"Bulbasaur-este Chief, pakawalan mo na ako dito. Sige na oh?"
Napakamot pa ako sa ulo habang nagmamakaawa ako dito kay Balbasaur este sa pulis na nakahuli sa akin. Nasa loob tuloy ako ng pokeball ngayon.
Oo. Nahuli ako. Pinatakas ko nalang si Ekang at kawawa naman. Kahit na gaano ako kabilis nahuli ako ng mga ito. Dahil akala talaga nila ay isa akong pokemon at talagang hindi ako ng mga ito tinigilan. Naging pabebe girls din sila. Hindi na sila mapipigilan.
Kulang nalang ay bugahan ako ng apoy ni Charmander at kuryentehin ni Pikachu kanina. Dahil pinahirapan pa daw namin sila sa paghabol. Hindi na nila makita si Ekang kaya no choice sila. Ako nalang ang dinala nila dito sa presinto. Buti nalang at naiabot ko agad kay Ekang ang kita ko. Isang daan lang tuloy ang nakuha sa akin ng mga timawang pulis na ito.
At saka, Sino ba kaseng nagsabi naman sa kanila na ako ay habulin, di ba? Hindi lang naman kami ni Ekang ang vendors doon. Marami. Pero mukang may favoritism sila at kami talaga ang pinag initan. Napabuntong hininga nalang ako.
"Anong Bulbasaur?!" Sigaw nito. Napangiwi nalang ako dahil tumitilansik pa kase ang laway nito.
"Chief, cute yon. Hindi mo ba knows na in na in na games ngayon iyon sa kabataan?!" Pambobola ko pa.
"Kaseng cute mo iyon. Promise!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko.
"Baliw ka bang babae ka?! Akala mo ba hindi ko alam iyon?! Gagawin mo pa akong hayop! Gusto mo mabulok ka dito sa bilangguan?" Galit na sabi pa nito.
"Chief, huwag ka namang ganyan. Cute mo lang kase. Ayihh!" Dagdag ko pa.
Pinukpok ng kasama nitong pulis na babae ang rehas ng hawak nitong batuta at pinanlakihan ako ng mga mata. Kaya napalayo ako. Nagselos yata.
Feeling pa niya siya si Harley Quinn. Muka naman siyang butete. Pokemon squad to suicide squad. Wushu! Tae nila.
"Manahimik ka! Alam nyo namang bawal magtinda doon! Sige pa rin kayo ng sige! Muka ka pa namang foreigner. Gusto mo ipadeport kita?" Pananakot pa nito sa akin.
Muntik ko ng sagutin ito kung hindi lang ako nagtitimpi. Kailangan kong makaisip ng ibang paraan para makalabas ako dito. Hindi ako pwedeng magtagal dito at baka kung saan dalin ni Ekang ang pera ko. It can't be, borrow one. Char!
"Madame Chief, parang awa nyo na. Pakawalan nyo na ako dito. Wala naman akong masamang ginagawa. Nagtratrabaho lang naman ako kagaya nyo. Sige na Madame Chief. Parang awa mo na. Wala naman kayong mahihita sa akin." Naglambitin pa ako sa rehas. At kunwari ay mangiyak ngiyak na ako.
"Tahimik sabi!" Hinawakan nito ang muka ko. At tinitigan akong mabuti. Napaismid nalang ako.
"Totoo ho yan. Hindi iyan fake." Nakasimangot na sabi ko.
Inunahan ko na ito dahil siguradong ang kulay ng mga mata ko ang itatanong nito. Kulay berde kase. Hindi kase normal ang kulay nito para sa isang Pilipino. Mahirap mang aminin pero, half lang ako. Half baliw half lukaret.
Pero seryoso. Dating entertainer ang nanay ko sa Japan. Doon niya daw nakilala ang tatay ko na Japanese/ American/Spanish. Pero nang mabuntis daw siya ay nawala nalang ng parang bula ito kaya rin siya nauwi sa Pilipinas. Tapos lahat ng ipinapadala niya sa mga Lola ko ay naubos kakasugal ng mga ito kaya wala ring nangyari.
Tapos seventeen years old ako ng mag asawa siya ulit. Pero naflylalu na siya sa heaven ng ipanganak niya ang kapatid ko. Tapos ang magaling namang tatay ni Matet. Nainggit yata kay Mundrabells sumunod sa heaven. Lumaklak ba naman ng limang bote ng cobra drinks. Hayun, hindi na inabot ng umaga. Natigok.
YOU ARE READING
Loving, Matt
General FictionEmperor Series: 3 Loving, Matt Mattheo Andrew Sebastian Sr. Start Date: October 13, 2016 End Date: December 08, 2016