"Meron ba kayong Doctor Strange?" Ngumiti ako ng malawak bago humarap dito.
"Naku meron, Boss. Malinaw na malinaw. Gusto mo meron pang suicide squad. Mamili nalang po kayo at itry natin. Bente pesos lang isa niyan. Lima isang daan." Pagkalawak lawak ng ngiti ko dito.
Mabentang mabenta ang negosyo ko ngayon. Mukang malaki laking pera ang kikitain ko. Napangisi ako habang sinusuklian ang mga bumibili sa akin ng mga pirated DVD's.
Hindi ako magkamayaw sa pagsusukli at pagbebenta sa mga ito. Magkakamit ako ng limpak limpak na salapi ngayon. Napahagigik ako. Nawala lang ang ngisi ko ng may sumigaw ng,
"Parak!"
Dahil sa salitang yun ay nagkagulo. Agad na inayos ko ang mga paninda ko. Nakita ko naman ang isang matabang pulis na omibis sa isang sasakyan at patakbo papunta sa amin.
"Ay! Anak ng tokwa! Hayan na naman si Bulbasaur! Takbo!" Sigaw ko.
Dala ang isang bag na malaki ay nagtatakbo ako. Kasama ng mga kasama kong nagtitinda sa sidewalk ay kanya kanya kami ng takbo.
Nang lingunin ko ang pulis ay Hindi lang pala nag iisa si Bulbasaur. Isinama pa si Jigglypop, Charmander at saka si Pikachu. Isang barkada! Hayop!
"Tang na ka Ekang! Bakit hindi mo agad kami tinimbrehan!? Manghuhuli na naman pala si Bulbasaur!" Sigaw ko sa kaibigan kong isa rin sa mga nagtitinda habang tumatakbo kami. Bibit nito ang isang dvd player.
"Wala talagang preno iyang bibig mo! Kung ano ikinasanto ng pangalan mo siya namang ikinasama ng bibig mo!" Sigaw din nito.
Tumingin ako sa likod ko at nanlaki ang mga mata ko ng makita kong malapit na kami nitong maabutan. At hindi nalang sila mga pokemon ngayon. Kasama na nila ang trainor nila.
"Tinamaan ng Lintek! Feeling nila pokemon trainer sila! Abay ginawa tayong pokemon! Takbo! Bilis! Malapit na sila!" Mas binilisan ko ang pagtakbo ko.
Daig pa namin ang mga pokemon dahil hinahabol kami ng mga ito at sigurado pag nahuli kami ng mga ito ay kukuhanin ang kita namin. Ayos lang sana kung pera lang. Pero panigurado pati paninda namin. Mga buwaya kase. Wala na naman siguro silang makikilan kaya kami na namang mga vendors ang pinagdiskitan ng mga ito.
Patuloy kami sa paktakbo ni Ekang ng may pumasok sa isip ko. Nakita kong may isang lalake na palabas ng sasakyan. Agad akong lumiko papunta dito.
Hindi ko manlang ito tiningnan. Basta ibiniba ko ang bag kong dala at basta nalang akong yumakap sa binti nito.
"What the hell?" Gulat na sigaw ni mamang yakap ko.
"Wahhhh! Wag mo akong iwan! Parang awa mo na! Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang nagiisang lalake sa buhay ko. Alam mo yan! Ibinigay ko sayo ang lahat lahat." Kunwari ay palahaw ko at nakayakap ako sa Mamang may mahabang mga biyas. Pero nakasilip naman ako kung napansin kami ng mga pulis.
"Wahhh! Paano ko nalang bubuhayin ang magiging anak natin? Paano kami mabubuhay! Sabi mo mahal mo ako? Bakit ngayon ay iiwan mo na ako? Pagkatapos-"pasimple kong binalingan ang natulalang si Ekang. Sinipa ko ito kaya napatingin ito sa akin. Pinanlakihan ko ito ng mga mata. Mukang nakuha naman nito ang ibig kong sabihin. Agad na yumakap ito sa akin.
"Ate, tama na yan! Wag kang tanga, tang ina mo! Lalake lang yan! Wahhhh!" Kunwari ay iyak din nito.
"Pagkatapos mong makuha ang iniingatan kong puri, hindi kana nagpakita? Hayop ka, nag iwan kapa ng souvenir! Binuntis mo ako! Mahal na mahal kita, wag mo akong iwan! Kami ng magiging anak mo! Wahhhhhh! Mamamatay ako!" Patuloy ako sa pag arte.
"Miss, I don't know what are you talking about." Sabi ng mamang yakap ko ang mga binti. Lintek! Porenger pa yata. At gwapo iyong boses.
Pinalo ko ang binti nito ng pilit kinakalas ang pagkakayakap ko.
"Wag kang magulo!" Gigil na utos ko.
"What tha-" pinalo ko ulit ang binti nito ng magsalita ito.
"Puta! Makisama ka nalang brad. Uupakan kita ng buo." Sabi ko pa ng hindi ko pa rin ito tinitingnan sa muka.
Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao. Keber ba nila. Kailangan naming makatakas sa mga buwayang pulis.
"Ate ko!" Iyak rin kunwari ni Ekang. Mas lalo kong niyakap ang binti nito. Napasinghot singhot pa ako. Putcha! Ang bango! Amoy mayaman!
"Ekang, silipin mo kung nakalayo na sila?" Bulong ko dito. Bahagyan naman itong lumayo sa akin at sumilip sa gilid ng kotche.
"Tara na! Wala na sila!" Sabi nito.
Agad akong tumayo at pinagpag ang nadumihan kong pantalon. Agad na isinukbit ko ang malaking bag nang hindi ko manlang tinitingnan ang biktima namin ni Ekang sa pag arte.
Tatakbo na ulit ako ng pigilan ako ni Ekang.
"Maria, boypren mo sa dingding lumabas!" Sabay turo sa akin ni Ekang sa lalakeng biktima.
Nanlaki ang mga mata ko ng mabaling ang tingin ko sa itinuro nito.
"Ay, putang ina! Si Superman ko!" Bulalas ko.
Totoo nga ang sabi ni Ekang. Yung boypren ko sa dingding lumabas. Nagkatawang tao. Kaya lang ay kunot na kunot ang nuo nito na nakatingin sa akin. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis.
Pero bago pa ulit ako makapagreact ay hinila na ako palayo ni Ekang.
"Mamaya kana lumandi. Tara na, makita pa tayo."
"Teka, iclaclaim ko lang yung boyfriend ko." Pigil ko kay Ekang. Nakasimangot na binalingan ako nito.
"Ano siya? Raffle draw? Lintek! Hindi ako magkakapera-"
"Hayun sila!" Sabay kaming napabaling sa sumigaw. Nanlaki na naman ang mga mata ko nang makilala ko ang mga tumatakbo palapit sa amin.
"Takbo!" Sabay namin sabi at kumaripas ng takbo.
"Magsibalik kayo dito!" Sigaw ni Charmander.
"Bwisit kayo! Hindi ko tuloy naiuwi yung boyfriend ko!" Inis na sigaw ko.
Napasimangot ako habang patuloy pa rin sa pagtakbo. Hindi man lang ako nakapagpakilala sa boyfriend ko. Syemay!
___________
Sacred-Maria
YOU ARE READING
Loving, Matt
General FictionEmperor Series: 3 Loving, Matt Mattheo Andrew Sebastian Sr. Start Date: October 13, 2016 End Date: December 08, 2016