Chapter 7 What have I done?

258 7 0
                                    

After a very very very long time nakapagupdate na rin sa wakas. Novemember 2 pa last update ko eh. Sorry sa mga nabitin ko guys! I'll try to update as soon as makapagsualt ako ng mga updates. Xmas gift ko na sa inyo ang update na ito. Sana magustuhan niya and keep reading and voting for HSH and my other works. Thank you so much. Merry Xmas wattpaders!

- - - - -  - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 7

What have I done?

It’s been two weeks since naconfirm ang pagbubuntis ko and now I’m 1 month pregnant according sa obstetrician ko. Lahat ay nagulat sa pagbubuntis ko pero ang mas kinagulat nila ay ang pag-amin ni Dylan na siya ang ama ng dinadala ko. Dapat lang na aminin niya iyon tutal kasalanan naman niya talaga ang nangyari.

Hindi nagalit sila Mommy at Daddy sa akin. Parang natutuwa pa nga sa nangyayari kasi magkakaapo na raw sila. Abnormal yata ang mga parents ko. Si Danna lang ang nakakaalam ng sitwasyon ko ngayon. Siya pa nga tong nanermon sa kin kesyo kunwari daw ayaw ko kay Dylan pero binigay ko naman ung Vcard ko. Ayun mahabang sermon pero in the end niyakap niya ako at sinabing “Kung magkaproblema man, sabihin mo lang sakin. Text mo lang ako, darating ako agad. Ninang ako ah!”

Katulad ng pangako ni Dylan, he’ll take full responsibility of me and our child. Sinasamahan naman niya ako sa mga checkups ko. Dumadalaw din siya dito sa bahay para icheck kung okay ako. Mas okay na yung relasyon namin ni Dylan ngayon siguro dahil na rin ayaw niyang makaapekto sa batang dinadala ko kung maiistress ako sa mga pagtatalo namin.

Simula ng nalaman kong buntis ako, hindi ko na muling kinausap si Josh. Tama na ang malaman niya na ikakasal na ako kay Dylan. Ayoko ng madagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya. Pinipilit ko na ring kalimutan ang feelings ko para sa kanya at sa tingin ko effective naman.

Nandito ako sa garden ng bahay namin. Kakaalis lang ni Danna. Pinahiram niya ako ng notes dahil hindi ako nakapasok kanina. Medyo sumama nanaman kasi ang pakiramdam ko at medyo nahihilo ako kanina.

“Young lady, gusto ka raw pong makausap ng Daddy mo. Pwede ka raw po bang sumaglit sa library. Nandun po siya ngayon” tumango naman ako kay Lenny na isa sa mga maid namin. Tumayo na ako sa bench na inuupuan ko at naglakad papunta sa library/working area ni Daddy.

Pumasok na ako sa loob at nakita siyang nakaupo sa swiveling chair niya. Napakaworkaholic ni Daddy. Hanggang sa bahay, trabaho pa rin ang ginagawa.

Napansin naman niya ang presensiya ko kaya ibinaba niya muna ang mga dokumentong binabasa niya at ibinaling ang tingin sa akin.

“Come here, have a seat” alok sa akin ni daddy. Lumapit ako at umupo sa chair sa tapat ng desk niya.

“Pinatawag kita because I need to tell you something important. And I have to discuss certain matters to you” kung makapagusap si Daddy sakin parang nasa trabaho kami. Napakaformal.

“You sound so formal Dad. Feeling ko ako yung kadeal mo sa isang contract eh” I tried to change the atmosphere. Masyado kasing formal. Masyadong serious.

“Amethyst, mag18 ka na sa two weeks from now. To be exact sa 21st ng May. Supposed to be, dapat engagement day niyo iyon ni Dylan but we have decided na yun na rin ang maging wedding day niyo ni Dylan.” Hindi naman na ako nagulat dahil may kutob na ako na ganun ang mangyayari. Hindi na rin naman ako umangal pa. Para saan pa, eh sila din naman masusunod at isa pa si Dylan ang ama ng dinadala ko. Kahit na pagbalikbaliktarin mo man ang mundo, hindi na magbabago ang katotohanang iyon.

Home Sweet HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon