.

Sa hindi ko malaman na dahilan, parang gustong magwala ng katawan ko pero may pumipigil nito. Nararamdaman kong nagiging pula na naman ang aking mga mata.

"Aba. Mukha ngang bumabalik na ang iyong kapangyarihan. Ngunit iba ang ipinunta namin dito. Hindi ba gusto mailigtas ang iyong tinuturing magulang? Simple lang, ibigay mo sa amin ang iyong kwintas at agad naming gagawin ang gusto mo." Wika naman ng isa.

Ayoko. Ayokong ibigay ang kwintas ko dahil importante sa akin ito. Parte ito ng pagkatao ko. May kung ano rin sa akin na nagsasabing huwag ko ito ibigay ngunit paano na sila Inay at Itay?

"A-ayoko! Hindi ko ibibigay sa inyo ang kwintas ko! Lalabanan ko kayo."

Humalakhak silang dalawa.

" Hindi mo pa kami kaya. Mahina ka pa. Hahaha! Ayaw mo ah, tingnan natin kung hindi ka pa papayag kapag nakita mo ito."

Bigla siyang naglabas ng hugis bilog na apoy, kulay berde ito. Nakita ko doon si Inay at Itay na nakagapos. Napapalibutan sila ng apoy na may elektrisidad. Nakagapos sila sa kadenang yari sa apoy. Nakakaawa ang magulang ko. Wala silang malay sa larawan ngunit bakas sa mukha nila ang paghihirap.

" Mga walang hiya kayo! P-pakawalan niyo ang magulang ko! Wala kayong mga awa, mga Hayop!"

Bigla akong nakaramdam ng sobrang init. Biglang nag-aalab ang aking katawan. Wala sa sariling naglabas ako ng apoy at inihagis sa kanila. Isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Galit. Sobrang galit.

Third Person's POV

Dahil sa sobrang galit ni Sven sa dalawa, naglabas siya ng mga apoy. Walang tigil niya itong inihahagis sa dalawa.

Nakakailag naman ang dalawang Eocryptians ngunit may kaba sa kanilang dibdib dahil hindi nila akalain na babalik na pala ang kapangyarihan nito. Ang kulay pulang apoy kasi ang sumisimbolo sa antas ng pinakamakapangyarihang grupo sa Underground World. Alam nila ito ngunit inutusan sila ng hari nila na kunin ang kwintas dahil sa mahalagang dahilan.

Sumugod ang dalawa kay Sven, naglabas sila ng malalaking apoy na kulay berde at inihagis kay Sven ngunit naiwasan niya ito. Nag-aapoy na sa loob ng bahay ngunit patuloy pa rin sila sa paglalaban. Wala sa sarili si Sven kaya hindi niya namamalayan na naapektuhan na ang bahay nila.

Mukhang nahihirapan na ang dalawang Eocryptians kaya napagdesisyonan nilang umalis muna.

" Babalik kami. Tandaan mo yan. Paalam." Wika nila. Bago pa man sila matamaan ng apoy ni Sven ay naglaho na sila na parang bula.

Pagkatapos nun ay nahimasmasan na si Sven. Ngunit galit pa rin siya. Halu-halo ang emosyong nararamdaman niya. Nagagalit, Nalulungkot. Lumabas siya ng bahay nila at nakikita niya ngayon kung paano lamunin ng apoy ang kanilang munting bahay.

Napaluha na lamang siya. Isa lang ang nasa isip niya ngayon.

ANG MAGHIGANTI.

Itutuloy...

Wooohh. Nangangapa pa talaga ako haha. Sana nagustuhan niyo kahit paano :)

Gawa-gawa ko lang lahat ng mga yan. Kaya kung may mababasa man kayong hindi pamilyar na salita ay alam niyo na. Kung may pagkakatulad ito sa iba inosente po ako diyan *taas-kamay*. Hindi ako kumuha ng kahit anong impormasyon sa iba. Although nagresearch ako about sa Demons, wala akong ginaya. Mahirap na. Ang creepy nila. Wahhh. Hahaha. Yun lang. Salamat!

Vote? Comment?

The Demon's Lost Memories (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon