Brown Shoes and Newspapers

26 0 0
                                    

Hi. May nakamiss ba sakin dto? HAHA!! :)) So yeah. I’m back in business, FOR NOW. I just missed writing (refuge ko na talaga pagsusulat pag naaasar at natutuwa ako) and I’m hopeless. So I gave it a shot. Another short story :) Constructive criticisms are appreciated :D

~~~~~~~~~~~~~~

Brown Shoes and Newspapers

© ItlogMee. :)

--

"Ahy kabayo!!" Napasigaw ako. Ano ba yan!! Bakit may nalalaglag na sapatos dito?

Napatingin ako sa taas. I saw a guy who sits on a nearby bench habang kumakain ng apple and his legs are dangling. Tiningnan niya rin ako. Reactionless ang peg ni Koya.

"Uhhmm, sa'yo ba tong sapatos?" I blurted out. Bakit ba kasi siya nandiyan? Weird.

Tiningnan niya lang ako. Wala siyang sinabi. Tapos bigla siyang tumalon pababa. Ayy ano to? Spiderman? Kinuha niya yung sapatos niya na hawak ko na nahulog. I noticed malaki sa kanya yung sapatos kaya nahulog. Then bigla siyang umalis, without a word.

Dumiretso na lang ako sa school. I don't have all the time in the world para magtaka kung sino ba siya o anong ginagawa niya sa punong yun. Ang importante hindi ako malate.

Siguro nagtataka kayo kung bakit may lumilipad na sapatos around here. Uhmm, lumipat kami ng bahay half a year ago. Actually ayoko talagang lumipat pero kailangan kasi mas malapit dito yung trabaho ng tatay ko. A half year has passed pero wala pa rin ako masyadong kaibigan. I don't know. Maybe there's something wrong with me or I'm not really nice at all.

Hindi naman sa nagpapaka-non-conformist ang drama ko pero I like walking in the woods every morning. Yes woods. Marami kasing gubat dito sa Los Banos and malapit kami sa woods. Instead na magcommute ako papunta sa school, nilalakad ko na lang through the woods. Nakatipid na 'ko sa pamasahe, wala pang traffic, at nakasinghot pa 'ko ng fresh air. It's my routine for half a year already. And I'm happy with that.

--

"Hi Cley," sabi ni Kath habang papalapit sakin dahil nakaupo ako. She seems a little cheerful. I wonder what happened.

"Oh Kath? Saya mo ata?" sabi ko.

"Wala lang. Masama bang maging masaya?" her eyebrows went up & down. Para siyang timang.

"Nope, hindi naman. Anong meron? Spill the beans. Share the good vibes."

She smiled slyly bago nagkwento. "OMG Cleyy!! Si Louie inakbayan ako kanina!! OMG OMG!! I can't breathe!!" Ang OA ng babaeng to. Hawak niya yung braso ko. Inalog alog niya pa ako.

"Tangina arte mo! HAHAHAHA! Bakit ka inakbayan? Nilalandi ka lang nun!! Sus!!"

"Grabe ka!! Judgemental all over ha!! E kasi nawawala yung Frixion pen niya kanina. Nasa ilalim ng upuan ko kaya ayun! Ano ba, be happy for me! Palibhasa ang boring ng buhay mo! Di ka ba talaga tomboy? Okay lang naman sakin kung tomboy ka. Tanggap pa rin kita. Ano?"

Nakutusan ko nga, "Nahulog lang Frixion, inakbayan ka na agad. Gaga ka. Kung anu-ano sinasabi mo. Daldal mo na naman!! Nasan ba Prof natin? Late na naman?"

"Ewan ko dun. Maaga pa naman ah. Late ka jan?"

"Anong oras na ba?"

"7:04 sakin."

"Ano oras klase natin?"

"7."

"Ayon pala e. Bakit wala pa siya? Nu ba yan!! Nagbabayad tayo ng tama dito tapos ganito!! Haysst!!"

"Drama ng buhay mo. Speaking of the devil. Ayan na si Mam oh. Diyan ka magreklamo."

Umupo kami ni Kath. Sa lahat ng tao dito, siya ang pinaka-close ko. Maybe. Basta siya kasi palagi kumakausap sakin. Palagi siyang enthusiastic at palaging masaya. Kami lang naman palagi magkasama e, so yeah. Sa kanya lang talaga ako komportable.

PETITE CHRONICLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon