Zeniah's POV
Hi! Ako nga pala si Zeniah Amor Dela Fuente. Ako ay 17 na taon na at nag-aaral sa sikat na paaralang St. John College. Ako ay nasa Grade 11 na at isang scholar pero huwag niyo ipaalam sa kahit sino yun ah hahaha! Tahimik akong babae, de chos lang, napaka-ingay ko, kaya nga marami akong kaibigan eh.
"Zeniah!" Tawag sa akin ni Maam Joaquin, ang teacher namin sa Algebra.
"Yes maam?" Masigla kong tanong.
"Ano ang slope sa equation na y=3x+5?!" Tanong niya sa akin.
"The slope is 3 po maam." Nakangiti kong saad.
"Good and what is the y-intercept?!" Tanong niya ulit.
"5 maam." Tapos ay ngumiti siya sa akin at sinenyasan na pwede na akong makaupo kaya't ginawa ko iyon.
"Buti pa si Ms. Dela Fuente nagpe-pay attention hindi katulad mo Mr. Guevarra!" Ganyan talaga magsalita si maam, laging pasigaw, hayaan niyo na, kung hindi siya sumisigaw, malamang tulog nanaman mga kaibigan ko nito. Napagalitan siya kasi hindi niya masagot yung tinanong sa akin ni maam.
"Maam naman, alam mo naman alien ang utak niyan kaya ganyan siya!" Pabirong sabi ni Xavier Guevarra, maloko talaga yang lalaking yan.
"Che! Magkaibigan ba talaga kayo? Bakit hindi kayo nahahawaan ng katalinuhan niya?" Tapos ay nagturo na ulit siya. Si Xavier naman ay nakipag-usap na lang ulit sa mga katabi niya.
"Class dismiss." Sabi niya at nagtayuan na ang mga kaklase ko.
"Ang talino talaga ni Amor, pakopya assignment ah." Biro ni Xavier at inakbayan ako. Nagsimulang magsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa kilig! Hahaha! Oo! Crush ko tong tropa kong ito pero dahil ayaw kong malayo siya sa akin, ililihim ko na lamang ang aking pagtingin.
"Sira! Kaya pala ako pinupuri dahil may gusto siya at saka, huwag mo nga akong tawaging Amor!" Sabi ko tapos ay nagpunta kami kila Dandelion, Quency, Kira at Fiona.
"Narinig niyo na ba yung balita? May isa daw transferee pero scholar, yan tuloy, napagtripan." Sabi ni Quency, ang lalaking tsismoso. Yan yung dahilan kaya ayaw kong sabihin sa kahit sino na scholar ako, mabubully ako at mawawalan ng kaibigan at ayaw ko nun! At hindi ko kaya.
"Kasi bakit pa pinagpipilitan pa niya yung sarili niya dito." Sabi naman ni Xavier na nakaakbay pa rin sa akin.
"Grabe naman, hindi naman, siguro gusto niya lang na maganda yung pag-graduatan niya para makahanap ng magandang trabaho." Sabi ni Dandelion, ang pinaka tahimik pero mabait sa amin. Siguro kong ako yung scholar na pinag-uusapan nila, pasasalamatan ko si Dandelion.
"Oo nga." Mahina kong pagsa-sang-ayon.
"Tss, yan nanaman kayo sa pagtatanggol tanggol niyo eh." Bulong ni Xavier na rinig naman naming lahat. Kaya ayaw ko rin sabihin sa kaniya na scholar ako ay dahil isa siya sa mga bully sa mga scholar eh, ewan ko ba kung ano ang problema niya sa amin.
"Ano ba yan Quency, magkakagulo nanaman eh, change topic, alam niyo ba yung restaurant na bagong bukas? Doon na lang tayo mag-snacks." Sabi naman ni Kira.
"Oo nga, alam niyo ba yung cakes daw nila dun, kahit kakabukas pa lang nila, nagtop na sa pinaka masasarap." Pagsasang-ayon ni Fiona.
"Pass ako guys, may gagawin ako eh." Sabi ko kahit wala naman, ayoko kasi mahal panigurado pagkain dun, pang-isang buwang baon ko na.
"Tss, lagi na lang, libre kita, sige na, sige na..." Tapos ay nilalapit niya sa akin ang mukha niya dahilan para yung mga dugo ko ay mapunta sa mukha.
"I-Importante k-kasi eh..." Pag-iiwas ko ng tingin.
"Tulungan ka na lang namin mamaya, please sumama ka na, lagi ka na lang wala eh." Sabi ni Kira.
"S-Sige." Tapos ay yumuko ako, haaayyy.
"Ayieeeeee." Sabi ni Quency at nakatingin sa braso ni Xavier na naka-akbay pa rin sa akin namula ako doon kaya medyo lumayo ako kay Xavier.
"S-Sorry, hindi ko napansin." Paghingi ng tawad ni Xavier.
Isang pakiramdam na hindi ko hindi mapakiramdaman, may nakatitig nanaman sa akin katulad ng lagi kong napapakiramdaman sa araw-araw at lagi ko rin ng hinahanap kung sino yun. Lumingon ako at tumingin ako sa mga kaklase ko at nakita ko naman na naktingin si Christian na nakatingin sa akin o feeling ko lang yun? Lumingon ako at tiningnan kung may tao sa likod ko at nakita kong si Fiona yun, siguro doon siya nakatitig kaya binalewala ko na lang yun.
"Halika na." At umalis na kami ng room.
Pumunta kami sa isang restaurant na malapit lang sa school at nakita ko ang mga mamahaling mga paintings, upuan at la mesa dito, halatang mahal dito dahil parang nasa isang museum ka dahil sa dami ng mga paintings at mga upuan dito na pwede nang sofa ng mayayaman sa isang bahay.
"Good afternoong maam, for how many person?" Tanong ni ate, wait hindi ate, mukha siyang madam.
"For 6." Sagot ni Kira na nasa harap namin. Siya yung pinaka parang fashionista sa aming barkada at medyo mataray.
"Sure maam, please wait a sec." Sabi ni madam at umalis pero bumalik din agad.
"This way please." At sinamahan niya kami hanggang sa isang la mesa na may pang-anim na tao.
Kumuha na sila ng order at oo nga't nilibre ako ni Xavier kaya ang lola mo kinilig haha! Karamihan sa mga nandito ay kaparehas lang din namin ng school, mayayaman nga kasi sila kaya kahit meryenda ay kaya nila dito. Noong sinerve na sa amin ang inorder namin ay halos maglaway na ako dahil sa amoy pa lang, ulam na. Ang inorder sa akin ni Xavier ay tiramisu na parehas din kami.
After 30 minutes ay natapos na ang lahat kumain kaya nagbayad na ng bill at napanganga ako dahil sa bill nila. ₱1, 235! Grabe eh tig-iisang slice lang kami! Meron ngang ₱50 na cake eh! Pagtingin ko sa mga reaksyon nila ay parang nagulat din! Ang mahal kaya niyan!
"Sure kayo yan lang ang bayad? Ang mura." Tapos ay nagbayad na ang lahat. Lang?! Sasapakin ko tong Fiona na ito eh!
"Oo nga eh, akala ko ₱780.00 ang isang slice dahil sa sobrang sarap." Bulong ni Quency.
BINABASA MO ANG
Total Opposites (On-hold)
Teen FictionAng isang babaeng nangangalang Zeniah ay isang scholar sa isang kilalang eskwelahan ngunit ayaw niya ipaalam ito sa lahat kasi mao-OP siya dahil nga mayayamam ito ngunit dahil sa isang insidente, nalaman ito ng lahat. May magtatanggol ba sa kaniya o...