Chapter 4

10 1 0
                                    

Zeniah's POV

Kinabukasan ay kita ko sa mga mata ng tao ang pandidiri tila may sakita akong nakakahawa. Yumuko ako dahil sa hiya, kung matagal mo nang sinabi yung tungkol sayo Zeniah, sanay ka na ngayon.

Pagdating ko sa room ay karamihan sa mga kaklase ko ay yung nakakita sa akin nung sinampal ako ng mga kaibiga-- dating kaibigan ko. Didiretso na sana ako sa upuan ko pero may naglagay ng bag doon.

"Oops, sorry, taken na yung sit." Hindi ko na lang pinansin si Van, isang basketball player, at dumiretso sa isang sit kung saan bakante pero natigilan ulit ako nang may maglagay ng bag sa upuang yun ulit.

Napatingin ako sa taong naglagay ng bag at nagbadya nanaman ang mga luha sa mata ko nang malaman kung sino to, si Xavier.

Pinigilan ko ang luhang iyon at dumiretso sa pinaka sulok at dulong upuan. Hindi, hindi nila ako pwedeng makitang umiyak at mahina, pride na lang ang natitira sa akin kaya hindi pwedeng pati yun ay mawala ko. Huminga ako ng malalim at nung nag-exhale ay nilabas ko lahat ng negative vibes at ngumiti. I can do this.

Sakto naman na dumating si maam Jungco at nagturo. I tried my best para maintindihan ang lesson at buti na lang ay nagawa ko kaya nakapag-recite ako.

Lumabas ako ng classroom nang nakangiti.

Nung recess time ay wala nang bakanteng la mesa, hindi naman ako pwedeng umupo sa upuan ng dati kong mga kaibigan kasi hate hate kami ngayon kaya naghanap ako ng kapwa ko scholar.

"Hello!" Bati ko sa isang babae na naka-nerdy glasses.

"H-Hi." Bati niya at tila naninibago dahil may pumansin sa kaniya.

"Ako nga pala si Zeniah Amor dela Fuente. Pwede bang maki-share ng table?"

"S-Sige." Tipid niyang pag-sang ayon.

Umupo ako sa upuang nasa tapat niya at nilabas ang sandwich ko. Napansin ko naman na parang nahihiya at naiilang siya sa akin.

"Don't worry, scholar din ako hindi kita ibu-bully." Sabi ko sabay kagat sa sandwich ko.

Hindi pa rin nawala ang hiya niya kaya kumaway ako sa direksyon kung saan siya nakatingin kundi sa baba at napatingin naman siya sa akin.

"Hmm, pansin ko lang, wala kang kaibigan, kaya ako ang magiging kaibigan mo."  Sabi ko sabay ngiti ng malaki.

"B-Bakit nakakangiti ka k-kahit scholar ka?" Mahina niyang tanong.

"Kasi yun na lang ang tanging magagawa ko, kapag kasi sumimangot ako, mas lalo lang akong ibu-bully." Tuloy-tuloy kong sabi.

"T-Talaga?" Tumango naman ako dahil hindi ako makasalita dahil may sandwich ako sa bibig.

"A-Ako si Lindsey." Sabi niya habang nakayuko at nahihiya pa rin.

"Huwag ka nang mahiya sa akin, kaibigan na kita diba?" Tumango naman siya habang nahihiya pa rin pero medyo namumula siya.

Total Opposites (On-hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon