Kabanata 7 Zyron Elizalde is Back!

96 2 0
                                    

Kabanata 7

Zyron Elizalde is Back!

Naging usap usapan sa school ang nangyaring gulo noong isang araw. Maraming nainis at nagalit kay Raide. Meron din namang against sa SuperG. At syempre dumami pa mas lalo ang taong kinaiinisan ako dahil sa ginawang pagtatanggol ni Raide sa akin.

Laking pasasalamt ko kay raide dahil sa mga ginawa niyang pagtatatnggol sa akin subalit dahil din sa pagiging magkaibigan namin ay nadadamay siya sa gulo na ako lang dapat ang humaharap.

“Prince Zyron is back!”

“Nabalitaan mo na rin ba? Magtratransfer na ng school si Lorraine dito?”

“Really? So siguro nga totoo ang rumors about her and Zyron”

“Bagay na bagay kaya sila! They look good together! Wala babaeng mas hihigit pa kay Lorraine at siya lang ang babaeng karapatdapat para kay Prince Zyron”

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nakayuko ako dahil gusto kong itago ang mukha ko. Nalulungkot ako dahil sa mga narinig. Talaga nga bang hindi kami nababagay ni Zyron? Wala na ba talagang pag-asa na mapansin niya ako?

Napatigil ako ng maramdaman kong bumangga ako sa isang matangkad na estudyante. Yumuko ako at humingi ng tawad sa nakabangga. Pinulot ko ang mga gamit ko na nahulog sa lapag.

Nagulat ako ng tinulungan ako ng lalaking nabangga ko sa pagpulot ng gamit ko. At noong tignan ko siya para magpasalamt ay bigla akong nanigas na parang bato.

“Z-Zyron” nauutal kong bati sa lalaking matagal ko ng gusto. Pinigil ko na mapangiti dahil sa sobrang kilig. Biruin mo yun si Zyron tinulungan akong magpulot ng mga gamit ko.

Pagkatapos kong pulutin ang mga gamit ko ay agad akong tumayo at inayos ang palda kong nalukot sa pagkakaupo ko ng pulutin ang mga gamit ko. Tumingala ako para masulyapan ang mala anghel na mukha ni Zyron. Hindi man siya palangiti ay nakakamangha pa rin ang itsura niya

“Next time, mag-ingat ka. Tumingin ka sa dinadaanan mo.” Sambit niya bago tuluyang umalis sa harapan ko at naglakad papalayo.

Masaya akong pumanik sa class room ko. Pinagiingat ako ni Zyron my loves kasi ayaw niya akong mapahamak!!! Naawkwardan na ang mga kaklse ko sa akin dahil sa abot tengang ngiti ko ngayon. Si Raide naman ay walang imik sa isang sulok. Himala, hindi yata niya ako pinapansin ngayon.

“Hey Raide. Mukhang malalim yata ang iniisip natin ah” puna ko kay Raide na nakatingin sa labas ng bintana.

“Hindi naman” at ngumiti siya sa akin ng pilit

“Uy may problema ka ba? Sabihin mo lang sa akin tutulungan kita. Para saan pa’t naging magkaibigan tayo di ba?”

“Wala to. Wala lang ako sa mood” ginulo niya ang buhok ko at ngumiti muli sa akin “Raide naman, ginulo mo nanaman ung buhok ko” reklamo ko at agad agad kong inayos itong muli.

“Paano ko sasabihin sayo, kung ikaw ang gumugulo sa isip ko”

“Huh? Ano yun Raide?”

“Wala! Sabi ko wag kang magulo. Kung ayaw mong guluhin ko ulit ung buhok mo”

“Ahhhhhh.” Tumango ako atbumalik na ako sa desk ko. Inilabas ko mula sa bag ko ang librong binabasa ko. Nahihilig ako ngayon sa mga napupublish na stories sa wattpad. Hiniram ko sa isa kong kaklase yung Diary ng Panget Series na sinulat ni HaveYouSeenThisGirl. Grabe nakakarelate ako sa story niya at ng character na si Eya!

Dumating na ang prof naming si Mam Gutierrez.

“We had a meeting regarding the celebration ng foundation ng school natin last week. Magkakaroon tayo ng iba’t ibang activities. Ang nakaassigned sa department natin ay horror house. So ang gagawin natin ay to decorate at iset natin ang building into a horror house and I want Miss Flores to be the head committee in charge of that event okay?”

Ako? Ako ang head committee? Nananadya yata to si ma’am eh. Porket panget ako sakin binigay yung task.

“Wag kang mag-alala Denise. Tutulungan ka namin!” Ani ni Raide na nakathumbs up sa kabilang side ko.

“Kami din!” sabay na sabi ni Gex at Heidi na ngayon ay kasama na rin sa tropa.

Maagang umalis yung prof namin para makapagplano raw kami ng gagawin naming dahil one week lang ang preparation. May binigay na rin naman na budget sa amin ang student council. Nagsialisan ang mga kaklase ko na hindi interesado sa pagtulong kaya iilan na lang kaming natira dito sa room. Kasama na rin namin si Lian ngayon na kasamang magplano para sa gagawing horror house.

Dumating ang araw ng foundation day. Marami palang event na mangyayari. May play sa auditorium, may mga iba’t ibang booth sa may activity center, may mga palaro sa field at kung anu ano pa. Mamayang gabi ang opening ng horror house namin. Maayos naman naming nagawa ito at excited na kami sa magaganap mamaya.

Dumating na ang gabi at nagsipagayos na kami. Iba iba ang costume na suot namin. Si Lian ay isang white lady, si Gex ay isang duwende, si Heidi ay isang multo, si Raide na isang bampira at ako na isang mangkukulam.

“Ready na guys. Papasok na yung unang batch.” Ani ko sa mga kasamahan ko. Pumuwesto na kami sa mga stations namin.

Naging matagumpay ang first batch at sobrang natakot talaga sila sa mga pakulo namin. Mas maraming tumangkilik sa horror house namin noong second batch at kagaya noong 1st batch ay natakot din sila sa mga effects namin. Medyo napapagod na kami pero masaya para rin sa panghahabol namin sa mga tao na nasa loob ng building. Finally. Dumating na ang last batch.

“Guys, huli na to kaya. Let’s go team!” at muli pumuwesto na kami sa mga station namin.

Unang papasukan ng mga tao ang isang kuwarto na may mga maliliit na tiyanak na nasa loob ng cradle at sasalubungin sila ng isang white lady. Pagkatapos nito ay isang haunted forest na pinamumugaran ng mga lamang lupa. Sa second floor naman ay isang haunted house kung san ako naroroon at tumatawa ng malawitch habang hinahalo ang isang malaking palayok kagaya ng tunay na witch. At ang huli ang ay vampire’s lair kung nasaan babangon si Raide at manghahabol ng mga tao habang punong puno ng fake na dugo ang buong katawan.

Naririnig ko na ang mga tilian at sigawan ng mga tao sa first floor. Successful ang ginawa nilang pananakot. Naririnig ko na ang mga yabag ng mga studyante na paakyat ng second floor kaya inayos ko na ang sarili ko at umakto na parang isang mangkukulam.

“Hihihihihihi” tawa ko sabay tingin ng masama sa mga tao. Nagsitakbuhan naman sila at hinabol ko sila. Nakalayo na sila at pabalik n asana ako sa puwesto ko ng biglang makita si Candy, Jill at Fritzie. Hinawakan nila ako at nilagyan ng tape ang bibig ko

“Bagay na bagay sayo yang costume mo Denise” sabay halakhak ni Jill

“Ay costume pala yan? Akala ko totoo eh. Parang wala namang pinagkaiba sa natural niyang ayos”

Itinali nila ang kamay ko. At pinagsasampal ako ni Candy sa mukha. Pagkatapos ay sinabunutan niya ako. Pakiramdam ko ay mapupunit na ang buhok ko.

“Itigil niyo yan!” malakas na sigaw ng isang pamilyar na boses. Sa wakas ay may taong tumulong sa akin. At sa ikalawang pagkakataon ay naririto nanaman siya para iligtas ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When the Ugly Duckling Turns into a Beautiful SwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon