Chapter 2:Rules

76 6 4
                                    


Ang weird talaga nitong kasama ko. Ewan ko ba. Basta may something sa kanya.

Pumasok na kami sa silid namin. Nasa 2nd floor kami. Nilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Maganda naman siya, sakto lang saming dalawa ni Naomi. Mayroong dalawang kama, may flat screen na tv, air-conditioned din dito at kung anu-ano pa. Ang mahal nga siguro ng fees dito sa school na 'to.

"Ang ganda ng kwarto natin no. " nakangiting wika ni Naomi.

Ngumiti rin ako sa kanya.

"Oo nga e, parang hindi ito school."
Pagsang-ayon ko sa kanya.

Hinahanap ko ang remote ng tv pero hindi ko makita. Tatanungin ko na sana si Naomi nang biglang tumunog ang bell ng napakalakas kaya napatakip kami ng tainga ni Naomi. Kakaiba ang tunog ng bell, nakakakilabot, dumadagundong ito. Hindi siya katulad ng mga naririnig ko sa mga pangkaraniwang paaralan.

Pagkahinto ng bell, bigla na lang nagbukas ang tv.

Hala paanong kusang nagbukas iyon?

Tumambad sa screen ang isang lalaking nakatakip ang mukha. Nakamaskara siyang itim. Ano kayang trip nito?

"Ketsueki students, oras na. Pumunta na kayo sa gym sa loob lamang ng limang minuto, kapag nahuli kayo kahit isang segundo ay may mangyayaring hindi mo magugustuhan. " wika ng lalaki gamit ang kakaibang boses. Tingin ko ay sinadyang baguhin ang boses niya para takpan ang totoong boses nito. In-edit kumbaga.

Namatay na ulit ang tv pagkatapos nitong magsalita.

Kinabahan ako kaya agad akong lumabas ng silid para pumunta agad sa gym pero bago pa man ako bumaba ng hagdan biglang sumulpot si Naomi sa gilid ko. Ay nakalimutan kong may kasama pa pala ako.

"Ang daya mo, iniwan mo ako doon. Huwag kang kabahan, ang sabi kanina ni Ma'am Ichi ay sasabihin lang ang tungkol sa rules ng school na ito." Nakangiti niyang saad.

Pero bakit kakaiba ang nararamdaman ko, para bang hindi maganda ang mangyayari mamaya?

Hindi na ako sumagot at nagdiretso na lang sa paglalakad.

Nakarating na kami sa gym. May malaking screen sa gitna ng stage pero nakapatay ito.

Bakit ang dilim naman. May ilaw pero hindi gaanong maliwanag.
Madami na ring estudyante ang nandito. Ang weird naman, kung kailan gabi saka kami pinatawag.

"Okay students times-up. Kung sino lang ang nandito kayo lang ang estudyante sa school na ito. Kayo lang ang karapat-dapat."

Ano raw? Paano ang mga nahuli?

" Wala na sa Academy ang mga nahuli, huwag niyo ng tanungin kung nasaan sila dahil hindi niyo magugustuhan." Salita nung nasa harap.

Nagsimula nang magbulung-bulungan sa loob ng gym.

"Quiet! Sasabihin ko na ngayon ang mga rules ng Academy na ito at kung paano niyo makakamit ang gusto niyo."
Maawtoridad na wika ng lalaking nasa harap. Hindi siya 'yong nakita ko sa tv kanina pero may maskara rin siyang itim. Mga kulto ba ito.

"Alam naman nating lahat na kaya kayo nandito para mahasa ang kakayahan niyo at para madiskubre ang mga natatago niyong abilidad." Pagsisimula niya.

Nakikinig lang kaming lahat.

"Madali lang naman ang rules na dapat niyong sundin at gawin. Kailangan niyo lang pumatay."

Nagulat kami sa sinabi niya. Ano raw papatay? LANG? Iyon ba ang paraan ng School na ito para matuto ang mga estudyante!

"Siguro hindi na lingid sa kaalaman ng iba ang rules dito. Mga transferees lang ang hindi pa alam, ngayon alam niyo na."

Tinignan ko ang paligid ko hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang captain namin na si Raku. Bakit parang wala lang sa kanya ang mga sinasabi ng lalaki na 'yon? Ibig sabihin matagal na siyang nag-aaral dito edi isa siyang killer?!

Ketsueki Academy: A School of Despair (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon