Magic 13 Stranger

87 2 2
                                    

FlowerousDust Academy

*

Magic 13

Jojie POV

Hi!
I'm Jojie -_^
Alam kong kilala niyo na ako kaya, hindi na ako magpapakilala. Basta ang masasabi ko lang.....

*ahem* *ahem*

GWAPO AKO. ^0^

Nakatambay kami ngayon sa aming Tree House! Yes! Tree house na exclusive lang sa mga Mooners at kay Fayzel *0*

Nahiya na kasi kami kay Alexander, headmaster namin. Isa sa pinaka malakas na mahikero dito sa mundong to. Nakakahiya na kasing tumambay pa sa opisina niya kaya naisipan namin nila Macky na gumawa ng sarili naming tambayan.

May kwarto pa nga dito eh, nilagay ni Macky para daw tulugan niya pag nandito siya. Hay... Ano ba aasahan sa antukin na yun.

"Zel gusto mo?" Alok ko ng candy kay Fayzel, hmm Zel nalang para mas maikli.

"Sige sayo nalang baka umiyak kapa." Mapang-asar na tugon niya sakin kasabay ng napakatamis na ngiti.

Saglit akong napatulala, sh*t!
So beautiful! Yung dimple niya sa kaliwang pisngi nagpakita.

Kinapa ko ang dibdib ko, parang gusto niyang lumabas ngayon na. Her dimple, may mahahabang pilik mata na para lang siyang naka falls eyelashes, mga labing hindi na kailangan pa ng lipstick dahil natural na mamula mula na ito, napalunok ako.

"Hoy! Tulala ka jan Jojie haha!"
Nagising ako sa aking pagpapantasya ng untagin ako ni Laisie.
Si Laisie maganda din siya, nakakaakit siya tignan at ma appeal pero hindi parin katulad ni Fayzel. Napalunok nanaman ako. Fayzel is different, totally different. I wonder.

*

LIXSA GIFT ABELLA POV

I am Serquinlight, ang lahi ng mga may pinaka malalakas na kapangyarihan dito sa mundong ito.

Ang mga Serquinlight ay may kakayahang kontrolin ang mga elemento kasama na doon ang thunder and light. Kami rin ay mga summoner, kaya naming tawagin ang kahit sinong gods and goddesses at magamit ang mga kapangyarihan nila.

Ngunit ni isa doon wala akong nagagawa. Ni makontrol lang ang lupa at magpatubo lang ng halaman ay hindi ko pa magawa. Ikinahiya ako ng mga magulang ko, itinakwil ako ng angkan ko na parang basura. Itinapon ako ng buong lahi ko. Ilang araw at linggo akong nag palaboy-laboy mag-isa.

Ang gusto ko nalang noon ay mamatay.
Mas maganda sigurong mawala nalang kaysa nagiisa ako. Walang nakakatanggap sakin maski ang pamilya ko.

I'm a failure.

I'm nothing.

And I have nothing.

Pero NOON yun.

20 years ago, matapos salakayin ng mga taga Aridlian Kingdom ang Flowrent, na kasabwat pala ang mga Serquinlight. Dahil sa pakikipag sabwatan ng mga Serquinlight sa Aridlian at dahil narin sa paggamit ng mga forbidden spells, lahat sila, lahat ng Serquinlight, lahat ng angkan at ka lahi ko napasama sa sumpang iginawad ng hari at reyna noon. Napasama sila sa pagsara ng gate ng Aridlian Kingdom. At ako lang ang natira.

Sa nangyari mas ninais kong kitilin ang buhay ko noon.

*Mini flashback*

Kaharap ko ang isang halimaw, wolf ito na may tatlong ulo, hindi ako tumakbo o nagtago manlang. Ang ginawa ko nalang ay pumikit, hinintay ang matutulis na ngiping babaon sa laman ko, hinintay ang kamatayan ko ngunit ilang minuto na ang nakakalipas wala pa wala akong maramdamang sakit na maari kong maramdaman oras na sakmalin ako ng halimaw.

Unti-unti kong iminulat ang mata ko. Sa pagliliwanag ng paningin ko, Nakita ko ang isang babaeng ubod ng ganda, sobrang ganda. Wala akong masabing iba kundi ubod ng ganda niya. Isa lang ang napansin ko, ang kulay ng kanyang mata. Hindi ko makakalimutan ang kulay na iyon, sa tinagal tagal kong naninirahan dito sa mundong ito, sa kanya ko palang nakikita ang kulay ng matang ganun, natatangi.

Kinupkop niya ako, nanirahan kami sa isang liblib na lugar, sa totoo lang hindi siya liblib lang, liblib na liblib dahil nasa ilalim ito ng lupa. Ang sabi niya sakin noon sa kaibigan daw niya ang bahay na iyon. Kung sino ang kaibigan niya? Hindi ko alam hindi ko pa nakikita. Halos dalawang dekada kami nagkasama, tinuruan, inalalayan at pinalaki.

Tinuruan niya ako ng dapat kong matutunan. Maging matibay ang loob, makontrol ang aking mahika at magtawag ng mga gods and goddesses. Lahat kaya kong tawagin maliban sa isa.

At yun ang iniwan niya saking isang misyon bago siya nawala o umalis.

Una, ang hanapin siya.
Pangalawa, ang alamin kung sino siya.
At pangatlo, ang matutunan tawagin si Nyx, siya ang goddess of night.

Siya ang kaisa isahang goddess na hindi ko matawag.
At oo hindi ko pa alam kung sino nga ba talaga siya. Nakakatawa diba ? Haha!
Siya na naging nanay at ate ko, hindi ko pa alam ang buong pagkatao.

Ngayon heto ako, sinisimulan ang aking misyon na binigay ni Master.

Si master gusto ko siya makita ulit. Ang tanging tinitingala ko, ang tanging naging pamilya ko kaya,

I swear magkikita kami ulit. Matanda na ako, kaya ko ng tumayo sa sarili ko. Kaya hahanapin ko siya, at aalamin ko ang buong pagkatao niya.


***

Hai guys!! ^.^

Comment please?

HalfbloodyMoon

FlowerousDust AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon