Chapter 7: Girlfriend

982 19 0
                                    

Chapter 7: Girlfriend

 <Melody's POV>

“Sino?” malungkot na tanong ni Jessica

“Malalaman mo mamaya.” -Vincent

“Naman eh, Sabihin mo na ngayon.”

Baka ako yun. JOKE! -___-v

Maka-alis na nga lang kasi!

Anong oras na ba? Tiningnan ko yung orasan ko.

10pm

Ang bilis talaga ng oras.

Bumalik ako sa villa.

Yannieee nasaan na ba kasi ka—

“Huy! Saan ka galing?” nagulat naman ako dun si Yannie pala

“Ikaw muna! Saan ka galing? Hinahanap ko kayo eh.”

“Galing kami dun sa garden. Naglibot-libot din kami.” –Karen

“Di niyo ako sinama. TT^TT”

“Sorry naman hahaha.” natawa pa tong Yannie na ito T___T

Pumunta kami dun sa sala.

Grabe ang dami talagang tao. Lalo na dito sa sala.

“Guys, Magbihis na kayo! Mamayang 11 magiistart na yung party!!” sabi ni Jean

Party? Anong party?!

Ay oo nga pala, Yun yung dahilan kung bakit kami nandito.

“Tara mag-bihis na tayo.” sabi ko sa kanilang dalawa

“Teka lang, Jean pwedeng casual lang diba?” tanong ni Yannie

“Oo, Pwede.” –Jean

“Sige, Tara na bihis na tayo.” –Yannie

Pagpasok namin sa kwarto. May nakita akong isang malaking box na may kasamang letter. Para kanino naman kaya yun?

At dahil pakialamera ako, Tiningnan ko kung ano yung naka-sulat doon sa letter. >:)

Melody,

Buksan mo yung box, Tapos suotin mo yung laman nung box mamaya.

-Vincent

Ang haba naman ng message. SOBRA! -____-

Binuksan ko yung box and WOW!

Isang dress na kulay pink na meron ding ribbon sa harap.

“Wow! Ang ganda naman nung dress! Sinong nagbigay niyan?” tanong ni Yannie

“Sino pa ba? Edi yung Vincent niya.” sabi naman ni Karen

“Wow naman! Ang taray ng lola mo! Ako nga hindi ako binibigyan nung boyfriend ko ng ganyan ehh.” sabi ni Yannie

“Binigay niya to saakin para daw suotin ko mamaya.” sabi ko

“Waaahh. Talaga? Sige suotin mo na ngayon. Dun ka sa banyo magbihis. Kbye! ^___^” tinulak ako ni Yannie papunta sa banyo

Nilock ko yung pintuan nung banyo at nagbihis ako.

Pagka-bukas ko ng pintuan ng banyo.

“Woooowww! Ang ganda mo! ♥___♥” sabi ni Yannie

“Oo nga! Bagay sayo yung dress!” sabi naman ni Karen

“Hehehe. Salamat naman. :””>” sabi ko ^___^

*knock knock*

May kumakatok. Sino kaya yun?

When Hate Turns to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon