Chapter 2

11 1 0
                                    

Zeniah's POV

Pagkatapos naming magmeryenda ay bumalik na kami ng school dahil hindi pa tapos ang mga klase namin. Sila Dandelion ay hanggang 5 pm ang klase habang ako ay hanggang 6.

"Ms. Dela Fuente, You have a failed test. Kapag hindi mo pinagbutihan pa ang mga susunod mong test ay pwedeng mawala ang scholarship mo." Huhuhu, ang hina ko kasi sa music eh, pwedeng iretake ko na lang? Sasabihin ko na sana ito nang napansin kong nasa isang klase pala ako...

"So scholar pala siya." Sabi ni Valerie, a bitch. Kaya ayaw kong ipaalam eh, mabubully ako! Unti unti ko nang napapakiramdaman ang paggunaw ng mundo ko dahil alam na nila! Wala na! End of the world! Nagsimula nang magbulong-bulungan ang mga kaklase ko dahilan para mahiya ako at mapayujo na lamang.

"S-Sorry Zeniah, nakalimutan ko." Medyo nauutal na sabi ni maam, ano nang magagawa? Wala na, alam na ng lahat. Nagsimula nang manginig ang mga labi kong pilit na nakangiti dahil kung hindi ay aagos ang mga luha sa kadahilanang takot at pagsusumamo. Hindi ko na kaya, unti unti na akong tumayo ngunit nakayuko pa rin, hindi ko kayang makita nila akong maiiyak kaya't bago pa bumagsak ang mga pesteng luhang ito ay lumabas na ako ng klase ko ngunit imbis na tuluyan na akong makalabas ay may nakasalubong ako sa pinto.

"Z-Zeniah?" Tanong ng isang malalim na boses at nakita kong si Christian ito, oo nga pala, hindi niya pa alam pero malalaman niya rin ito. Wala akong pakialam kung mabangga ko siya, lumabas na ako ng tuluyan at dumiretso sa isang cubicle ng CR at doon inilabas ang mga hinanakit ko.

"God, do you know Zeniah?" Sabi ng isang babae mula sa labas ng cubicle.

"Yes, yung ka-love team ni Xavier?" Ngingiti na sana ako ngunit hindi ko kaya dahil sa luha kong tumutulo pa rin.

"Yuck! Don't ever say that! She's a scholar pala." Sabi ulit ng isang babae na sigurado ay yung nagtanong sa isa. Sabi na eh, kahit hindi pa tapos ang klase sa subject kong iyon ay kakalat agad ang balita, what are smartphones for?

"What?! That's impossible, close sila ni Xavier and we all know that Xavier is a bully of scholars." Sabi nung isa.

"Maybe she hid it from him." Sabi nung babae ulit.

"Grr, so malandi, siguro dahil gwapo si Xavi-baby ko at mayaman ay nilandi niya. Poorita pala." Pagkatapos ng usapan nila ay may narinig akong pagbukas at sara ng pinto na ibig sabihin ay lumabas na sila. Paano ako lalabas nito? Nakakahiya, alam na nilang lahat sigurado ako, sa dami ba naman ng tsismosa.

Aish! Yung bag ko! Naiwan ko pa sa room! May klase pa pala ako, nakakainis! Kasalanan mo yan eh! Kung hindi ka bumagsak sa isang test, walang masasabi si maam. Kung hindi ako lalabas, baka maka-cut ako ng isang klase pero wala naman manghuhusga pero pag oo, makikita ako ng lahat! Mapapahiya ako! Baka makasalubong ko pa sila Dandelion, sana naman hindi nila nalaman yun at hindi sila magalit o ibully ako.

Pagkatapos ng ilang minuto, napagdesisyunan kong lumabas, scholar ako, pwedeng mawala yun kapag may nabagsak akong subject, scholarship na lang ang pag-asa ko.

Chineck ko muna kung may tao sa CR at noong nasigurado ko nang wala, lumabas ako agad.

"Ouch!" Sigaw ng isang babae dahil nabangga ko siya.

"Sorry!" Inangat ko ang ulo kong kanina pa nakayuko ngunit pinagsisihan ko yun.

"*Pak* How dare you face us! Ginamit mo lang pala kami dahil mayaman kami!" Sigaw ni Fiona sa akin, lumabas nanaman ang mga luha ko, hindi ko na kaya, lalo nang sila ang nagsasabi nito sa akin.

"Believe me! I didn't! Ayaw ko lang na--"

*Pak* Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil bigla akong sinampal sa kabilang pisngi ni Kira.

"Eew, may lakas ka pa talagang sumagot." Mukhang nandidiring sagot sa akin ni Kira. Hindi naman talaga eh! Gusto gusto ko silang sampalin pabalik dahil kilala nila ako! Paano nila ako nahuhusgahan ng ganito?! Ngunit hindi eh, no use, sa tingin ko ako lang nagturing na magkakaibigan kami.

Bigla naman akong napatingin sa taong nasa likod niya, si Xavier, mukhang galit na galit siya, para siyang bulkan na anumang oras ay pwedeng sumabog.

"Xavier! Believe me! Hindi ko kayo ginamit! You know me! Hindi ko kayang gawin yun." Kinuyom niya ang mga panga't kamao niya. Don't believe me hindi rin siya naniniwala sa akin?!

"Umalis ka na lang sa harapan namin." Sa mga titig niya, parang gusto niya na lang akong matunaw at mabura sa paningin niya.

"Pero--"

"SABI KO ALIS!" Tapos ay tinulak niya ako, hindi ko na kaya, wala na akong pakialam, kahit sino pa ang maghusga sa akin huwag lang ang mga kaibigan ko pero wala eh, sirang sira na ako sa sikretong tinago ko sa kanila. Hindi pa rin ako umaalis, magunaw man ang mundo hindi ako aalis hangga't hindi nila ako napapatawad.

"Zen, umalis ka muna para sa ikabubuti mo." Sabi ni Dandelion at noong tiningnan ko siya ay hindi siya makatingin sa akin dahilan para maging parang ilog ang pagdaloy ng luha ko, kahit hindi siya ang pinaka close ko, sobra sobra pa rin akong nasaktan. Hindi! Hindi ako aalis hangga't--

Bigla na lang akong hinila ng isang malamig na kamay na hindi ko apam kung sino, baka zombie to! Ang lamig talag ng kamay niya!

"Sino ka?!" Dinala niya ako sa isang kwarto, yung kwarto na pinuntahan ko para sa last subject na naging isang hell dahil dito rin nabunyag ang tinatago kong hindi naman dapat ikagalit kung kaibigan ako.

Bigla na lamang akong niyakap ng taong ito, sino ka ba?! Medyo madilim dito dahil nakasara na ang ilaw at palubog na ang araw dahil pagabi na kaya hindi makita kung sino siya, isa lang ang nakita ko, ang kaniyang malalalim na kulay tsokolateng mga mata.

Total Opposites (On-hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon