A/N: I've decided na yung original name na lang nila gamitin ko. Pati kasi ako, nacoconfuse eh. Hindi kasi ako sanay na may names sila so yeah, original names na lang po ginamit ko.
Wrong Turn Chapter 1
Fretzie's POV
Nandito kaming barkada sa aming tambayan at nag-uusap ng random things. Ganito talaga kami kapag nagkakasama, may sari-sariling mundo. Minsan nga eh, hindi na nagkakapansinan kung sinong dumarating at kung sinong umaalis sa tambayan pero ngayon, wala kaming mga sariling mundo kasi nagplaplano kami ng outing ngayon. Yay!
"Guys, may naisip na ba kayo na pwedeng maging outing natin? Yung alam niyong papayag ang parents nila Kathryn." sabi ni Ann.
"Ann, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi na kami mga bata. Teenagers na kami katulad niyo. Di hamak nga lamang na mas matanda kayo ng ilang taon." sabi ni Daniel.
Haaay, si Daniel talaga. Ayaw na ayaw na tinatawag na bata. Sabi niya binata na raw siya at alam niyo ba? Lihim na nililigawan niyan si Kathryn...nagpapakipot lang yung babae pero alam kong gustong-gusto niya ng sagutin. Kaso nga lang, kapag nagkataon na sinagot na ni Kathryn si Daniel, may masasaktan sila...si Zharm.
Alam niyo ba ang history ni Daniel at Zharm? Secretly lovers sila noon kaso nag-break sila kasi nakilala na ni Daniel si Kathryn. New member kasi si Kathryn sa barkada noong time na si Daniel at Zharm pa. Pero, quiet lang kayo ha? Wag niyo sabihin kina Daniel, Kathryn at Zharm na sinabi ko ito sa inyo ha? Kundi, patay ako sa kanilang tatlo!
Anyway, lumalayo na tayo. Balik na dun sa planning ng outing.
"I know Daniel. Gustong-gusto lang kasi kitang inaasar eh." sabi naman ni Ann.
"Mayroon akong idea, I don't know if you guys would like it." sabi ni Linn, ang dakilang girlfriend ni Enrique Gil. Off-topic ulit tayo, alam niyo ba guys na nahirapan si Enrique na ligawan si Linn because of Linn's mom? Ayaw kasi ng mom ni Linn na mangyari sa kanya yung nangyari sa mom ni Linn like yung ma-broken heart ng bonggang-bongga pero hindi naman natin maiiwasan yun diba?
Every relationship, palaging may masakit na parte. Gets?
Okay, back to the story...
"Ano yun?" tanong ko.
"What if we go to the mall na lang? Like yung mall na hindi pa natin napupuntahan. Let's try out new things." sagot ni Linn.
Honestly, I'm tired of malling. I want something new, something fun and extreme and adventurous. I disagreed with Linn's idea. "Linn, isn't that the same thing we'd been doing every outing?" tanong ni Zharm.
Forever maarte, Zharm Arriola.
"Yah I know pero, let's try out a new mall nga diba?" sagot pa ni Linn.
"What if something adventurous ang gawin natin?" suggest ko.
"Oo nga guys, what if mag-outing tayo sa isang lugar kung saan may outdoor activites that we surely can enjoy as a barkada, diba?" sabi naman ni James.
"I agree! So, yun na lang? Let's find a place kung saan mayroon ng ganun." sabi ni Julia.
So, nagkasundo na kami sa aming outing plan at napagdesisyunan na rin namin na umuwi na at maghanap na ng lugar. Pagbobotohan na raw lang online kung alin ang pinaka-best at doon kami pupunta.
So, umuwi na ako.
Binuksan ko na laptop ko then I started searching na.
Search.
Search.
Search.
Search.
Yes! I found one. It's called "Adventure Park in Bulacan."
(A/N: Made up ko lang yung place kaya medyo lame ang pangalan.)
I posted it up on our barkada's blog then I also posted some pictures para makita nila kung ano yung itsura ng place and yung mga activites na magagawa doon. After a minute or so, marami na ring nagpost ng places at nagstart na kaming mag-vote.
Guess what? Yung place na nakita ko ang nai-vote nila at doon kami pupunta! Yaaaayyy!! Tapos napagusapan na rin namin kung kailan tsaka yung transpo namin. It turned out na bukas na kami aalis ng madaling araw and si Enrique na bahala sa van and he volunteered na siya na lang ang magd-drive para barkada lang talaga ang kasama, walang driver :)
Someone's POV
Sa wakas! Nalaman na rin namin kung saan pupunta ang barkada bukas! Maga-outing sila and napagplanuhan na rin namin kung ano ang actions na gagawin namin dun sa evil plan namin sa barkada. We'll make sure na hindi sila makakarating sa kanilang pupuntahan >:)
Kinabukasan...
Fretzie's POV
Everyone's in the van na! We're all so excited. 5:30 in the morning kami nag-meet up then 6:00 kami umalis. Ganito pwesto namin sa van:
Enrique (driver) - Diego (passenger's seat)
Linn - Ann - Ivan
Daniel - Kathryn - Michelle
Fretzie - James - Sam - Julia
Masyado kaming nage-enjoy tapos bigla na lamang tumigil ang van namin. "Enrique, bakit ka tumigil?" tanong ni Diego.
"Hindi ma-locate ng GPS yung dadaanan natin simula ng pumasok tayo rito sa shortcut na ito." sagot ni Enrique.
"Ha? Try mo ulit baka nagloloko lang yung GPS. May pagkaluma na kasi yan eh." sabi ni Diego.
Sinubukan ng sinubukan ni Enrique na ayusin ang GPS ngunit hindi niya talaga ma-locate. Wait, don't tell me that we are LOST!
"Guys, baka naman may mapagtatanungan tayo somewhere." sabi ko.
"Baka nga." sagot ni Ivan. Lumingon-lingon kami kung saan-saan tapos may namataan akong matandang lalaki na nakaupo sa harapan ng isang parang old souvenir shop or something. "Yun oh! Magtanong tayo sa kanya." sabi ko.
Bumaba kami ni James, Ivan at Sam.
"Excuse me, hindi kasi ma-locate ng GPS namin yung dadaanan namin dito eh. Alam niyo po ba ang daan papuntang Adventure Park in Bulacan?" tanong ko.
"Maswerte kayo at alam ko ang daan." sagot nung matanda.
HAAAAYYYYY, nakahinga ako ng maluwag. "Saan po? Malapit na po ba kami?" tanong ni Sam.
"Ay, medyo may kalayuan pa kayo pero..." sabi nung matanda tapos nagbigay siya ng direksyon kung saan kami pupunta papunta doon sa Adventure Park.
"...kaso mag-ingat kayo sa dadaanan niyo. Delikado ang daan dito. Nawa'y gabayan kayo ng Diyos sa inyong lakbay." sabi nung matanda.
Parang bigla akong kinilabutan. Sabi nung matanda na delikado raw ang dadaanan at sinabi niya pa na sana ay gabayan kami ng Diyos. Siyempre, gusto ko yung gagabayan kami ni Lord kaso yung way ng pagkasabi niya parang may something na hindi maganda behind his words.
Sana po wala. Sana makarating kami sa aming pupuntahan ng ligtas at maayos.
****
ABANGAN SA CHAPTER 2:
"Guys, tumahimik muna kayo. Hindi ako maka-concentrate!" sigaw ni Enrique.
"Bakit tayo tumigil?" tanong ni Ann.
"Empty gas na tayo." sagot ni Enrique.
Bumaba kaming buong barkada sa van dahil medyo mainit na doon sa loob. Tumingin ako sa paligid, nasaan ba kami? Ang lalaki ng puno tapos kapag titingnan mo ang daan, parang infinity na parang walang katapusan. Para kaming in the middle of nowhere.
NASAAN BA KAMI?
VOTE. COMMENT. LIKE. BE A FAN.
BINABASA MO ANG
Wrong Turn
FanfictionA supposed to be adventurous barkada outing turned into something unexpected.