Chapter 8

31 5 0
                                    


Pumasok na ako sa trabaho.
Kailangan ko munang magtrabaho, tatanggalin  ko muna sa isipan ko panandali 'yang mga tungkol sa Demonyo na iyan.

"Oh Sven ayos ka lang ba? Bakit parang hingal na hingal ka?" Tanong sa akin ni Reigh. Patakbo kasi akong pumasok sa loob.

"Ah o-oo Reigh, late na kasi ako kaya nagmadali akong tumakbo." Iyon na lang ang isinagot ko.

"Ganoon ba, sige tulungan mo na kami dito. Ilang minuto ka lang naman na late atsaka hindi naman napansin iyon ni Ma'am Raydhen dahil nasa loob siya ng kanyang opisina." Nakangiting saad ni Reigh.

Mabuti naman kung ganoon. Nginitian ko naman siya bilang sagot.

Nagpatuloy na kami sa pagtatrabaho. Dumadami na ang mga dumadating na customer kaya dapat mas maging mabilis.

Mayamaya bigla kaming tinawag ni Luis.

"Guys! Ayaw gumana lahat ng stove. Nawalan ng apoy."

"Huh? Paanong mawawalan iyan e may gas pa lahat 'yan? Gumawa tayo ng paraan. Madami pang customer kaya dapat tuluy-tuloy tayo." Nag-aalalang wika ni Reigh.

"Bryan, pakisabi nga kay Ma'am na ayaw gumana ng mga stove." Utos ni Luis sa isa naming kasamahang si Bryan.

Agad naman itong sumunod.

Habang tinitingnan nila kung ano ang problema ay biglang may pumasok sa isip ko.

Hindi ba nakakagawa ako ng apoy? Gamitin ko kaya ito para sumindi na ang stove?

"Mmmm guys ako ng bahala diyan, madaming customers sa labas kaya paki-asikaso na lang sila. Susubukan kong ayusin. Sige na punta na kayo doon sa mga customers." Kalmado kong wika sa kanila.

Hindi na sila nagtanong pa dahil nakikita nilang dumadami na talaga ang customers kaya agad silang umalis.

Nang sigurado na akong wala ng tao ay nagconcentrate ako, kumukuha ako ng pwersa sa loob ko. Nakatapat ang kamay ko sa stove na walang apoy at pinipilit ko sa isip ko na may lumabas na apoy sa kamay ko.

Konti pa Sven. Konti pa.

Ilang segundo pa ang ay mayroon ngang lumabas, kaso napakalaking apoy kaya agad ko itong iniwas sa may stove dahil baka magliyab sa loob.

Pinilit kong maging kalmado ang pakiramdam ko at inuunti-unti kong kinokontrol ang apoy na nagagawa ko hanggang sa lumiit na ito. Nang sa tingin ko ay pwede na, mabilis kng itinapat sa stove ang kamay ko at nilagyan ito ng apoy. Agad nman itong gumana ulit. Sa wakas! Lahat ng stove ay ganoon ang ginawa ko.

Biglang may pumasok, mabuti na lang at saktong nasindihan ko na ang lahat.

Wooooh! Muntik na ako.

"Where's the problem Bryan?" Tanong ni Ma'am Ray kay Bryan habang tinitingnan ang paligid pero nahinto sa akin ang tingin niya.

Nagkamot naman ng ulo si Bryan nang makita niyang may sindi na lahat ng stove.

"Ma'am nagloloko po kasi lahat ng stove kanina pero okay na po ayos na." Sagot ko kay Ma'am.

"I'm not asking you Ci-- Sven, I'm talking to Bryan." Mataray na sagot ni Ma'am Ray. Nakakatakot naman siya.

"Sorry po Ma'am." Paumanhin ko sa kanya.

"I said don't call me Ma'am. I want Ray." Maowtoridad na wika niya.

"O-okay po R-ray." Kinakabahang sagot ko.

"Good. Okay go back to work. And you Bryan, everytime you'll go to my office, make sure that you'll knocked the door before you entered the room. "

"Okay po Ma'am, kakatok na po ako pasensya na po talaga kanina, nataranta po ako." Paumanhin ni Bryan.

Hindi na sumagot si Ma-- este si Ray, tumingin muna ulit siya sa akin bago umalis.

"Wooh!kinabahan ako doon ah. Pero teka lang Sven, may napapansin ako." Wika ni Bryan, parang nanunuri ang tono ng boses niya.

"May something ba sa inyo ni Ma'am Ray? Kasi iba 'yung tingin niya sa' yo e. Parang malagkit. Kung tutuusin mas gwapo naman ako sa' yo ah? Tapos ikaw lang 'yong pwedeng tumawag sa kanya na Ray. 'Yong totoo Sven, may relasyon kayo ni Ma'am?" Tanong niya na para bang interesadong-interesado.

Ngumiti naman ako at natawang bahagya.

"Wala ah. Ikaw lang nag-iisip niyan palibhasa may gusto ka kay Ma'am. Tama na nga magtrabaho na tayo baka overcook itong mga niluluto." Sagot ko sa kanya.

"Ang sungit naman kasi e! Type ko pa naman kaso mukhang ikaw ang gusto, mas gwapo naman ako sa'yo ah."
Mayabang na wika niya.

Natawa naman ako.

"Oo na mas gwapo ka na kaya magtrabaho ka na." Sabi ko habang inaayos ang mga niluluto namin.

"Maiba tayo, paano mo napagana 'yang mga stove na yan ha?" Takang tanong ni Bryan.

"May kinalikot lang ako na kung ano tapos basta bigla na lang gumana ulit."
Iyan na lang ang isinagot ko. Wala akong maisip na palusot.

"Okay." Sagot ni Bryan at nagpatuloy na sa ginagawa niya.

Buti naman at naniwala naman siya ang kulit pa naman nitong lalaki na ito.

Mabilis lumipas ang oras hanggang sa naggabi na. Uwian na namin.

"Good job guys! Galing natin kanina." Masayang wika ni Luis sabay apir sa aming lahat.

"Oo nga e. Buti na lang talaga napagana ni Sven 'yong mga stove. " masayang wika ni Reigh.

Ngumiti naman ako ng bahagya. Nakakahiya naman.

"Oo nga e hindi ko pa rin alam kung paano niya nagawa iyon pero hindi na mahalaga 'yon. Ang importante nagawa natin ng maayos ang trabaho natin hindi ba?" Saad ni Luis.

Sumang-ayon naman kaming lahat.

Nag-ayos na kami ng mga gamit namin. Sasabihin ko sanang sabay na kami umuwi ni Reigh kaso biglang nagsalita si Luis.

"Reigh tara sabay na tayo." Nakangiting wika niya kay Reigh.

Parang may naramdaman ako na kung ano. Hay ewan.

"Mmm si Sven kasi ang kasabay ko ngayon e." Nahihiyang wika ni Reigh.

Totoo naman kasi. Kami talaga ang magkasama paguwian pero lagi ko pa ring tinatanong kung sasabay ba siya.

Ngumiti naman si Luis ng bahagya.

A-ah edi sasabay na ako sa inyo. Tara Reigh. Sven." Wika ni Luis, nginitian ko naman siya.

Bakit pakiramdam ko bigla akong nag-init. Parang sinasabi ng utak ko na gusto kong paliyabin ang katawan ni Luis.

Hindi!Ano ka ba Sven! Bakit ko ba naisip iyon!

Itutuloy...

Ngayon ko lang ulit nahanap itong nawawala kong isip kaya natagalan magUD. LOL *peace*
Salamat sa mga natitiyagang magbasa! :*

Vote?Comment?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Demon's Lost Memories (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon