Chapter 5: Face the reality

45 1 0
                                    

Chapter 5: Face the reality

[Paul's POV] 

Dito ako pumwesto sa likod para di niya ako makita. Maya-maya tamaan pa yan ng pashy-effect niya gawa ko. Maya-maya tapos na pala yung kanta. Laglag panga pa rin ako hanggang ngayon. May boses naman pala itong babaeng ito e! Kainaman, ngayon laang nilabas ang talent. Haay. Ano ba Ynna, lalo na akong nainlab sayo niyan. ♥____♥

Wew. Makapagpahangin nga muna sa field.

[Ynna's POV] 

Buo na ang loob ko. Sasabihin ko na sa kanya, hinahanap ko na siya ng bigla kong makita si Dylan papalapit sakin at may hawak na isang bouquet ng roses.

Umamin siya sa akin. Tinanong niya ako kung pwede niya akong ligawan. Bakit ka nahulog sakin Dylan?! Masasaktan ka lang. Bakit ngayon pa kung kailang may lakas nako ng loob na umamin kay Paul.

Dylan: "Please Ynna, pagbigyan mo na ako, kahit 1 week lang. Payagan mo na akong ligawan ka." *Lumuhod*

Ynna: "Huy Dylan tumayo ka nga diyan! Pinagtitinginan na tayo oh! Tayo!"

Dylan:" Tatayo lang ako kung papayag ka."

Ynna:" E Dylan, masasaktan ka lang! Di mo alam yang pinagsasabi mo. Tumayo ka na please? Oo na. Pero wag kang mag-expect na sasagutin kita."

Dylan:" Bigyan mo lang ako ng chance na ipakita sayo kung gaano kita kamahal. Salamat Ynna!" *Sabay Hug*

Buong klase: " YIEEEE!!!"

Ynna: " Tumigil nga kayo! Teka lang, may hahanapin lang ako."

Paano na yan? Paano kung nakita ako ni Paul? Wala na. Basag na basag na talaga ako. T____T

[Demi's POV] 

Nakita ko yun. Kitang-kita ko ang mga pangyayari. Pumayag na si Ynna na magpaligaw. Ang sakit. Naiinggit ako kay Ynna. Ang tanga mo kasi Paul. Pati ako dinamay mo pa. Ganito pala yung feeling ng brokenhearted. Umalis nako sa lugar na yun palayo. Tumatakbo na ko, hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

Pumunta ko sa field. Nakita ko doon si Paul. Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyapos ko siya. Malamang nagtataka na itong isang ito kung bakit ako nagkakaganito.

[Paul's POV] 

Sa di kalayuan ay nakita ko si Demi tumatakbo palapit dito. Teka, anong nangyari sa babaeng ito? Bigla niya akong niyapos. Nababasa na yung uniform ko ng mahalata kong umiiyak pala siya kaya ibinalik ko na din yung pagkakayakap niya sakin. I hug her also. Sana naman kahit papaano ay macomfort ko'to. Ano bang nangyari?

[Ynna's POV] 

Sinundan ko si Demi at napagpasyahang mamaya ko na hanapin si Paul. Nagpunta siya sa field. At pagkatingin ko, unti-unting tumigil ang mundo ko. Waw ha! Ang galing! Nakita ko na ang mga hinahanap ko! 2-in-1 nga naman! Nakita ko sila Paul at Demi... at ang mas masaklap nakita ko silang magkayapusan. Ang sakit. Sana pala di ko na siya sinundan kung alam ko lang na ganito ang makikita ko. It's too late Ynna. Parang may namamagitan na sa kanila.

Naku lagot, nakita ako ni Paul. Pinunasan ko ang mga luha ko. Bumitaw siya sa pagkakayakap kay Demi at pumunta siya sa kinatatayuan ko. Pero tumakbo ako palayo, ayokong makita niya na ganito ako. Unfortunately, nahabol niya ako. Nahawakan niya agad ang braso ko at hinarap ako sa kanya.

[Paul's POV] 

Sa di kalayuan ay nakita ko si Ynna. Naiyak siya. Teka, nasaktan ko ata siya kasi nakita niya akong nakayakap ngayon kay Demi. Lagot ako neto.

Nahalata niya ata akong nakita ko siya. Kaya bumitaw na ako kay Demi at sinundan ko siya. Tumakbo siya palayo pero buti na lang at nahabol ko siya!

Ako: "Ynna..."

Ynna: "Paul."

Ako: "Sorry."

Ynna: "Bakit ka nagsosorry?"

Ako: " Bakit ka naiyak?"

Ynna: "Nagseselos kasi ako."

Ako: "Ha?"

Ynna: "May gusto kasi ako sa'yo Paul."

Ako:" Ynna...."

Ynna: "Alam ko namang huli na ang lahat. Kalimutan mo na sana ang sinabi ko ngayon. Puntahan mo na si Demi alam kong mas kailangan ka niya." *Sabay alis*

Ako:" Ynna, wait lang!"

Ang tanga ko! Napakatorpe ko! Bakit hindi ko na din nasabi sa kanya. Sayang yung chance! Ang tanga mo talaga Paul!

Demi:" Paul, I think panahon na para sabihin mo na sa kanya. Sorry, nang dahil sa nakita niya kaya nagkaganito."

Paul:" Wala kang kasalanan! It's my fault. Nadamay pa kita. I'm very sorry!"

Demi:" Wag kang magsorry. Kung mahal mo talaga ang bestfriend ko, kumilos ka na bago ka pa maunahan ni Dy...Dylan."

Paul:" Ha?"

Demi:" Nililigawan na ni Dylan si Ynna."

Paul:"Kaya ka ba nagkaganan kase si Dylan yung mahal mo?"

Demi:" O...Oo... Hay."

Paul:"Salamat Demi."

Umalis na ako dun. At hinanap ko si Ynna. It's too late. Nakita ko silang magkasama ni Dylan. Ang saya-saya nila. Mukhang wala na ata akong pag-asa.

Ma'am Fretzie:"Pst!"

Ako: " Ay palakang nabundat! Sino... Ma'am?"

Ma'am:" OA ha. Kawawa naman si Paul, mukhang naunahan na."

Ako:"Ano pong sinasabi niyo?"

Ma'am:"Hayan! Kaya ka nahuhuli e! Pakipot ka pa lagi! Hahayaan mo na lang ba na magkaganun?"

Ako:"Ma'am.... Pa-pa-pano niyo po nalaman?"

Ma'am:"Meron akong magic skills. Ano ka ba Paul! First year pa yan e! Mag-aapat na taon na, hanggang ngayon wala parin? Umamin ka na kasi. Bahala ka. Ikaw din. Nasa huli ang pagsisisi." *Sabay-alis*

Ako:"Huh? Tama si Ma'am, kelangan ko ng umamin. Ma'am! Salamat po!"

Ma'am wave her hands.

[Ynna's POV] 

Mabilis lumipas ang panahon. Nakamove-on na ko......kay Paul. Siguro nga hindi siya ang para sa akin........at yun ay ang aking bestfriend na si Demi. I think this is the right time to let him go. Simula nung araw na yun, kung paano niya nabasag ang puso ko, kung paano ako nasaktan ay tinanggap ko na ng buong puso na marahil ay hindi siya. Ayoko ng magpakatanga lang dahil dito.

I need to face the reality...

SiguroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon