Chapter 4

1.5K 40 19
                                    

Ann's POV

We've been searching forever! No sign of Mr. Diego Loyzaga. Haaaayyyyy...

*Plack*

I stepped on something tapos I looked down to see that I stepped on a...you know na. Kadiri!

"Ewwww...Linn, can I have your water jug?" I asked.

She offered it to me naman pero when I was about to get it, nilayo niya. "Para saan?" she asked.

"Panghuhugas ko muna sana rito oh. Nakaapak kasi ako ng dumi eh." sagot ko.

"Nooo. Masasayang lang ang water ko. Tara, maghanap na lang tayo ng lake or something dito sa kagubatan basta, wag tayong lalayo kay Enrique ha?" sabi naman ni Linn.

Tumango-tango naman ako. "Oh sha, oo na. Tara na, nangangamoy na eh. So kadiri, new shoes ko pa naman 'to." sabi ko.

Nag-roll naman ng eyes si Linn. "Ang arte mo talaga, Ann. Hay nako, tara na nga." sabi niya tapos hinila na niya ako.

"Sorry, pinanganak na akong maarte eh. Kayo naman, hindi na kayo nasanay." sabi ko. Kaka-lingon lingon naming dalawa ni Linn, hindi namin na-notice na unti-unti na pala naming nawawala si Enrique. 

"Linn, asan si Enrique?" I asked.

"Ha?" tapos lumingon-lingon siya sa paligid tapos she started panicking na. "Ohmygosh, nasaan na yung lalaking yun? Iwan ba naman tayo rito. How gentleman of him..." sabi ni Linn sarcastically.

"I think he went this way.." sabi ko tapos tinuro ko yung daan sa left.

Enrique's POV

"DIEGOOOO!!" 

Usually, pagkatapos kong sumigaw ng Diego, sumisigaw din sila Linn at Ann pero...bakit parang hindi na? Siguro napangal na. Kanina pa rin kasi yung dalawang yun nagdadal-dalan.

"Linn, Ann, nakikita niyo ba si Diego?" tanong ko tapos I turned around pero wala na silang dalawa.

"Linn? Ann?" sabi ko.

I started running kung saan kami nanggaling pero hindi ko na talaga sila makita. Until may nakita akong footsteps. Nagpunta sila sa left while I turned right. Oh no, wrong way na naman sila!!

Wrong TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon