Hyuna's POV
Arggh! 3 hours na biyahe, sakit sa ulo.
Nasa tapat na ako ng gate ng Ketsueki Academy. Pinatransfer ako dito ni Dad para raw matuto akong gumamit ng mga armas at maging malakas. Bakit? Ewan ko ba dun kay Dad, para raw pang self-defense at para raw hindi ako lalampa-lampa. Hello? Babae kaya ako no. Tss. Pero sa tingin ko mayroon pang ibang dahilan e pero hindi ko muna iisipin yon ang kailangan kong isipin kung paano ako dito sa school na ito. Ang sabi nila dito din daw ako titira. Ayaw na ba nila akong makasama kaya tinapon nila ako sa school na ito?
Wala akong alam tungkol dito sa paaralan na 'to, basta ang sabi lang ni Dad dito nag-aral ang aming angkan. Ibig sabihin napakatagal na pala ng paaralan na 'to. Kaya pala mukhang nakakatakot.
Napagdesisyonan ko ng pumasok. Papalapit na ako sa gate ng biglang may sumulpot na dalawang malaking lalaki. Woah. Napakabilis nila, sa sobrang bilis hindi ko sila nakita agad. Paanong nakarating agad sila dito sa may gate gayong wala naman akong napansin na tao na malapit sa akin kanina papalapit ng gate?
Nagbow muna sila sa akin bago nila ako pagbuksan. Ang weirdo nila pero ang astig.
Pagpasok ko bigla akong nakaramdam ng kakaiba, para bang may tatama sa akin ano mang oras.
Tama nga ang hinala ko, sinalubong ako ng napakaraming shuriken! Saan na man nanggaling ang mga 'yon?
Mabuti na lang at nailagan ko lahat 'yon. May muntik pang dumaplis sa aking braso.
Paulanan daw ba ako ng mga ito!Bigla na mang may pumalakpak sa aking likuran. Pagtingin ko, isang lalaking hindi katandaan na nakauniforme.
"Magaling iha. Nalusutan mo ang mga iyon. Bibihira ang mga estudyanteng nakakaiwas ng walang kagalus-galos." Nakangiti niyang wika.
Maging ako ay nagulat na maiwasan ko lahat ng 'yon. Aba! Ganito ba sila magwelcome ng estudyante? Patayan.
At sino namang tao ang hindi magkakasugat sa ganyan? Swerte lang talaga ako.Tumawa bigla ang lalaki. Ano naman kayang nakakatawa?
" Masanay ka na ngayon iha, kung gusto mong matuto. Hindi ka swerte, dahil mayroon kang kapangyarihan hindi mo pa lang ito nalalaman. Lahat ng pumapasok dito ay may kakaibang abilidad at hindi ka makakapasok dito kung wala kang ganoong kakayahan." Makahulugang wika niya.
Paano niya nalaman ang nasa isip ko? Mind reader ba siya! At ano raw? May mga kakaibang abilidad lang ang nakapag-aral dito, pero p-paano ako nakapasok kung ganoon? Mukhang madaming tinatago sa akin si Dad ah.
Tumawa ulit siya.
" Malalaman mo rin ang mga kasagutan. Oshia, pumunta ka na doon. Mag-iingat ka, Ms. Hyuna Kiritoku." Sabay turo niya doon sa mga estudyante na nakapila. Mukhang inaayos na kung saang section sila.
Sandali! Nakalimutan ko tanungin yung lalaki kung ano ang pangalan niya.
Paglingon ko wala na ang lalaking kausap ko. Paanong nangyari 'yon?Wala pang ilang segundo nang tumingin ako sa itinuro niya.
At paano niya nalaman ang pangalan ko?
Napakamisteryoso ng paaralan na 'to at ng mga tao dito.
Naglakad na ako patungo sa quadrangle para puntahan ang mga kapwa ko estudyante. Habang papalapit ako bigla akong nakarinig na may tumawag ng aking pangalan.
"Hyuna Kiritoku. Where's Ms. Hyuna Kiritoku?" Wika ng isang babaeng matanda. Nakasalamin siya at ang suot niya ay katulad nang sa lalaking nakausap ko kanina.
Nagtaas ako ng kamay.
" Ako po Ma'am! " Sabay lapit sa kaniya.
Tumaas naman ang kilay ng babae at tiningnan muna ako mula ulo hanggang paa. Para bang sinusuri ako. Bigla siyang tumingin sa mga mata ko. Kahit nakasalamin siya nakikita ko ang mga mata niyang kumikislap ngayon.
Bigla siyang nagbawi ng tingin at nagsalita.
"Mmm okay Ms. Kiritoku, you may now go to the group of Raku Sichigo. You're in Hoshi section."
Pagkasabi niya non ay biglang tumingin sa'kin ang halos lahat ng estudyante. Parang hindi sila makapaniwala na nasa ganoong section ako. Ano bang mayroon sa Hoshi na 'yon?
Pansin ko na halos lahat ng estudyante ay may mga galos sa katawan. Isang linya lang ang nakita kong walang kagalus-galos.
Hindi ko alam kung nasaan sa mga pila ang grupo raw ni Raku kaya nakatingin lang ako sa paligid.
Bigla namang may lumapit sa aking babae at hinatak ako papalapit sa linya nila. 'Yon ang linyang sinabi ko kanina na walang kagalus-galos ang kanilang katawan. Mga kaedadan ko siguro itong babae na 'to. Mahaba ang buhok niyang may pagkakulay pula at siya'y maputing chinita.
Ang cool ng buhok niya.
Nginitian niya ako bago siya nagsalita.
" Hi Hyuna!Ako nga pala si Naomi Toshiro. Nasa Hoshi section rin ako."
Ngumiti din ako sa kaniya.
" Hi Naomi, ito na ba ang grupo ni Raku? Nasaan siya?" Tanong ko kay Naomi.
Bigla niya namang itinuro ang nasa harapan ng linya namin. Isang lalaking seryoso na nakadiretso lang ang tingin. Mukhang suplado.
" Siya ang Captain natin. Nahuli ka kasi ng kaonti kaya hindi mo naabutan ang mga importanteng inanunsiyo kanina, pero 'wag kang mag-alala ipapaliwanag ko na lang sa'yo mamaya. Nga pala ano ang kakaiba mong abilidad? At sa anong armas ka magaling? Dahil nasa Hoshi ka tiyak na malakas ka. "
Teka? Hindi ko alam. Ano nga bang espesyal sa'kin? Mukhang wala naman. Armas ba kamo? Katana lang ang alam kong gamitin.
Hindi ako sumagot dahil hindi ko din naman alam ang isasagot ko.
Bigla naman niya akong hinawakan sa kamay.
" Ayos lang yan kung hindi mo pa alam. Malalaman mo din yan basta nakakasigurado ako na malakas ka. "
Nakangiti niyang wika.Paano niya naman nasabi 'yon?
"Basta alam ko lang. Goodluck sa ating lahat."
Hala mind reader ka din aber?
Ngumisi lang siya sa'kin.
Pumila na lang ako sa linya namin labing-tatlo lang kami sa section namin samantalang ang iba mga nasa bente mahigit. Bakit naman kaya?
Biglang nagsalita ang matandang babae sa harapan.
" Ipapatawag kayo ulit mamaya kaya maghanda kayo. Ipapaliwanag mamaya ang mga batas sa paaralang ito. Bawal ang hindi pumunta. Sa loob tayo ng gym mamaya. 'Yon lang at maaari na kayong pumunta sa kanya-kanya niyong silid." Wika nito.
Hinatak ako bigla ni Naomi.
"Tara! Pumasok na tayo sa silid natin. Tayo ang magkasama sa silid." Nakangiting saad niya.
Paano niya naman nalaman iyon?
" E kasi nakita ko sa listahan kanina, yung hawak-hawak ni Ma'am Ichi yung nagsasalita kanina na matanda."
Binasa niya na naman ang utak ko! Teka paano niya nakita iyon gayong ang layo-layo niya kay Ma'am Ichi. Nasa may bandang likod kami ah.
Tumawa naman siya.
" Nakakatuwa ka talaga Hyuna. Wag ka na kasing mag-isip ng kung anu-ano, hindi ko tuloy mapigilan." Pigil ang pagtawa niya.
Hindi mapigilan? Ang alin? Weird.
Itutuloy...
Wahhh nakaraos din sa Chapter 1! Thankyou sa pagbabasa! :*
BINABASA MO ANG
Ketsueki Academy: A School of Despair (Revising)
Mystery / ThrillerAre you willing to kill one another just to survive? Are you willing to be a devil yourself just to enhance your skills and to discover your hidden power? If your answer is YES Welcome to KETSUEKI ACADEMY. Be ready. Once you came inside, there's no...