CAMILLE'S POV
Tshh. Klase na naman. Ang boring boring. Lalo na masungit pa tong prof ko. Urrrrrrrgh! 2 hours pa naman tong klase ko. Eh 30 minutes palang ang nakakaraan eh gustong gusto ko nang matulog. Haaaaaay. Tapos isa pa tong utak ko. Wala nang ibang inisip kundi si Carol. Ahhhhhhh!
Anon: *toktok* Ahhm. Sir, pinapaexcuse po lahat ng members ng WVT.
Prof: Uhmm for what?
Anon: Biglaan po kasi yung meeting eh.
Prof: Ahh okay. Sure.
Arrrgh! Tignan mo to. Pati yung nagtatawag na may meeting daw kami, akala ko si Carol na din. Nakakainis talaga. whyyyyy.
Anon: Tara Camilmil.
Cams:.....
Anon: HOOOOOOy!
Cams: ......
Anon: Camille Cruz ano baaaaaa!
Cams: Ay Carol!!! *Sht. Nasabi ko ba yun?*
Anon: Anong Carol ka jan? Ayiiiiiiiie. Iniisip mo ko no? Kaya ka tulala.
Ngayon ko lang napansin na si Carol pala talaga tong tumawag samin nina kambal at Yeye. Sht. Narinig kaya yun nina Cienne?
Cienne: Oh? Ano bang napaka urgent at inexcuse pa kami?
Carol: Hindi ko din alam eh. Napagutusan lang ako. Si coach lang yata may alam. Pati yung staff.
Mika: Haaaaay. Okay na din yun. Antok na antok na ko kanina pa eh.Itong si Camille naman halatang malalim ang iniisip. Sino ba iniisip mo. Ha Cams?
Cams: Ha? Wala no...
Cienne:O eh baka naman yung crush mo kambal. ;)))))
Cams: Shut up kambal!