Chapter 8: Happy Birthday!
<Melody's POV>
“Melody.”
ANOOO?! Bakit kelangan pang malaman ng maraming tao?
“Punta ka na doon.” –Jean
Pumunta ako dun sa stage.
Naghiyawan yung mga tao. Eh?
“Tsaka nga pala. Batiin niyo siya, Birthday din niya ngayon.” –Vincent
“HAPPY BIRTHDAY!” –lahat ng tao
Hah? Di nga?! Birthday ko ngayon? O baka naman, Jino-joketime na naman ako neto. -___-
“hoy, anong sinasabi mo na birthday ko ngayon?” –Ako
“Oo kaya, Birthday mo kaya ngayon. Tinanong ko pa nga sa magulang mo eh.” –Vincent
Edi sige na. May amnesia na ako. Matagal ko na kasi hindi sine-celebrate yung birthday ko mula nung ako nalang mag-isa dun sa bahay.
“Stalker. -___-” -Ako
Pagkatapos nun ay bumalik na ako dun kila Yannie at kumain na kami.
Habang kumakain naman kami ay isa-isa namang nagsasalita yung mga kaibigan ni Vincent sa stage.
“Happy Birthday sayo Vincent! Pati narin kay Melody. Wow ang galing ah, nagkataon na parehas kayong may birthday ngayon. Ibig sabihin meant-to-be talaga kayo hahaha. Tsaka ikaw Melody na may crush pala saakin, alam ko ayaw na ayaw mo kay Vincent mula noon hanggang ngayon. Pero maniwala ka saakin, Mabait din naman yang si Vincent. Sige, yun lang ang masasabi ko. Happy Birthday ulit sainyo!” –Ian, at nag-salute pa siya
Meant-to-be?! -____-
“Hoy Vincent, Happy Birthday! Pati narin sayo, Melody! Ikaw Vincent ngayong may Melody ka na, Pwedeng magbago ka na? Wag ka nang masungit ah. Ang sungit-sungit mo kasi hahaha. Sige, Happy birthday nalang sainyo.” –Nathan
Oo nga naman. Dapat magbago na siya.
“Happy Birthday kay Vincent at Melody! Gaya nga ng sabi ni Nathan, Magbago ka na Vincent. Wag ka nang masungit. Tsaka Melody, Sana mas maging close pa tayo. Sige, Happy Birthday sa couple of the year! Godbless sainyong dalawa! ^___^” –Jean
Couple of the year na naman?! Ano ba yan. Puro nalang couple of the year, couple of the year. Couple of the year there, Couple of the year here.
“Oppa at Unnie, Happy Birthday sainyo! Sana mas tumagal pa ang relationship niyo at dun naman sa Pretty Boys Company, gumawa naman kasi kayo ulit ng kanta!!!! Lagi nalang kasing Recipe of Love yung pinapakinggan ko. Tsaka yung Recipe of Love kaya yung number 1 dun sa Most Played List dun sa iPod ko. Para maiba naman kasi, hahaha. At tsaka hindi lang kaya ako yung naghihintay, pati rin kaya yung mga fans niyo!! And once again, Happy Birthday Oppa and Unnie! *o*” –Kristelle
Agreeee~ Dapat gumawa ulit sila ng bagong kanta!
“Vincent my loves, Happy Birthday! Melody, bespren. Happy Birthday! Tsaka Vincent, Alam mo ba, crush kita eh! Pero may girlfriend ka na eh. At mas masaklap, yung bestfriend ko pa. –Yannie
“Happy Birthday Vincent and Melody! Uy Melody, Birthday mo pala ngayon ah. Di mo man lang sinasabi. Yan tuloy, Wala tuloy akong regalo sayo. Pero di bale, bukas bibilhan kita ng regalo. ♥ Sige happy birthday! ^___^” –Karen
Pagkatapos mag-speech ni Karen ay bigla akong hinila ni Vincent papunta sa stage.
“Ngee? Ako rin magmemessage?” –Ako
“Oo naman.” –Vincent
“Ok, Happy birthday to me at kay Vincent. Ammm, Ano bang masasabi ko? Ay eto, Sana magbago ka na Vincent. Tingnan mo, Pati rin pala mga kaibigan mo sinusungitan mo. Tsk, Ang sungit mo talaga. Sige, Happy Birthday Sunget!” –Ako
Bababa na sana ako nang biglang…
“KISS!” –lahat ng tao
KISS?! O___O
Ayoko nga. -_____-
Nag-walkout nalang ako at bumalik ako dun kila Yannie. >:D
“Huy, Bakit hindi kayo nag-kiss?” –Yannie
“Baliw ka ba? Eh bakit naman kami magkikiss.” –Ako
“Aish, Ewan ko sainyo.” –Yannie
BINABASA MO ANG
When Hate Turns to Love
Ficção AdolescentePaano kung ayaw na ayaw mo sa kanya? Tapos isang araw, BOOM! Marerealize mo nalang na in-love ka na pala sa kanya.