Chapter 7

62 7 0
                                    

Sven's POV

Napamulat na lang ako sa nakakasilaw na sikat ng araw. Tumingin ako sa paligid. Hindi ito ang kwarto ko. Oo nga pala naalala ko na naman ang mga nangyari kagabi. Nasunog ang aming bahay. Wala akong naisalba kahit isa mabuti na lang at mabait ang kapitbahay namin na sina Aling Koreen. Pinatira muna nila ako pansamantala dito sa bahay nila. Pinahiram rin muna nila ako ng mga damit at kung anu-ano pang kailangan ko.

Kahit hindi ko alam kung bakit nangyari ang mga iyon kagabi natatandaan ko lahat. Ang mga demonyo na iyon at ang mga kapangyarihan nila. Mga Eocryptians. Gusto kong maghiganti sa kanila. Ngayon lang ako nagalit ng ganito. Kahit ako sa sarili ko hindi ko alam kung bakit ako nakalaban kagabi.

Parte na ba talaga 'yon ng aking pagkatao?

Bumangon na ako sa aking higaan. Kailangan kong magtrabaho kahit ganito pa man ang kalagayan ko.

Nagpaalam na ako kina aling Koreen.
Naglakad na lang ako papunta sa trabaho.

Habang naglalakad ako naisip ko bigla ang misteryosong lalaki na laging nagpapakita sa akin. Sabi niya siya raw si Rossven, ang kanang kamay ng hari. Ano nga ulit ang pangalan ng hari na sinasabi niya? V-von... Tama! Von. Von Xavier. Tuwing naririnig ko ang pangalang 'yon nakakaramdam ako ng kakaiba. Para bang kilalang kilala ko ito. Bahagi ba siya ng pagkatao ko?

Nakapagdesisiyon na ako.
Kailangan kong mahanap ang lalaking iyon na nagngangalang Rossven. Nakakasigurado akong marami siyang maitutulong sa'kin para maliwanagan ako.

At para mabawi ang mga magulang ko.

Papalapit na sana ako sa fast food chain nang bigla kong nakita ang taong hahanapin ko pa lang. Nakatayo siya sa may poste at nakasuot na naman siya ng itim na jacket na may hood. Naliligo ba 'to? Kitang-kita ko na nakatitig siya sa'kin. Kahit nakakatakot, lalakasan ko ang loob ko na makausap siya. Para sa sarili ko at para sa magulang ko makakaya ko 'to.

Lumapit ako sa kaniya ng dahan-dahan.

" R-rossve-en." Kinakabahang sambit ko ng pangalan niya.

Bigla siya naglakad papalapit rin sa'kin bigla niya hinawakan ang balikat ko. Sobrang init ng palad niya pero ang nakakapagtaka ay hindi man lang ako nakaramdam ng paso, para bang wala lang sa akin iyon.

" Sumama ka sa akin." Biglang salita niya gamit ang nakakakilabot na tinig.

Tumango na lang ako bilang sagot. Hindi pa din niya inaalis ang kamay niya sa balikat ko.

Magsasalita sana ako nang biglang sa isang iglap ay nabago ang lugar na kinatatayuan namin. Nasaan na kami ngayon? P-paano niya nagawa iyon?

Nasa loob kami ng isang munting bahay.

"N-nasaan t-tayo?"  Nauutal na tanong ko kay Rossven.

Tumitig muna siya sa kwintas ko bago nagsalita.

" Ito ang lugar kung saan ako namamalagi ngayon." sabay tingin ulit sa aking kwintas na para bang sinusuring mabuti.

" Ah ganoon ba, pwede na ba nating pag-usapan ang mga sinasabi mo sa akin? Kailangan kong malaman lahat. May mga pumunta kagabi sa bahay at kinuha ang magulang ko." Paninimula ko.

"Mga Eocryptians." biglang salita niya.

Tumango naman ako.

"Maaari ka bang magkwento tungkol sa kanila?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin muna siya sa akin.

" Mga Eocryptians. Sila ang pangala--"
Pagputol ko sa kaniya.

" Sandali alam ko na 'yan e, ung iba--"
Pagputol naman niya sa sasabihin ko.

" Alam ko pero makinig ka pa rin at patapusin mo muna ako." Seryosong saad niya.

Napahiya ako. Nagkamot na lang ako ng ulo at nanghingi ng patawad sa kaniya.

" Gaya nga ng sinabi ko kanina, ang Eocryptians ay ang pangalawa sa pinakamakapangyarihan sa Underground World ang apoy nila ay berde. Hawak nila ang apoy ng pangatlong pangkat, dati ay asul ang kanilang apoy ngunit dahil nasa kanila ang apoy na kulay dilaw naging berde ito."

Magsasalita na sana ako para magtanong pero pinigilan niya ako.

"Makinig ka na lang huwag ka na magsalita dahil alam ko na yang itatanong mo."

O-okay.

" Ang Underground World ay ang mundo nila, natin. Lahat ng klase ng demonyo ay nandoon. May apat na pangkat ang mga demonyo doon. Ang pang-una ay Devonites, tayo iyon. Gaya nga ng mga nakikita mong kulay ng apoy, kulay pula ang atin. Ang pangkat natin ang pinakamakapangyarihan dati."

Hindi ko na napigilang magtanong.

"T-teka, ano? demonyo ako? Imposible iyan! Hindi ako masama. At anong sinabi mo, makapangyarihan...dati?"

" Demonyo ka hindi mo pwedeng itanggi iyon. Mamaya na natin pag-usapan ang tungkol sa pagkatao mo. Ikukwento ko muna sa iyo ang mga dapat mong malaman."

Tumango na lang ako.

"Tama, pinakamakapangyarihan tayo dati. May umagaw na ng titulo ng pagiging pinakamakapangyarihan natin. Sila ang mga Lucitiants. Hawak nila ang kaharian natin ngayon ngunit hindi pa ang apoy natin. Sila ang pang-apat na pangkat pero ngayon nangunguna na sila at tayo na ang pinakamahina.
Ang pangatlong pangkat naman ay ang Odecrates. Hawak ng Eocryptians ang apoy nila, kulay dilaw. Katulad natin ay mahina na din sila ngunit mas mahina tayo."

"B-bakit mo naman nasabi?"

Tumingin siya sa kwintas ko na ngayon ay umiilaw na naman.

" Dahil wala ang hari namin. Ang mahal na haring si Von Xavier."

Bigla akong nanigas sa sinabi niya. Parang may kung ano sa loob ko na gustong kumawala. Para bang nawawala ako sa sarili ko.

Sumasakit na naman ang ulo ko.

Pinilit kong labanan ang ito. Hindi. Ayoko. Ayokong malaman lahat. Akala ko handa na ako pero hindi pa pala. Hindi ko matanggap na isa ako sa kanila. Ayoko. Hindi maaari!

" Tama na! Hindi ko pa kayang tanggapin ang mga sinasabi mo. Aalis na ako. Salamat sa pagkukwento."

Tumakbo na ako papalapit sa pintuan. Bigla naman siyang nagsalita.

"Kung makakaalis ka."

Kinabahan ako sa sinabi niya pero pinihit ko pa din ang pinto at lumabas. Laking gulat ko nang makalabas ako sa bahay na iyon. Bakit puro puno? Wala akong ibang makita kung hindi nagtataasang mga puno. Napapalibutan ang kubo ng mga kung anu-ano. Nasa kagubatan ba kami?

Biglang may nagsalit sa likod ko. Si Rossven.

" Nasa gitna tayo ng kagubatan. Hindi ka makakaalis dito hangga't hindi kita inaalis. Walang ibang bahay at ibang nakatira dito kung hindi ako."

Paano na ako makakaalis dito?

"Huwag kang mag-alala ibabalik kita kung saan kita natagpuan basta mangako ka." Seryosong wika niya. Nakakatakot talaga ang mata niyang nag-aalab.

"A-ano iyon?"

" Ingatan mo iyang kwintas na yan. Huwag mong iwawala o ibibigay kahit kanino."

"Ano bang mayroon sa kwintas na ito at bakit pilit kinukuha ito nila?"

"Malalaman mo rin. Kapag nagbalik na ang alaala mo at kapag alam mo na kung sino ka ba talaga."

Lumapit siya sa akin at hinawakan muli ako sa balikat. Sa isang iglap bigla na namang nabago ang lugar na kinatatayuan ko. Nasa harap na ako ng malaking poste kung saan ko nakita si Rossven ngunit wala na siya at ako na lang mag-isa ngayon.

Sino ba talaga ako? Ako ba ang haring tinutukoy niya o iba?

Isa pa lang ang nakukumpirma ko at ayokong tanggapin ito. Kahit kailan. Ayokong tanggapin na isa akong

DEMONYO.

Itutuloy...

Hi guys! Sorry kung natagalan. :)
Thankyou sa pagbabasa.

Vote? Comment?

The Demon's Lost Memories (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon