Chapter 2: Konting kembot na lang, aamin na ko sa kanya.

76 1 0
                                    

Chapter 2: Konting kembot na lang, aamin na ko sa kanya

[Paul's POV]

Hay. Ano ba yan, Pebrero na agad. Hanggang ngayon hindi ko pa nasasabi sa babaeng mahal ko na gusto ko siya. Konting kembot na lang, aamin na ko sa kanya. First year pa lang kami, nakita ko na ang kakaibang side niya that's why I like her. Not like the other girls here na parang mga linta! Pero siyempre, matatanggihan pa ba nila ang hotness kong ito. I understand them.

"PAUL!" may sumigaw na babae

"Huh?"

"Oy Paul! Sabay tayo lagi pag nag-uwian ha starting tomorrow" sabi ni Annika sakin

"Siyempre ikaw pa! Sa lakas mo sakin e!" sabi ko sa kanya with matching kindat pa. Hay. Makakatanggi pa ba ako sa isang ito.

Annika: "Oh and one more thing! Ako nga pala ang kakanta sa Farewell Party."

Ako:"Ha? Di ba si Ynna yun at si Demi?"

Annika:"Duh! Sa hiyain ng mga yun noh! Ubod ng hinhin! Tingin mo ba makakapagperform sila dun?"

Ako:"E malay mo naman. Sabagay. Sige, una na ko."

Annika:"Bye!"

[Ynna's POV]

Hay. Sa tuwing maalala ko lang yung mga bagay na ginawa ko sa kanya naasura ako sa sarili ko. Feeling ko ang kerengkeng ko.

-Flashback-

Nagkatextmates kami isang araw. Halos sumabog na ko sa kakiligan ko nun. Muntik na ko magconfess sa kanya ng nararamdaman ko e kaso hindi pwede. Alam ko namang malalagay sa alanganin ang buhay ko nun dahil kila Annika. Sila kasi yung tipo ng babae na kapag naging crush mo yung crush nila, malalagot ka. Kawawa ka sa barkadahan nila. Parang sorority lang noh?

Naalala ko yung mga times na sinabihan niya ako ng ganito ganyan. Magaling daw ako, dabest at kung anu-ano pa. Alam ko namang binobola lang ako niyan kasi nga babaero. Hmp. Pero ako naman tuwang-tuwa ako nun that time. Parang di mababayaran ang kaligayahan na nararamdaman ko nun. Ewan ko ba kung bakit ganito yung feeling, ganito pala yung feeling ng inlove. Inlove na nga ba ako? Sa tuwing kakausapin ko siya, nahihiya ako, hindi ako makatitig ng diretso sa kanya. Feeling ko matutunaw ako sa mga titig niya. Tuwing magkapartner kami or magkagroup alam mo yung feeling na nakakahiya, ah basta! That awkward feeling. Tsh. >.<

Isa pa sa mga hindi ko malilimutan ay yung nagkaroon ng Sports Festival samin at nanonood ako ng mga laban niya nun, sa tuwing makakashoot or makakagoal o kung anu man yun, lagi siyang natingin sakin. Haynako Ynna, ASSUMERA ka. Haha. Siguro feeling ko lang yun kahit alam kong nasa likod ko nun sila Sam. Sila yung tinitingnan nun Ynna hindi ikaw! Assumerang froglet. Hmp.

Demi:"Hay nako Ynna, magtigil ka na nga ng kadadaydream mo diyan. Alam mo namang babaero yan e, tingnan mo nga, pag nakipagbreak sa gf niya maya-maya may bago na namang nililigawan!"

Ako:"Alam ko naman yun Demi. At saka malabong pumatol yan sakin no, sa panget kong ito. E ang hihilig pa niyan sa magaganda."

Demi:"Kaya nga mag-ingat ka diyan. Masyadong makamandag yan."

Ako:"Kaso Demi, sa tuwing maalala ko yung sinabi niya sakin na crush niya ako, geeez, sasabog nako sa kilig nun!"

Oo nga pala. Di ko pa nasasabi sa inyo kasama nga pala sa pangbobola niya sakin na sinabihan ako ng crush niya daw ako. Correction, yung mga kabarkada niya lang pala ang nagsabi sakin hindi siya. Ewan ko ba kung totoo o niloloko lang ako ng kumag na yan.

Demi:"Know your limitations Ynna. Baka maya-maya kung ano pa ang magawa niyan sayo."

Ako:"Salamat Demi. At saka nga pala, kung pansin mong parang sumosobra na ko wag ka lang mahihiya saking mag-open ha? Prangkahin mo lang ako. "

Demi:"Oh sure. That's what friends are for." ;)

SiguroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon