Trisha's POVFirst day of school.
First day ng pagiging college student ko. Sana lang walang epal. Kung meron man okay lang din mas exciting hindi magiging boring ang college life. *smirk*
Accounting Technology nga pala ang kinuha kong course gusto ko kasi ung mga makakapagpadugo nitong utak ko. Nakakachallenge.
Habang naglalakad ako papuntang room may narinig agad akong nagbubulungan. Nice meron agad.
"Girl, may nerd oh. Yuck. Akala ko ba mga magaganda at mayayaman lang ang pwede dito sa University, bakit may ganyan? " bulong ng isang babaeng parang sinubsob sa harina ang mukha.
"Yah right. Utak ang ginamit niyan para makapasok dito for sure. Poorita. " bulong naman ng isang mukhang clown. Tch.
Huh. Akala niyo lang un. Try me.Hahaha!
Lumapit ako sa kanila.
" Alam kong ako ang pinag-uusapan niyo hindi ako bingi at lalong hindi ako bulag. FYI Oo tama ka may utak ako hindi katulad niyo na utak isda ayy wait may utak nga ba kayo? Poorita ba kamo? Kayang kaya ko bilhin yang pagkatao mo bitch. At isang beses ko lang to sasabihin kaya pakinggan niyong maigi.
Kung gusto niyo pang makapag-aral dito wag na wag kayong magpapakita sakin. ". Sabi ko sakanila.Nakita kong namumutla sila.
Tss. Kala siguro nila maapi nila, ako.Pwes kung maldita sila mas MALDITA ako."W-wala kaming p-pake s-sayo! Nerd! " sagot ni Ms. Clown.
"Ah ganun ah. *slap*. Ano masakit? Ayy wait ung kabila din para pantay. May libreng blush on ka na. " akmang sasampalin ko na siya pero hinatak siya nung isang kasama niya.
"Tara na girl! Ahmm s-sorry. "
Sabi ni white lady. Kinabahan kana huh. Lalo tuloy pumutla istura niya HAHA.Bago sila umalis nagsalita pa ako.
"Magbubulungan lang kayo rinig ko pa. Sa susunod kasi, hinaan niyo pa volume ng mga boses niyo abot din kasi dito ung mabaho niyong hininga. Immune na kayo sa amoy ng isa't-isa no? Ge. Bye bitches! See you in hell"
Nauna na akong umalis sa kanila.
Iniwan ko silang nakanganga.Ang ganda ng simula ng araw ko ah.
Hinanap ko na ung room ko.
Pagpasok ko konti pa lang ang nasa loob maaga pa naman kasi.Pumwesto ako sa may unahan gusto ko kasing naririnig ng maigi ang tinuturo ng prof. atsaka dito din kasi, nakapwesto ang mga nerd. Mabait naman ako e kahit papano depende sa mood ko.
"Hi, I'm Abby Cruz. Ikaw? "
biglang sabi ng katabi kong nerd din."Just call me Trisha" yun lang ang sagot ko. Tinatamad akong makipag-usap e pero mukha naman siyang mabait.
"Nice to meet you Trisha" sabay ngiti niya. Nginitian ko din siya.
After a few minutes dumating na ang prof namin. Gwapo siya pwede na *smirk*.
"Good Morning class. I'm Sir Nathaniel Torres. " sabay ngiti.
Kung makatili naman tong mga haliparot sa likod nakakairita!
Magtuturo na sana si Sir ng biglang may pumasok na tatlong lalake. Ang daming good-looking guys dito ah *evil smile*.
Yung isa mukhang bungisngis, ung dalawa naman masyadong seryoso. Type ko ung isa. May kahawig siyang korean actor nakalimutan ko lang kung sino. Ah basta magiging akin din yan *evil smile*.
Nagsimula ng magpakilala isa isa. Mayamaya siya na ang magsasalita kaya tuminigin ako ng seryoso sakanya. Tumingin ka din baby dali.
"I'm Kiel Cardoval. 17 yrs. old" un lang ang at bumalik na siya agad sa upuan niya. Tss. Di man lang tumingin KJ. Mukhang mahihirapan ako dito ah.
Gusto ko to challenging.
( ˘ ³˘)♥Nang ako na ang magpapakilala tumayo agad ako at naglakad sa harap.
"Good morning. I'm Trisha Iriz Santiago. 17 yrs. old. " sabay hawi ng buhok.
Nakita kong nagbulung-bulungan ung mga mukhang clown sa likod. Tch. Mga insecure. Talo kasi sila ng isang Nerd na katulad ko. Mga trying hard magpaganda.
Humanda kayo may araw din kayo sakin.
Sumipol ung isa kong kaklseng lalaki.
"Ang sexy na nerd naman nito." sabi niya kaya kinindatan ko naman siya.
Tiningnan ko si Kiel na ngayon ay nakatutok ang mata sa libro niya. Tss. Tumingin ka naman kahit isang beses oh!
At hindi nga ko nagkamali. Tumingin nga siya sakin! Kaya binigyan ko siya ng matamis na ngiti. My sweetest smile <3.
Pagkangiti ko sa kanya biglang kumunot ang noo niya at binalik ang tingin sa libro.Aish! dinedma ang gorgeous face ko!
Pagtinanggal ko tong salamin at braces ko tingnan lang natin pero syempre diko muna gagawin un. Gusto ko ng ganitong ayos. Bakit? E pake niyo ba. Nerd talaga ako I'm not pretending. Kakaiba lang talaga ako.
Dyosa kasi ako.Hahahaha ~♥~
BINABASA MO ANG
He's Inlove with a Nerdy Bitch (Revising)
Teen FictionKapag nerd ka aapihin ka nila. Ibubully. Uutos-utusan. Aabusuhin ang talino mo. Alam kasi nilang lampa ka at hindi lumalaban. Pero ibahin mo siya. She's a BITCH. Totally bitch. Imbis na siya ang apihin, siya pa ang nangaapi. Paano kaya kung...