A/N: Okay, na-convince niyo ako. Tsaka napaisip na rin ako. Mas maganda nga na ipagpatuloy ko itong Wrong Turn kaysa doon sa Let's Pretend na wala na naman atang nagbabasa. Oh well, heto na. Itutuloy ko na. Haha. Pero baka kaunti lang chapters nito. Baka hindi pa nga ata siya umabot ng 20 something pero I'll try na pahabain at gawing mas interesting pa ang storya.
Enjoy!
...
Chapter 5
Kathryn's POV
Linn, Daniel and I, we've been walking for what seems like forever! Napapa-english tuloy ako ng wala sa oras. Hay, kailan ba kasi matatapos itong nightmare na ito? I wanna go home!
"Kathryn, okay ka lang?" tanong ni Linn.
Tumango naman ako. "Oo, okay lang ako. Wag ka ng mag-aalala."
"Heto oh, uminom ka muna." sabi ni Linn sabay alok ng kanyang water jug na nangangalahati na ang tubig.
"Salamat." sabi ko naman tsaka ko binuksan yung water jug at uminom.
"Uy, ako rin!" sabi ni Daniel.
Inabot ko yung water jug sa kanya at siya naman yung uminom. "Uy, tama na! Kailangan nating magtipid ng tubig. Hindi ko na alam kung saan ang pabalik sa van dito." sabi ni Linn.
Ibinalik na ni Daniel yung water jug kay Linn. Nang akmang isusuot na ni Linn yung strap sa kanya, nasabit ito sa puno at naputol ang strap. "Ay nako! Sabi ko na nga ba eh, hindi matibay itong strap na 'to." reklamo ni Linn.
"Hayaan mo na yan, tara, buhatin mo na lang yung jug. Hindi na naman ata yan mabigat diba?" sabi ni Daniel.
Umiling si Linn. "Hindi na simula nung muntikan ng ubusin yung laman ng isa diyan." sabi niya.
Napatawa naman ako. "Yan kasi..."
"Tara na nga!" sabi ni Daniel tapos tumalikod na siya at naglakad na, kami ni Linn nasa likod niya at nakasunod.
Ivan's POV
Hindi naman mahanap sina Linn at Ann pati na rin sina Kathryn at Daniel. Nako! Patay ako nito sa mommy ni Kathryn. Ako pa man din mismo at kumausap sa kanya para payagan si Kathryn sa outing na ito. Ano na mangyayari sa'kin kapag hindi namin natagpuan sila Kathryn at hindi siya ligtas?
Think postive, Ivan, think positive. Walang masamang mangyayari kay Kathryn at kung kanino man. Makakaalis kami rito ng ligtas at sama-sama.
"Guys, tingnan niyo 'to oh," sabi ni Sam sabay abot ng strap na nakasabit sa puno.
Lumapit naman ako para matingnan ng mas maigi yung strap. "Kay Linn ito ah." sabi ni Enrique.
"Oo nga. Nako, ano kayang nangyari sa kanya." pag-aalala ko.
"Pagdasal na lang natin na walang nangyari." sabi ni Sam.
"Tara na, mukhang dito sila nagpunta." sabi ni Enrique. Dumiretso sila ng lakad. Si Enrique nakasunod kay Sam. Nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko. Pinagmamasdan ko sila Sam at Enrique na unti-unting lumalayo, ni hindi man lang namamalayan na hindi ako nakasunod.
Susunod na sana ako ngunit may napansin akong mga footsteps na nagle-lead sa isang mahabang tulay. Tiningnan ko ng isa pang beses si Sam at Enrique at tuluyang dumiretso patungo doon sa bridge.
Fretzie's POV
"Aray!"
Napalingon si James at Julia. Nakita nila ako na nakaupo na sa putikan at hawak hawak ang aking kanang paa. "Anong nangyari?" tanong ni Julia.
BINABASA MO ANG
Wrong Turn
FanfictionA supposed to be adventurous barkada outing turned into something unexpected.