Chapter 1: Apir!
-Flashback-
"Hay. Ang bilis naman ng panahon. Akalain mo yun, fourth year na tayo." sabi ni Demi sa akin habang papunta kami nun sa aming classroom.
"Oo nga e. Tara na nga. Wait lang---" sabi ko nun sabay hinto sa tapat ng pintuan ng classroom namin. "Uy Demi! Bakit nandito yung lalaking yun?" sabay turo doon sa lalaking dream classmate ko
"Hala. Oo nga noh!" pagtataka rin ni Demi
"Demi, Ynna! Halikayo!" sabi ni Ma'am Fretzie samin
"DEMIIIIII! Si Ma'am Fretzie ang adviser natin!" Tuwang-tuwa kong sinabi yun kay Demi
"Oo nga Ynna. Bakit po Ma'am?" tanong ni Demi kay Ma'am
"Ilagay niyo ito sa may harap ng pintuan, itape niyo yan ha. Bantayan niyo muna yung mga kaklase niyo at magcCR lang ako." sabi ni Ma'am
"Sige po Ma'am" sabi namin kay Ma'am
"Eto pala yung class list e. Sino kayang mga kaklase natin?" tanong ko kay Demi
"Akin na nga! Basahin mo kaya oh!" sabi ni Demi sakin
"Oh my gee! Waaaaa!" sigaw namin ni Demi
Ako: "Wag kang maingay! Baka mahalata tayo!"
Demi:"Kaya pala nandito yang lalaking yan!"
Ako:"Waaa! Natupad din ang pangarap kong maging kaklase siya. Dream come true! Haay."
Demi: "Wait lang, wag ka muna magsaya. Basahin mo yung mga kaklase nating girls."
Ako: "Annika, Sam, Fiona, teka nga. Bakit parang puro magkakabarkada sila?"
Demi:"Watch out!"
Ma'am Fretzie:" So, tara na sa loob? Salamat sa inyo." :)
Kami: "Welcome po. Tara na po." ^____^
Ako nga pala si Ynna Montez. Senior. Ang ganda ng pangalan ko noh? Pangalan lang yan. Pero pag nakita niyo ko sa personal, :3. Haha. Hindi ako kagandahan tulad ng inaasahan niyo. But, friendly, joyful at matalino naman ako. Hahaha. Bumawi. :D
Demi: "Ynna! Huy!"
Siya si Demi. Ang aking minamahal na bestfriend. Lagi siyang nandiyan para sakin. Unlike me, maganda siya. Matalino siya at napakagaling niyan lalo na sa kantahan. Mana ako diyan e. Haha. Di siya malabong magustuhan ng mga lalaki...lalo na si Paul.
Demi: "HOY YNNA! Kanina pa akong tawag ng tawag sayo! Ano ba yang iniisip mo at napakalalim naman masyado?"
Ako: "Naalala ko lang kasi yung first day ng buhay fourth year natin e. Ambilis talaga ng panahon, tulad nga ng sabi nila "Time flies so fast when you're happy." Btw, ano nga pa lang balak nating gawin sa Farewell Party?"
Demi:"Suskopo, ang tagal na nun e. February na ngayon! Di ko pa alam, try kong mag-isip ng mga ideas."
Ako:"Sige."
Demi:"Hayan na siya."
Ako: -_______-
Paul:"Ynnaaaa!" nakikipag-apir siya sakin habang naglalakad
Ako: *Apir!* -_____-
Demi:" Hoy! Kinilig ka no? Yieee! Magtigil ka na! "
Siya si Paul Montaverde. May itsura (alangan, tao e. XD). Matalino. Babaero. At crush ko. Simula first year pa yun at hanggang ngayon umaasa pa din ako kahit alam kong wala na kong pag-asa. Dahil sa kanya, nag-iba ang mundo ko ngayon. Simula ng maging kaklase ko siya, nagbago na ang lahat.
Demi: "For the nth time, nakatulala ka na naman jan. Mahal mo pa ba siya?"
Ako:"Crush lang. Hanggang dun na lang. Ayokong lumala pa, kita mo naman ang naging epekto ng love sa studies ko e." =(
Demi:" Sabi, kapag nagexceed na daw ng 4 na buwan yan, love na ang tawag. E di ibig sabihin inlove ka na sa kanya! Di lang 4 months no! 4 years pa!"
Ako:"Ang ingay mo Demi, makinig ka nila Sam diyan e. Alam mo na. Baka ganutan pa ko ng mga yun."
BINABASA MO ANG
Siguro
RomanceAnong gagawin mo kung ang crush mo for four years na matagal mo ng pinapangarap maging kaklase ay naging kaklase mo na ngayon? Tapos ay nainlove siya sa bestfriend mo? Ipaglalaban mo pa ba ang nararamdaman mo? O tuluyan mo ng igigive-up ang feelings...