Chapter 4

49 3 0
                                    

Hindi mo nga naman malalaman ang sagot kung hindi ka magtatanong.
Kaya hangga't may chance pang malaman mo ang mga sagot sa tanong mo, Go na! wala nang hiya-hiya bitch.

Ano kayang tipo ni Kiel sa babae?
Mmm...matanong nga sa kanya.

Nandito kasi ako ngayon sa library. Anong ginagawa ko dito? Natural nagbabasa. Duh. Habang nagbabasa ako nakita ko si Kiel na pumasok at umupo sa kabilang table. Kapag sinuswerte ka nga naman oh.

Naglakad ako papalapit sa pwesto niya at umupo ako sa harap niya. Tamang-tama wala siyang kasama.

"Hi Kiel." Nakangiti kong bati sa kanya.

Tumingin siya sa akin sandali pero nang makita niya kung sino ako ay kumunot bigla ang noo niya at ibinalik ang tingin sa libro.

Ang sungit naman! Pero gwapo pa rin.

Nagsalita ulit ako.

" Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Kiel. I like you. Gusto ko magustuhan mo rin ako. Anong type mo sa babae?"
Wala ng hiya-hiya. Pake niyo? Diyosa naman ako e.

Hindi pa rin siya nagsasalita kaya may naisip ako. *evil smile*

Tumayo ako at nagsalita.

" WHY? WHY YOU'RE SO JELOUS? Gosh Kiel. How many times do I have to tell you that Josh is just a friend. Nothing more, nothing less! " malakas na pagkakasabi ko.

"F*ck!" Rinig kong sabi niya. Tumingin siya sa'kin ng masama at isinara ang libro.

"You two!" Biglang salita ng librarian. Ooppss.

"Go to the Guidance Office. Now!" 
Tiningnan ko ang librarian namin na galit kinindatan ko naman siya kaya naman napakunot ang kanyang noo. Pfftt.

Tumayo naman si Kiel kaya sumunod naman ako. Oh diba napansin rin sa wakas?

Nang makalabas kami bigla siyang humarap sa akin.

" What the hell is your problem?" Galit ang tono niya pero mahinahon pa din.

" Ikaw. Ikaw ang problema ko. Ayaw mo kasi akong pansinin e."

" I don't like bitches. I don't like you so stop pestering me." Sabay talikod.

Ang sakit ah. Ngayon lang ako nareject ng ganito. Hindi to pwede! Hindi pwedeng ganituhin ang Diyosang tulad ko.

Maglalakad na sana siya pero nagsalita ako.

" Yeah you're right, I'm a bitch and I'm so proud of it but I'll make sure that  you will fall in love with me. You'll be in love with a nerdy bitch. SOON. Keep that in your mind. "

Kahit gaano ka cold na tao sisiguraduhin kong mangyayari 'yon. Kapag nahulog ka pag-iisipan ko kung sasaluhin kita o dudurugin ko ang puso mo.

Huminto siya sandali pagkatapos kong sabihin 'yon pero naglakad din siya agad na parang walang narinig.

Sige lang. Ganyanin mo lang ako. Baby.

---

Nasa Guidance Office na kami. Infairness ang ganda ng Guidance Counselor namin, mas maganda nga lang ako.

" Good Afternoon. Sit down." Nakangiting sabi niya.

Umupo naman kami ni Kiel na ngayon ay hindi maipinta ang mukha. *smirk*

Nagpakilala kami ni Kiel nang tanungin kami kung ano ang pangalan namin.

"So what's the problem Ms. Santiago and Mr. Cardoval?"

"Pinapunta po kami dito ng librarian kasi maingay kami."

"Tss. Ikaw lang." Biglang singit ni Kiel.

"Anong ako? Ikaw ung nagsusungit diyan e."

"Wait students, may LQ ba kayong dalawa?"

"Yes/No!" Sabay naming sagot ni Kiel.

"Mmm.. I see. Hindi ko papakielaman ang relationship niyong dalawa but please wag sa library okay?" Saway sa amin ni Ma'am Faith--Guidance Counselor dito.

" Okay Ma'am, Sorry po ulit napakaseloso po kasi ni Kiel ee. " nakangiting sagot ko kaya naman itong katabi ko parang nilukot na papel ang mukha pero gwapo pa rin.

"Mukha nga, sa itsura ngayon ni Mr. Cardoval mukhang inis nga siya. Since pinapunta kayo dito kailangan niyo pa ring maparusahan."

"What?!" Napalakas na sabi ni Kiel. Batrip na si Baby.

"Yes Mr. Cardoval, do you have a problem with that? Alam niyo naman na bawal mag-ingay sa library pero nag-ingay pa rin kayo so dapat kayong matuto. Kahit maliit na rules lang ang nilabag niyo, rules pa rin iyon na dapat sundin."

Hindi siya umimik.

"You two, need to clean the gym tomorrow before your class. Okay?"

"What?!" Ako naman ang napa'what', hindi nga ako naglilinis sa mansion namin tapos paglilinisin pa ako ng gym!

"Tss. Bitch." Bulong ni Kiel na ngayon ay napakacold ng tingin sa' kin. Nasasanay na ako sa mga tingin niyang ganyan.

"B-but Ma'am--"

"No buts Ms. Santiago. You may now go to your class students." Pagputol naman ni Ma'am Faith sa sasabihin ko.

Wala akong nagawa kung hindi lumabas na lang.

Para sa kanya gagawin ko ito!

Nang makalabas na kami ng Office biglang tumingin sa akin si Kiel.

" You're so desperate." Cold na sabi niya sabay talikod.

Desperada? Okay. Wala akong pake basta mapa sa akin ka lang Kiel Cardoval.

Itutuloy...

Natagalan na naman. *peace*
Thankyou sa pagbabasa!
Comment? Vote? :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's Inlove with a Nerdy Bitch (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon