Kabanata 4: Adobong Manok

71 1 0
                                    

Kabanata 4

Adobong manok

Kinabukasan, naging usap-usapan ang nangyari. Alam mo naman ang chismis, mas mabilis pang kumalat kaysa sa isang nakakahawang sakit. Nagbulong bulungan nanaman sila ngunit hindi ako nagpatinag dahil ayaw kong masira ang araw ko. Himala at wala ang SuperG ngayon. Nakakapanibago.

Dumiretso ako sa school cafeteria bago pumasok sa first class ko. Nagugutom na ako eh.

“Ate Mona pabili nga ng rice” masiglang bati ko habang may ngiti sa mga labi ko.

“Aba iha masaya ka yata ngayon ah. Mukhang may magandang balita ah. Improving na ba?” puna naman ni Ate Mona.

“Hmmm. Slight Ate Mona!” hindi naman lingid sa kaalaman ng mga tao dito ang tungkol sa pagkakagusto ko kay Zyron. Mga estudyante ngang hindi ko naman nakakasalamuha eh alam pano pa kaya sila Ate Mona at iba pang staff dito sa cafeteria.

Ngumiti na lang ako at iniabot ni Ate Mona ang rice na inorder ko. “O siya, goodluck sa love life mo Denise. Ayan dinagdagan kita ng kanin.”

“Salamat Ate!” bigkas ko.

Pinabaunan ako ni mama ng favorite kong adobo! Sayang. Wala si Lian ngayon. May tatapusin daw kasi silang presentation ng mga kagroup niya kaya hindi niya ako masasamahan kumain.

Nilabas ko ang lunch box ko sa bag at binuksan ito. Inilagay ko ang kanin sa lunch box. Lafang na!!!

“Miss, paupo ako dito ah!” biglang sumulpot ang isang matangkad na lalaki sa harap ko. Sa pangalawang pagkakataon ay nakakita ako ng isang nilalang na may perpektong hugis ng mukha. Perpektong kutis ng kinis. Mapupungay na mga mata, isang malalim na dimple malapit sa maninipis at mapupula niyang labi. Ibinaba niya ang tray niya. At iniayos ang binili niyang meal sa mesa.

“Marami pa namang vacant chair ah bakit dito ka naupo?” nagtatakang tanong ko sa lalaking nasa harap ko.

“Wala gusto ko lang. Penge ulam ah.” Hindi ko pa man nasasagot ang tanong niya ay sumandok na siya ng adobong manok sa lunch box ko. Pinagtitinginan naman kami ng mga tao. Tiyak na gagawa na naman sila ng isyu tungkol dito. Napakamalisyosa pa naman ng mga ito.

“Grabe! Ang sarap! Antagal ko ring hindi nakatikim nito ah!” patuloy niyang pagsasalita kahit puno pa ng pagkain ang bibig niya. May amos pa nga siya. Kahit na ngayon ko pa lang siya nakita, ang gaan ng loob ko sa kanya. Ewan ko ba. Napangiti na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

“Oh hinay hinay lang” paalala ko sa kanya “Baka mabulunan ka” dugtong ko

“Eto oh. Tikman mo tong binili ko sa cafeteria. Kung gusto mo hati tayo.” Alok niya sa akin ng carbonara niya. “Bakit ba kasi walang tindang adobo dito? Puro salad, carbonara. Asar.”

Naghati kami sa pagkain. Nakakagana siyang tignan sa pagkain. Pati ako nadadala sa pagkain niya.

“Salamat sa pagkain ah. Grabe busog na busog ako. Siya nga pala I’m Raide Hanson. Nice to meet you miss?” iniabot niya ang kamay niya. Nahihiya ako na hawakan ang kamay niya. Ang gaspang ng kamay ko eh.

“I’m Denise Flores. Nice to meet you rin.” Hindi ko inilahad ang kamay ko pero hinila niya ito at kinamayan pa rin ako. Napangiti ako dahil sa hindi niya ako pinandirihan hindi kagaya ng ibang tao dito.

“Friends?” At ngumiti siya ng pagkalaki laki. Kung una ko lang siya sigurong nakilala kesa kay Zyron my labs malamang siya ang nagustuhan ko. Kaso taken na ang puso ko eh.

“Friends” masaya kong bati sa kanya

Sa pagkukuwentuhan namin, nalaman ko na transferee siya sa school na ito. At guess what magiging classmate ko siya! Galing siya sa US. Napagpasyahan niyang dito na tumira at magtapos dahil nais niyang makasama ang grandma niya.

Nagpunta muna kami sa locker area. Binuksan ko ang locker ko at laking gulat ko ng makakita ng isang maliit na papel sa loob nito.

“Meet me at the school gym at 6pm” – Z. Elizalde

Napangiti ako. Halos aabot na sa tenga ang ngiti ko. Kung wala lang ako sa campus baka napasigaw na ako sa sobrang kilig. Nagsimula nanamang magkagulo ang mga paruparo sa aking tiyan.

“Ano yan?” usisa ni Raide. Agad kong ibinulsa ang papel na iyon. “W-wala naman. Tara na baka malate tayo sa klase. Masungit pa naman si Mam Valenzuela.” Paliwanag ko. Tumango naman siya kaya pumunta na kami sa room. Nanlilisik ang mata ng mga babae sa paligid habang kasama ko si Raide. Eh gwapo eh. Haaay. Napailing na lang ako. Paniguradong kakalat nanaman to sa campus at dadami ang haters ko. But you know, wala akong regrets. I’ve found another good friend of mine.

When the Ugly Duckling Turns into a Beautiful SwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon