Chapter 5

100 8 0
                                    

~ Flashback ~

Mayroong dalawang magkasintahan na magkahawak-kamay habang naglalakad sa dalampasigan.

" Ipangako mo sa akin na hindi mo ako iiwanan ha?" wika ng babae sa kaniyang kasintahan. Sumagot naman ang binata.

" Oo naman, hinding-hindi kita iiwanan kahit anong mangyari. Pangako." sagot naman ng lalaki.

"Pangako yan?" paninigurado ng dalaga.

Pangako... Ray." Sagot ng binata sa dalaga.

~ End of flashback ~

Ang sakit ng ulo ko. Para itong nabibiyak. Sino ang mga naiisip ko? At nabanggit ang Ray. Hindi ba iyon ang amo ko?

" I guess we're done here. Hindi na kita kailangang interviewin. You may now go Cife-- Mr. Vross rather. Go back to work."
Saad niya sabay ayos niya sa kaniyang sarili.

"S-sige po Ma'am, pasensiya na po kung hindi ko talaga kayo kilala. Ngayon ko l---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.

"Nevermind that. Kung ano man ung mga nasabi ko sa'yo kalimutan mo na iyon. Wala kang ibang pagsasabihan. Do you understand?" maowtoridad na wika niya.

"O-po maliwanag po Ma'am Raydhen. " kinakabahan kong sagot.

"Just call me Ray. No need to include Ma'am. Okay? "

" Pero amo ko po kayo hindi po tama kung ganoon lang ang itatawag ko sa inyo. " nag-aalinlangan kong saad. Nakakakaba talaga. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon.

" I am the boss right? So I command you to call me in that name." sabi naman niya.

"O-okay po Ma'a--este Ray. Sige po magtatrabaho na po ako Ray."
Patalikod na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

"God. I'm missed that.

Calling me by my name, Cifer. "

Mahina lang ito pero rinig ko pa rin ang pagkakasabi niya.

"Huh? " iyan na lang ang nasabi ko.

"Nevermind. You may now go. "
Kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan. Pero bakit naman kaya? Gulong-gulo na ang utak ko.

Kaya naglakad na'ko papalabas. Habang nasa may pinto na'ko muli siyan nagsalita.

"Nakalimutan mo na nga ako. "

Mahina lang ulit ang pagkakasabi niya pero narinig parin ito ng dalawang tainga ko. Hindi ko na, ito pinansin at tuluyan ng lumabas. Sumasakit lamang ang ulo ko.

***

Maggagabi na pero ang dami pa ring mga customers na kumakain kaya abalang abala kaming lahat.

Biglang lumabas si Ma'am Ray sa kaniyang office. Lumapit ito patungo sa amin.

"Where's Auntie Rissa? " tanong niya sa amin pero kay Reigh siya nakatingin.

"Kakaalis lang po Ma'am, may aayusin daw po siya." sagot naman ni Reigh.

" Okay. Sige ayusin niyo na ang ginagawa niyo. Ayoko ng mabagal kumilos ha. " sumulyap siya sandali sa akin pero inalis niya din agad.

Nakalimutan kong may dadalhin nga pala akong order doon sa isang table kaso inaayos ko pa itong order ng iba. Wala namang ginagawa ngayon si Reigh kaya siya na lang ang tatawagin ko.

"Ahmm Reigh. " medyo malakas kong wika.

"Bakit? "/ "Why? "
Sabay na wika ni Reigh at Ray.

Ay pareho nga pala ang bigkas ng pangalan nila!

"Ay sorry po, Si Reigh po ang tinutukoy ko, ipapakiusap ko lang sana itong order para dum sa table 10." sabay turo ko kay Reigh. Nakakahiya naman kay Ma'am.

" A-ah Okay. " wika ni Ma'am Ray sabay talikod pabalik sa Office niya.

***
Third Person's POV

Maya-maya natapos din ang trabaho nila Sven. Hindi na sumabay si Reigh sa kaniya dahil may pupuntahan pa raw ito kaya eto siya ngayon naglalakad pauwi mag-isa.

Habang naglalakad si Sven may biglang humatak sa may damit niya. 

"Tulong! Kuya tulong po,kinuha po ng lalaki na yun ung bag ko. Hindi po sa'kin iyon,pinahawak lang po ng mama ko. " sabay turo ng bata doon sa tumatakbong lalaki. Mangiyak-ngiyak ang batang babae. Sa tingin ng binata ay mga sampung taong gulang pa lamang ito.

Hinabol agad ni Sven lalaking tumatakbo. Hindi siya makapaniwalang ang bilis niya pala tumakbo kaya naabutan niya agad ang lalaki. Hinawakan niya ang braso nito.

"Aray! Ang init nakakapaso! Bitiwan mo ako. " wika ng snatcher ng bag.

Hindi siya pinakinggan nito, parang nag-init ang dugo ng binata sa snatcher na iyon.  Parang nawalan siya ng kontrol sa sarili. Tinitigan niya ito ng sobra.

"Wahh! Ang init. Umaapoy ang damit ko anong ginawa mo!?Demonyo ka layuan mo ako." sigaw ng lalaki.
Walang nakakapansin sa kanila dahil gabi na at nasa liblib na lugar sila.

"Papatayin kita. " wika ni Sven sa lalaki. Ang kaniyang mga mata ay naging kulay pula.

Umaapoy na ang damit ng lalaki hanggang sa umapoy na ang buong katawan niya.

"T-tulong! t-tulungan n-niyo ako! " sigaw ng lalaki.

Kinuha ni Sven ang bag ng bata. Pagkakuha niya nun ay bigla siyang bumalik sa wisyo. Nagulantang siya ng makita niya ang lalaking snatcher na ngayon ay nilalamon na ng apoy ang buong katawan. Hindi niya alam kung bakit nagkaganito ang lalaki.Wala siyang matandaan.

Dali-dali siyang pumunta sa batang babae.

Nagtaka siya sa ikinilos ng bata. Parang wala lang sa bata ang mga nangyayari. Kung kanina ay mangiyak-ngiyak ito, ngayon naman ay walang emosyon ang mukha nito.

" Bata ito na ung bag mo. N-nakita mo ba kung bakit naging ganon ung lalaki? " kinakabahang tamong niya sa bata.

Nagulat siya ng biglang tumawa ang bata. Kakaibang tawa. Nakakakilabot. Nag-aalab din ang mga mata nito.

"Ikaw. Ikaw ang may gawa niyan." wika ng bata gamit ang kakaibang boses. Parang sinapian ito ng demonyo.

"H-huh? P-pero p-ppaano? Teka nga tatawag ako ng tulong.Kawawa naman ung lalaki. " Akmang aalis na si Sven ng biglang nagsalita ang bata.

"Wag!  Nararapat lang sa kaniya yan. Tama ang ginawa mo. Bumabalik na ang iyong kapangyarihan." wika ng batang babae.

"H-hindi!  Hindi ko alam yang sinasabi mo. Hindi ako ang may gawa niyan! " sigaw nito sa bata.

"Lumabas kana Mahal na hari kailangan ka namin." wika ng bata sa kaniya. Nakatitig itong maigi sa mata niya. Para bang tagos, hanggang kaloob-looban.

"Hindi ko alam yang sinasabi mo! s-sino ka ba? " kinakabahang tanong nito.

"Ang kanang kamay ng hari. Ako si Rossvenn."

Itutuloy...

Edited version .

Nagloloko po kasi si watty ee.

The Demon's Lost Memories (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon