Chapter 3

10 1 0
                                        

Zeniah's POV

Bigla na lang umalis ang lalaking humila sa akin. Sino kaya yun? Binuksan ko ang ilaw ng kwarto at pinuntahan ang upuang inupuan ko kanina. Ngayon ko lang narealize na dapat akong magpasalamat sa taong yun dahil kung hindi niya ako hinila ay baka binato na ako doon ng pambubully at hindi agad ako nakadiretso dito para kunin yung bag ko. Oh right... yun nga pala. Ngayon ko lang din narealize na kasalanan ko, kaibigan ko sila at dapat na pagsabihan ko sila ng mga sikreto lalo na si Xavier pero paano yun? Kung hindi ako nagtago sa kanila, hindi ko sila magiging kaibigan kaso mali pa rin eh, parang nagsinungaling na rin ako ng pagkatao ko nun.

Pagkakuha ko ng bag ko ay chineck ko ang relo ko. Ewan ko ba kung sasaya ako dahil may oras pa para sa next subject ko o malulungkot dahil may makakasalubong ako. Nagdadalawang isip nanamam ako, pupunta ba ako o hindi?

"Excuse me miss, pwede bang magamit ang room niyo? May meeting kasi ang basketball team eh at napagdesisyunan namin dito dahil sabi walang tao." Sabi ng isang lalaki kasama ang dalawang lalaki.

Hindi nila ako kilala? Phew!

"Ah napadaan lang ako, sige." Tapos ay dire-diretso na akong lumabas bago pa nila ako makilala.

Paglabas ng room ay wala na akong masyadong nakasalubong siguro ay pumasok na sa klase nila o umuwi kaya maginhawa akong nakarating sa klase.

Pagkadating ko ay tahimik dahil mga scholar na tulad ko lang ang tumatanggap sa subject na ito kaya konti lang kami siguro mga sampu?

Nagsimula ang klase noong pagdating ng teacher namin na si Maam Alonzo.

After one hour ay nagdismiss na pero hindi ako umuwi sa apartment ko dahil may part time job ako, isa akong waitress sa isang entertainment bar. Wala kasi akong magulang, ulila sa ina at tatay, iniwan nila ako sa isang pamilya pero dahil nag-migrate sila sa ibang bansa at pinamana nila sa akin ang bahay na ngayon ay akin na. Simula noong umalis ang mga nag alaga sa akin ay wala na kaming komunikasyon kaya wala na ring nagpo-provide ng pangangailangan ko, ako na lang talaga.

Pagdating ko ng bar ay nakita ko ang isang poster na may nakalagay na naghahanap ng vocalist ang banda namin.

"O Zen, nandyan ka na pala. Nakita mo ba yung poster?" Tanong sa akin ni Jenny, katrabaho at kaibigan ko sa bar.

"Oo, anong nangyari kay Haidee?" Si Haidee ay yung dating vocalist namin.
"Sa sobrang kaartehan, natanggal ni boss." Winarn ko na siya tungkol doon eh, ayaw makinig yan tuloy.

"Kung pinagpala ako katulad ng boses mo, sasali ako kaso hindi eh kaya ikaw na lang sinign up ko."

"A-Anong pinagpala? Adik parang palaka ng a boses ko at bakit mo ako sinign up?" Tapos ay hinampas ko nang konti ang braso niya.

"Ooooyyy, denial siya, narinig kita sa CR, ang galing mo."Hindi naman eh. Pang CR lang boses ko eh.

Total Opposites (On-hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon