Kabanata 5 The other side of Raide Hanson

76 1 0
                                    

Kabanata 5

The other side of Raide Hanson

Hindi ako mapakali sa klase ko. Kung pwede lang ifastforward ang oras ay ginawa ko na. Panay ang pagtingin ko sa wrist watch ko. Alas tres pa lang ng hapon. Tatlong oras na lang ang hihintayin ko. Shemay! Naeexcite ako. Ano kayang sasabihin niya sakin? Bakit niya kaya ako gustong makita?

 

“Psssst. Para kang kiti kiti diyan. Ang likot mo.” Bulong sa akin ni Raide. Siya nga pala. Magkatabi kami ngayon. Sa likod kasi ako nakaupo at bakante ang upuan sa gilid ko. Ayaw kasi nila akong tabihan. Baka mahawa daw sa kapangitan ko. Asa naman, nakakahawa ba yun! Hindi naman di ba! Kaya nga kung makatingin sila sa amin ni Raide ay wagas. Kung nakamamatay lang ang titig, multiple times na akong pinatay ng mga to.

 

“Wala to. Don’t mind me. Makinig ka na lang diyan para makahabol ka sa lessons. Malapit ng magdepartmental exams eh” tumango naman siya at muling tumingin sa whiteboard kung saan nagsusulat ang professor namin.

6 hours straight ang klase namin ngayon. Nagmakeupclass kasi ang prof namin dahil may importante daw siyang lakad last week kaya hindi siya nakaattend ng class. Kakabagot makinig at isa pa nawala ang focus ko dahil excited na akong matapos ang klase.

 

“Nakakabore naman si mam magturo. Dirediretso. Wala ba talagang breaktime man lang. Nagugutom na ako eh. Namiss ko na yung adobong baon mo kanina Denise” humarap ulit siya sa akin sabay pout. Ang cute niyang tignan sarap kurutin ng pisngi.

 

“Pano yan eh inubos mo na eh. Ikaw nga halos kumain lahat. Bored ka na ba? Wala eh. Ganyan talaga magturo si mam. Kaya kalbaryo talaga pag makeup class. Magsasawa ka talaga sa pagmumukha niya” Mahinang sabi ko. Nagkaklase pa kasi kami. Baka mahuli kami ng prof na nagdadaldalan. Malupit pa naman yang si mam Valenzuela.

 

“Ah alam ko na.” biglang may bright idea na naisip si Raide. Kailangan ko rin ng mapaglilibangan para naman hindi ako mabagot kakahantay mag alas sais.

 

“Ganito. Ulitin mo ng maraming beses ung word na silk. Mabilis dapat ah”  Game naman ako dahil naghahanap nga ako ng mapaglilibangan. Ginawa ko naman ang sinabi niya.

 

 

“Silk, Silk, Silk….” Patuloy ko pero sa mahinang boses lang.

Nang makarami na ako ay bigla niya akong tinanong “Anong iniinom ng cow?”

 

“Milk!” proud kong pagkakasabi na dahilan para humagalpak siya sa kakatawa. Saka ko lang narealize na mali ang sagot ko. Shet! Nakakalito yun ah! Water pala ang sagot! Kahit ako ay napahagalpak na rin sa pagtawa. With matching palo palo pa sa desk.

When the Ugly Duckling Turns into a Beautiful SwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon