"Habang Buhay"
Nung una kitang nakita, ang sabi ko sa sarili, "Siya nga."
Oo ikaw nga.
Mahal na mahal kita.
Kahit hindi mo ako kilala, mahal na kita.
Ang galing diba?
Ano ako? Stalker? Secret admirer mo?
Oo. Araw-araw kitang pinagmamasdan.
Hinding-hindi ko tinatanggal ang paningin ko sa'yo.
Alam ko kung ano ang ginagawa mo.
Minu-minuto,
Oras-oras,
Palagi.
At ito na nga. Nakilala mo na ako.
Inibig mo ako.
Naging TAYO ang dating IKAW at AKO.
Ang dami kong kinuwento sa'yo.
Sobrang dami.
Pinaaalala ko kung gaano kita kamahal.
Minu-minuto,
Oras-oras,
Palagi.
Hanggang sa unti-unti na tayong nagkakalayo.
Ano na ang nangyayari sa atin?
Nanlalamig ka na.
Habang ako ay habol pa rin ng habol,
Palayo ka naman nang palayo.
Ano pa bang gusto mo ang hindi ko naibigay?
Kayamanan? Mga bagay na kukumpleto sa'yo?
Ako lang. Ako lang sapat na, pero ayaw mong maniwala.
Ako lang.
Kahit tayong dalawa lang ay magiging masaya ka na.
Pero ano ang nangyari?
Hindi mo na ako kinakausap.
Tinalikuran mo ako.
Kahit pilit kong iniaabot ang aking kamay para ito'y kunin mo.
Pilit kong pinakita na mahal na mahal kita.
Minu-minuto,
Oras-oras,
Palagi.
Ang sakit.
Ako na itong nagpakahirap,
Nagpakasasa,
Nagmahal nang sobra,
Ako na yung nahirapan,
Ako na yung nasaktan,
Ako na yung namatay para sa'yo,
Hindi pa ba sapat iyon?
Ako ang lumikha sa'yo,
Kilala na kita kahit hindi ka pa isinisilang.
Kilala na kita, at mahal na mahal kita.
Minu-minuto,
Oras-oras,
Palagi.
Kahit iniwan mo ako,
Mahal na mahal kita.
Kahit hindi ako ang inuuna mo,
Mahal na mahal kita.
Kahit na tinalikuran at tinapon mo ang pag-ibig ko,
Mahal na mahal kita.
Kahit anong sakit ang nadarama ko sa bawat pagtulak mo sa akin palayo,
Mahal na mahal kita.
At kahit ano pang gawin mo,
Mahal na mahal kita.
Sa lahat ng pagdurusang pinagdaanan mo,
Naroon ako.
Naghihintay, nag-aabang ng iyong pagbalik.
Matiyagang nagmamasid sa puso mong inaantay na manalig.
Nandito ako.
Naghihintay.
Kahit gaano katagal ang abutin,
Araw, buwan, taon,
Maghihintay ako.
Kasi mahal na mahal kita.
Minu-minuto,
Oras-oras,
Palagi.
Ngayong natagpuan mo ulit ang mensaheng ito, magtatanong ka kung nandito pa ba ako.
Oo, nandito ako.
Sa parehong lugar kung saan mo ako nilisan,
Walang sawang naghihintay.
Walang dudang umaasa,
Na ika'y babalik,
Na pagkatapos mong marinig ang aking mensahe ay tatakbo ka sa aking piling,
At ika'y aking hahagkan.
Mga munting salita ang aking bibitawan.
"Mahal na mahal kita."
Minu-minuto,
Oras-oras,
Palagi,
Habang-buhay.
07/02/18 [Monday]
Author's Note:
Special thanks and dedication to Exequinne !!! Siya talaga ang may gawa nito at kung hindi dahil sa tulong niya, wala itong spoken poetry 😂 You're the best girl! ❤
p.s. Please visit and add to your library of her story entitled " The Fairy Legacy (Chronicles of Fantasilia Book #1). I assure you, it is so magical :3 A masterpiece, or should I say! HAHAHA
BINABASA MO ANG
My Own Poem
De TodoAng nilalaman nito ay patungkol sa mga tulang nilikha ng aking isipan. Ito ay orihinal na gawa ng aking sarili kaya walang sinumang maaaring gumaya ng buong tulang ito. Maraming salamat! ©All Rights Reserved
