Prologue
ANONYMOUS 1'S POV
Hanggang kelan ako kakapit? Hanggang kelan ako maghihintay? Ewan ko ba. Kung bakit mahal na mahal ko siya. Kahit anong gawin kong paglimot, pilit pa rin na bumabalik ang pagmamahal ko sa kanya.
OOO. Alam ko na nanjan si _____________ palagi para sakin. At alam ko ding mahal niya ako. Pero... Meron pa ring bagay na pilit na nagbabalik sa mga alaalang magkasama kami ng past ko.
Hindi kasi yata uso ang pag move on sakin.
Nasasaktan ko na si ____________ pero, ayan pa din siya. Hinding hindi ako iniiwan. Ang sama ko ba? Nasasaktan ko yung taong walang ginawa kundi ang pasayahin, pangitiin at pilit na ipinapakalimot sakin ang nakaraan. Ang sama sama kong tao.
ANONYMOUS 2'S POV
Manhid, Tanga, Bulag bulagan, Bingi bingihan at higit sa lahat, MARTYR. Yan ang karaniwang tawag sakin ng mga kaibigan ko. Mahal na mahal ko si __________________ simula palang kasi noong bata pa kami, ay gustong gusto ko na siya.
Pero... Wala na yatang pag asang mamahalin pa niya ako eh.
OO. Ako yung laging kasama niya. Ako yung kinakausap niya. PERO. Never naging ako ang nasa puso't isip niya. Alam ko. Dahil nakikita ko sa malulungkot niyang mata. Marahil ay iniisip mong napakatanga ko naman. Pero para sakin, hindi ako nagpapakatanga. Nagmamahal lang ako. At ang alam ko, sa pagmamahal, walang pinipili yan. At higit sa lahat, WALANG MALI DITO. Kahit marami pang humuhusga dito.
Sabi ko nga sa kanya, nung minsang nagkausap kami, "Letting go of you was never an option. Simply because ILOVEYOU. Marahil martyr nga ako, pero kung para sa kanyan naman aya ayos na din.
AN: Hi there guys! Hahaha. Please do support this fanfic. I would really appreciate it. At para sa mga taong binabasa yung isa ko pang story, yung Before I Let You Go, maraming maraming salamat po! I never thought na aabot yun ng 10k+ reads! Hahaha. Ayuuun. So sana, support niyo din po itong isa kong story. :)))) Please do vote and comment. Masarap po kasi sa feeling yung alam mong maraming naghihintay para sa UD mo. :))) Salamat. God Bless.