"Tulang Tamad"
Tamad rito, tamad riyan, tamad roon
Heto ka na naman sa pagiging tamad
Parati na lang bang pinapairal 'yon?
Maraming pang gawain ang nakatambadHangad maging mahusay sa paaralan,
Mataas ang pangarap na gustong kamtan,
Nais ang umasenso pati yumaman,
Ngunit pinapanaig ang katamaranSuriin ang sarili, "Ito ba ako?"
Tinatamad mag-aral o magtrabaho
Maaari ngang likas na sa atin 'to
Hahayaan lang bang lamunin ka nito?Akala mo'y buhay madali, p'wes mali
Nasa mundo kang puno ng paghihirap
Oras ay kay tulin, kailangang magsikap
Tamad, kilos na't baka ika'y mahuli!10/21/16 [Friday]
BINABASA MO ANG
My Own Poem
RandomAng nilalaman nito ay patungkol sa mga tulang nilikha ng aking isipan. Ito ay orihinal na gawa ng aking sarili kaya walang sinumang maaaring gumaya ng buong tulang ito. Maraming salamat! ©All Rights Reserved