Chapter 4.5: Sleepover
“Oh?” -Ako
“Sa isang araw kasi, Birthday ko. I-cecelebrate ko yun sa isang resort. Kaya as my girlfriend, invited ka sa birthday ko at dapat ka talagang pumunta. Isama mo narin yung dalawang kaibigan mo. Pero dapat sila lang yung kasama mo. Wala nang iba. Susunduin ka namin dito bukas mga 2pm.” –Vincent
What?! Bukas?! As in, Tomorrow?! So ngayon pa lang kelangan ko na palang iimpake yung mga kelangan kong dalhin.
“Ok. Pupunta ako.” -Ako
Hindi man lang nag-‘thank you’. Sunget.
Hindi na muna ako pumasok sa bahay ko. Instead, Nangapit-bahay ako. Pumunta ako sa bahay nila Yannie. ^___^
*katok katok*
“Oh Melody, Pasok ka.” -Ate Alyanna
“Good Evening po. Nandyan na po ba si Yannie?” -Ako
“Ah wala pa. Akala ko ba kasama mo siya?” -Ate Alyanna
“Kanina po kasama ko siya pero hindi na kami sabay umuwi. Kay Karen siya sumabay.” -Ako
“Ah ok. Baka naman may pinuntahan pa sila. Teka tawagan ko lang,” kinuha ni Ate Alyanna yung cellphone niya, “Hello Yanna… Uy umuwi ka na, hinihintay ka ni Melody… Ah kakausapin mo?... Oh Sige.”
“Gusto ka daw kausapin ni Yanna.” Sabi ni Ate Alyanna habang binibigay yung cellphone niya saakin
“Hello Yannie”
(Melody, Sorry kumain pa kami ni Karen eh. Pero pauwi naman na kami. Bakit mo pala ako hinihintay?)
“Eh kasi sabi ni Vincent birthday daw niya bukas, sa isang resort niya icecelebrate. Eh dapat daw pumunta ako at tsaka pwede ko raw kayo isama ni Karen.”
(Wow talaga?! Sige sige sasama ako. Ikaw Karen, sasama ka? *Karen: oo sige* yiiieee sasama din si Karen! Sige hintayin mo kami dyan pauwi na kami. Bye!)
“Teka la—“ naputol yung sasabihin ko dahil binaba na niya kaagad
*toot toot*
“Ay naku naman, Bitawan ba naman kaagad ni Yannie. Hindi pa nga ako tapos eh. >___
“Hahaha ganyan talaga yan. Osya, Dyan ka lang muna ah may trabaho pa kasi ako pag gabi.” -Ate Alyanna
“Ngee? Ano ba pong trabaho niyo?” -Ako
“Call Center Agent ako. Medyo malayo-layo pa yung pinagtatrabahuhan ko eh kaya kelangan ko na talagang umalis. Sige na ah. May pagkain naman dyan kung nagugutom ka.” -Ate Alyanna
“Sige po.” -Ako
Hinintay ko ng hinintay sila Yannie hanggang sa di ko namalayan ay nakatulog na pala ako.
----
“Melody? Melody… Me..lo..dy.. ME-LO-DY!!”
Bigla akong nagising dun sa sigaw ni Yannie
“Ay kabayo!” -Ako
“Ako kabayo?!” -Yannie
“Hala sorry. Ganun naman talaga ako pag nagugulat hahaha.” -Ako
“Ah ok. Ano na palang gagawin natin?” -Yannie
“Magiimpake.” -Ako
Pero hindi ko pa naiimpake yung mga damit ko. >____<
“Yannie, Uwi muna ako.” -Ako
“Hep! Teka lang. Wag muna kayong umuwi. Melody, Karen, Tulungan niyo muna ako mag-impake. Tutulungan ko din naman ikaw Melody pagkatapos.” -Yannie
“Sige.” -Karen
“Ok. Basta tutulungan mo ako ah. Usapan natin yan. ^__^” -Ako
Tinulungan na namin si Yannie magimpake ng mga damit. Grabe ang dami pala niyang damit. >___<
“Wag ka nang magdagdag. Tama na yan.” -Ako
Pano ba naman? Nagdala na siya ng anim na t-shirt tapos dadagdagan pa niya ng dalawa. Grabe na yun. >___<
“Eh ilang araw lang ba tayo dun?” –Yannie
…
Ilang araw nga ba? Di ko natanong kay Vincent. lol
“Ewan ko eh.” -Ako
“Ok na yan na magdala ng walong t-shirt si Yannie, Malay mo ba mga limang araw o isang linggo" -Karen
“Oo nga naman~ Appear tayo girl!” edi kayo na -___-
--
Natapos na namin ang pagiimpake. So ako naman ang magiimpake ngayon.
“Tara na sa bahay.” -Ako
“Sige, Mauna na kayo. May kukunin lang ako. Ay Melody, Dun nalang ako sa bahay mo matutulog, Tawagan ko muna si Ate para magpaalam.” -Yannie
“Ok.” -kami ni Karen
Pero bago kami lumabas ng bahay ay tiningnan ko muna kung anong oras na.
Shocks, 2am na pala. Ang bilis ng oras. Mapupuyat na naman ako niyan. T^T
Pagkatapos nun ay lumabas na kami ng bahay nila Yannie at pumasok sa bahay ko.
“Uy Karen, Ikaw pala? Nakapag-impake ka na ba?” -Ako
“Oo naman. Nagimpake kasi ako kasama si Yannie bago kami umuwi dun sa bahay ni Yannie. Nandun sa sasakyan yung mga dadalhin ko.” -Karen
“Ah ganun.” -Ako
Pagkatapos nun ay nagimpake na kami ni Karen ng mga dadalhin ko para bukas este mamaya. Nagdala ako ng walong t-shirt, tatlong pantalon, at dalawang short. Tsaka syempre nagdala din ako ng tuwalya baka kasi magswimming din kami. Nagdala din ako ng sunblock, etc.
“Ano ba yan. Natapos na lang tayo wala pa rin si Yannie.” -Ako
“Oo nga eh. Ano naman kaya yung ginawa niya?” -Karen
“Ewa—“
Naputol yung sasabihin ko dahil may biglang kumatok sa gate.
“TAO PO!!! MELODY!!! KAREN!!!” si Yannie na pala yun
Binuksan ko yung gate at pinapasok si Yannie.
“Yannie naman, kung maka-sigaw ka naman wagas na wagas. Anong oras na oh. Madaling araw na kaya. Baka magkagising ka pa ng kapitbahay.” -Ako
“Ay sorry hahaha. Sorry rin pala kung matagal ko kayong pinaghintay. Eh kasi si Ate ayaw sumagot. Tapos nagdagdag pa pala ako ng mga gamit dun sa dadalhin ko. *O*” -Yannie
“AHHH.” -kami ni Karen
“Oh tapos na kayo? Tulog na tayo. 3am na oh.” -Yannie
Ang bilis naman ng oras, Kanina 2am lang ngayon 3am na agad. >___<
“Sige tulog na tayo." -Ako
Inayos ko na yung kama ko. At dahil pang-dalawahan yung kama ko, Dun nalang daw si Yannie at ako sa kama ko. Tapos si Karen naman, sa sofa nalang. May malaking sofa din kasi dun sa kwarto ko kaya dun nalang daw matutulog si Karen.
“Tulog na kayo ah! Goodnight!” -Ako
“Goodmornight Melody!” -Karen
Pinatay ko na yung ilaw.
“Hello?....Uy! Musta na?....Ahahaha ok lang din naman ako eto yung mga kaibigan ko natutulog na ako nalang yung gising…”
Di ako makatulog. Gising pa pala tong katabi ko na ito. >___<
“Huy Yannie, Matulog ka na.” bulong ko sa kanya
“Oo eh miss na miss na kita…Wait nga lang, kakausapin daw kasi ako ni Melody…” sigurado si Daniel yung kausap ni Yannie
“Mamaya nalang ako matutulog, kausap ko pa si Daniel ee.” sabi ko na nga ba eh.
“Tss, sige na nga. >___<"
Kumuha ako ng unan at nilagay ko itong unan sa ulo ko. Para makatulog na rin ako.
BINABASA MO ANG
When Hate Turns to Love
Novela JuvenilPaano kung ayaw na ayaw mo sa kanya? Tapos isang araw, BOOM! Marerealize mo nalang na in-love ka na pala sa kanya.