Chapter 4

3.1K 91 2
                                    




Jade

Waking up in the morning with the same familiar feeling makes my heart flutter every time, it's always been the same for years now. It was like waking up in to another day with nothing to worry about. I can feel arms wrapping my little waist, which is why I smiled as soon as I opened my eyes.

Nasanay na akong mabungaran ang mukha niya tuwing umaga, though we're married just for my son, he never failed to be a good husband to me. Skyler Damien, my husband and the man that I will always want to spend my time with.

"Sky," I said as I traced my finger on his handsome face. Siguro nga kung naging lalaki lang siya, 'di ako mag-aatubiling mahalin siya. Pero alam kasi ng puso ko na hindi, kaya naman hindi na rin lumalagpas pa roon ang pagtingin ko sa kanya. 

Napaigta naman ako nang bumusangot ang mukha niya at unti-unti na siyang nagmulat ng mata. "Jaydee, ang aga-aga ha. Pinagnanasaan mo na naman ako 'no?"

Napatawa ako sa sinabi niya, sinong 'di magnanasa sa kanya kung iisipin lang nilang lalaki siya.

"Skyler, dream on. I didn't have a choice but to stare at you. Because as you can see, I can't get up because you are hugging me."

Nanlaki naman kaagad ang mga mata niya at bumitaw na siya sa pagkakayakap sa'kin. Umirap pa siya bago tuluyang umupo sa kama.

"It wasn't intentional. Sinabi ko naman sa'yo, I don't practice lesbianism. Babae ka, babae rin ako. So it's a no, no!" Umismid pa siya at tinitigan ako nang masama, kaya napatawa na naman ako saka tumayo.

"I know, know, know that." I tease him as I got up and headed to the bathroom. But before I enter I looked at him again.

"Where's Dame?" Napatulala pa siya saglit sa tanong ko, pero agad namang nakabawi.

"Kinuha siya ng mommy mo kanina, maaga kasing nagising anak mo."

Ako naman ang nagkasalubong ang kilay ngayon dahil sa tinuran niya. "Sky, anak NATIN."

Pinagdiinan ko ang huling salita, kaya napangiti nalang siya ng pilit. I don't want him to think of Dame as not his. WE already agreed on this, he is Dame's father.


Matapos kong maligo ay sumunod naman si Sky, pero hanggang sa sabay naming pagbaba para pumunta na sa hapag-kainan ay walang ni isa sa amin ang nagsalita. Kaya naman nang makita kong nakaupo na sa dining table ang anak ko ay agad ko na siyang nilapitan.

"Baby," I called my son, but then I forgot a one tiny detail. He's not alone; my son is playing with him, with Simon.

What is he doing here? I want to ask him that, but I know it was rude. That's why I managed to fake a smile. "Hi, Simon. What brings you here?"

Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad kong nilapitan ang anak ko at kinarga, para mailayo na sa kanya.

Napansin ko naman kaagad na nakakaswal na kasuotan lang siya ngayon, he's only wearing a simple v neck shirt and jeans with sneakers. I admit he looks handsome, but damn! Why is he here?

"Well—" hindi pa natatapos ni Simon ang sagot niya nang biglang lumapit si Mommy sa amin at siya na ang sumagot. "I invited him, total magkakilala naman kayo 'di ba? Para 'di kayo ma-bore ng asawa mo dito. You can catch up with each other, after all you all went to the same school before."

Napangiti nalang ako ng pilit at tumango-tango. Hinanap kaagad ng paningin ko si Sky, saktong papasok siya ng kusina kaya agad akong gumawa ng excuse sa kanila.

"Puntahan ko lang ang asawa ko," pagkasabi ko no'n ay agad akong naglakad papasok ng kusina kasama si Dame. This can't be! Does this mean I have to deal with him all day?

JONHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon