Chapter 3: The Hoshi/Star Section

68 4 5
                                    


*boooooommmmmm!!!*

Napabalikwas ako sa tunog na iyon. Ang sakit sa tainga!

Tinignan ko si Naomi kung ganoon din siya pero hindi! Ang tindi naman ng pandinig nito. May pagkabingi ba siya?

Biglang may tumawa. Akala ko ba tulog 'tong babae na ito?

Bigla siyang nagsalita.

"Nakakatuwa ka talaga Hyuna. Pft. Gumamit kasi ako ng ganito kaya hindi ko masyadong rinig ang bell."

May pinakita siya sa akin. Ah kaya pala. May pantakip siya ng tenga ang daya!

"E bakit ka nagising? Tulog na tulog ka noong biglang tumunog 'yung bell ah." Takang tanong ko pero tinawanan na naman niya ako. Aish!

"E narinig ko kasi 'yong sinasabi mo sa isip mo e. 'Yung inner voice mo." Pigil ang tawa niya.

Inner voice?

"Yeah inner voice. Nababasa ko ang isip ng isang tao gamit ang inner voice niya, naririnig ko kasi ito."

" 'Yan ka na naman e. Hilig magbasa ng isip. Pero seryoso?Ang astig naman niyan kaso nakakatakot din. Ano bang paraan para hindi mabasa ang isip?" Tanong ko ulit.

"Huwag kang mag-iisip." Simpleng sagot niya.

Seryoso ba siya?!

"Pwede ba 'yon? Pinagloloko mo yata ako Naomi e." Nagpout ako.

"Ang cute mo Hyuna! Pero seryoso, huwag ka ngang mag-iisip kung ayaw mong mabasa ng kahit sino 'yang nasa isip mo."

"Paano gawin 'yon?" Nakakabobo naman.

"Isarado mo 'yang isip mo. Halimbawa ngayon. Subukan mong maging blangko 'yang isip mo. Try mo lang, magconcentrate ka Hyuna." Seryosong saad ni Naomi.

Nagtitigan kami. Sinusubukan kong gawing blangko ang isip ko. Para bang gumagawa ako ng malaking pader na pangharang sa magbabalak magbasa nito.Isip ko ito kaya ako ang masusunod.

Umabot ng ilang minuto bago nagsalitang muli si Naomi.

"W-wow. A-ang galing!" Manghang-manghang wika ni Naomi.

"Wala ka bang narinig?"

Nagtagumpay kaya ako?

"Wala Hyuna! Ibang klase ka. Hindi ko akalain na magagawa mo iyon e binibiro lang naman kita." Bakas pa rin sa mukha ni Naomi ang pagkamangha.

"Huh? Ang gulo mo namang kausap! Ibig sabihin lahat ng mga sinabi mo kanina hindi totoo?" Naguguluhang wika ko.

"Exactly! Kaya nagulat ako kasi wala talaga akong mabasa, hindi ko marinig. Ang astig!" Tuwang-tuwa siya.

Paano ko naman nagawa iyon?

"Hala bakit hindi ko na marinig ang inner voice mo!" Takang wika ni Naomi.

"Baka dahil sa binuo kong pader sa isip ko?"

"Totoo? Sige subukan mong buwagin 'yang pader na 'yan,tingnan natin kung mababasa ko na ulit."

Nagconcentrate ulit ako at pinilit kong sirain ang malaking pader na ginawa ko sa isip ko.

Okay na ba?

Wika ko sa isip ko, sinusubukan ko kung maririnig ba ito ni Naomi.

"Oo! Narinig ko na. Wow ang galing Hyuna." Natutuwang wika niya.

Ang cool.

"Cool talaga!"

"Ooppss sabi ng wag mong babasahin e!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ketsueki Academy: A School of Despair (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon