Chapter 3: Traitor

53 2 0
                                    

Chapter 3: Traitor

[Demi's POV]

Hay. Ang best friend ko, natamaan na talaga kay Paul. Kaso nga lang, natatakot ako. Paano ko sasabihin sa kanya na nililigawan ako ni Paul? Alam kong magagalit yun. Crush ko din naman si Paul e kaso alam kong hanggang dun na lang yun saka may mas nagugustuhan ako e, ano na lang iisipin sakin ni Ynna, nakakahiya naman. Kung anu-ano pa namang sinasabi ko sa kanya. Hay, nakakahiya.

Paul:"Demi!"

Ako:"Ay kabayong nahulog, ay ikaw pala Paul!"

Paul:"Hahahahahaha. Nagulat ba kita?" XD

Ako:"Haha. Hindi naman."

Paul:"Hatid na kita?"

Ako:"Ay wag na kaya ko namang umuwi mag-isa e."

Paul:"Sige na please?"

[Ynna's POV]

Naglalakad ako sa corridor ng makita ko bigla si Demi, kausap niya si Paul. Parang ang saya-saya nilang dalawa. Buti pa si Demi. Teka, ano itong nakikita ko? Bakit dala-dala ni Paul ang gamit ni Demi? Nagtago ako sa likod ng mga locker. Ang saya-saya nila. Ano kayang meron? May namamagitan ba sa kanila? Hindi kaya...

MAY GUSTO SI PAUL KAY DEMI?

Hindi. Hindi. Alam ko namang hindi papatol dun si Demi kasi nga binabalaan pa niya ako na huwag pumatol sa kanya, pero bakit ganun?

Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko, siguro nga nasaktan ako sa mga nasaksihan ko. Di ko lang matanggap na magagawa sakin to ni Demi. Teka, baka naman panaginip lang 'to? Sinampal ko ang sarili ko. Hindi e.

Hay. Wag nga muna ako basta-basta magjudge, malay niyo naman nabibigatan lang si Demi sa mga dala niya tapos nakita siya ni Paul kaya tinulungan siya. Haynako Ynna, kung gusto mo para hindi mabagabag ang sarili mo itanong mo na lang kay Demi bukas! Tama! Itatanong ko sa kanya ito.

Kinabukasan..

Ako: "Demi! May itatanong ako sayo."

Demi:"Uy Ynna! Ano yun?"

Ako: "Ah eh ih..."

Demi:" Hayan na si Ma'am!"

Sabay-sabay kaming umupo lahat at hindi ko na natanong si Demi. Wrong timing e, dumating na si Ma'am. Sayang yung chance. Maya-maya na lang pag recess na.

Recess...

Ako:"Ah Demi, yung itatanong ko tungkol pala sa inyo ni ---"

Demi:"Ynna. Hindi ko sinasadya, sorry, please forgive me!"

Ako:"Teka, ano bang sinasabi mo?"

Demi:" Hindi ko sinasadyang mafall din kay Paul. I'm sorry."

Ako:"Ha? Tama ba ang narinig ko?"

Demi:"Oo Ynna, patawarin mo ako. Naging crush ko siya pero hanggang dun na lang yun kahit alam kong nililigawan niya ako."

Ako:"Ano? Nililigawan ka niya?" Hindi ko alam kung tama ba ang naririnig ko. Pakisampal niyo nga ako. Bakit niya nagawang maglihim sakin? Andaya niya. Sabi namin be open lang lagi tapos siya naman pala itong naglilihim.

Umalis muna ako at nagpunta sa CR. May nakikinig akong usapan ng mga babae.

Annika:"Ano ba yan, nakakahiya naman, akalain niyo yun! Nagkabukingan yung magbestfriends! May gusto pala pareho kay Paul!"

Sam:"Oo nga e. Yung akala mong dimakabasag pinggan tapos yun naman pala bibigay din. Mga nasa loob ang kulo."

Fiona:"Kakahiya talaga. Iisang lalaki lang ang pinag-aagawan nila."

Hindi ko na napigil ang galit ko at sumabog na ito.

Ako:"Hoy, anong mga pinagsasabi niyo diyan ha?"

Sam:"OMG. Andito ka pala Ynna. Bakit ngayon ka lang nagpakita?"

Ako:"It's none of your business kung ngayon lang ako sumulpot. Ano bang pakelam niyo ha?!"

Fiona:"Tara na mga friends."

Tuluyan na silang umalis. Hay. Ikakalat nila to sa mga kaklase namin pati na rin sa buong batch. Nakakahiya kami nito. >.<

SiguroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon