Kabanata 2: Just like the old times

101 4 2
                                    

Kabanata 2

Just like the old times

Buong magdamag akong umiyak ng umiyak. Hindi rin ako nakakakain ng hapunan. Pagkauwi ko ng bahay ay agad na akong dumiretso sa kwarto ko. Pinabayaan naman ako ni mama at hindi na niya tinanong kung bakit ako nagkakaganoon. Malamang ay may ideya na siya kung bakit ako nalulugmok ngayon. Hindi naman lihim sa kanya ang pagkakagusto ko kay Zyron. Open kami ni mama sa isa’t isa kaya nasasabihan ko siya ng mga problema ko.

Hindi ako makatulog dahil sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko ay naaalala ko ang eksena na tila isang bangungot sa aking ala-ala.Pero sa tuwing nakadilat naman ang mga mata ko ay tumatambad sa akin ang mga poster, ginupit na larawan mula sa mga dyaryo at magazine ni Zyron.

Parang zombie akong naglakad patungo sa aking classroom. Wala nanamang patid ang chismisan ng mga tao sa academy. Tiyak na ako nanaman ang pinag-uusapan nila dahil walang tigil nanaman ang kanilang hagikgikan. Lalo na ang grupo nina Candy, Jill, at Fritzie na kilala sa campus sa pangalang SuperG which means Super girls.

“OMG. Look at her face. Damn! So disgusting.” Ani ni Candy

“Totally. Ewwwwww” gatong naman ni Fritzie.

“My eyes! It hurts. Allergic kasi yung mga mata ko sa mga ugly” ani ulit ni Candy at umarte pa na nasasaktan sa mga nakikita. Makaugly naman akala mo natural ang ganda. Mga retokada naman.

“Oh my kawawa ka naman girl. Gusto mo dalhin kita sa clinic. So they can check up on you.” Maarteng pagkakasabi naman ng isa pa nilang kasamahan na si Jill.

“Dapat yung isa jan ang magpatingin sa doctor. Nababaliw na yata para isipin na mapapansin siya ni Prince Zyron” sagot naman ni Candy at tinignan ako ng masama. Itinaas ko naman ang kilay ko. Hindi ako palaaway na tao. Ayoko ng gulo. Baka mawala pa ang scholarship ko. Mahalaga sa akin ang pag-aaral sa university na ito.

“Tara na nga girls. Retouch tayo! Baka mahawa ako ng kapangitan sa isa dito. Pwe. I’d rather die than to live with that face.” Umalis na rin sila sa wakas. Buti naman.

Wala ako sa mood na makipagtalo ngayon. Wala rin naman akong mapapala kung makikipagsagutan ako sa kanila. Isa pa, pangit naman talaga ako. Iyon naman talaga ng totoo. Nagsasabi lang din sila ng katotohanan. Pero kahit na, at least natural pa rin ang ganda ko. Chos. Hindi pa nga lang daw uso sabi ng iba.

Sanay na rin ako sa mga panglalait na natatanggap mula sa kanila. Minsan tinotolerate ko pero kapag sumobra na sila ay hindi naman siyempre ako nagpapatalo. Simula naman ng pumasok ako dito, wala silang ginawa kung laitin ang pisikal kong kaanyuan. Katulad ng sinabi ko, hindi ako kagandahan. Hindi rin ako kaputian. Natatakpan ng full bangs ko ang mga tigyawat ko sa noo. Kung pwede nga lang na buong mukha ko ay ipapatakpan ko na ng bangs para lang hindi na ito makita ng iba pang tao. May pagkachubby din ako. Nakaeyeglasses. At sinasabihang baduy sa mga outfit ko. Wala naman kasi akong pambili ng mga damit. Ito lang ang mga damit ko sa bahay. Mahirap lang ako. Nakapag-aral lang ako dito dahil nga sa scholarship ko.

“Kyyyyaaaaaahhhhhhhhh. Prince Zyron” matining na tili ng mga babaesa hallway

“OMG girls! Mahihimatay na yata ako!” arte ng isang babae na inilagay pa ang kamay niya sa kanyang ulo at inalalayan pa ng isa niyang kaibigan dahil bigla itong nagtumba tumbahan. Ginawa ko na rin ang move na yan kaso noong pagtumba ko akala ko sasaluhin ako ni Lian kaya ang ending lagapak sa sahig.

Kali kaliwa ang pagtili ng mga babae. Natigilan ako pero hindi ako pumihit para tignan man lang siya. Nanatili ako sa posisyon ko. Wala akong lakas para harapin siya. Alam kong wala akong karapatang magkaganito dahil sino ba naman si Denise Flores sa buhay niya? At higit sa lahat crush ko lang naman siya kaya hindi ako dapat nasasaktan ng ganito.

Lumakas ang tili ng mga babae na senyales na malapit na siya sa akin. Mas lalong kumabog ang dibdib ko. Parang gusto ng tuluyang kumawala ng puso ko. Pero hindi ko maiwasan na umasa na kahit minsan ay mapansin niya ako. Umaasa ako na kahit simpleng pagbati man lamang ay makuha ko mula sa kanya.

Katulad ng dati, nilagpasan lang niya ako. Ng nakalagpas siya ay nakahinga na rin ako ng maluwag. “Just like the old times” sabi ko sa sarili ko.

When the Ugly Duckling Turns into a Beautiful SwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon