Chapter 8 Could we be friends?

231 5 0
                                    

Drake's Picture at the right side ---> 

He's one of my favorite korean star :) He's so cute ;3

Chapter 8

Could we be friends?

Hahabulin ko sana si Dylan pero pinigilan ako ni Josh. “Amethyst, don’t go” hawak hawak niya ang wrist ko. Ayaw ko man siyang iwan pero hinila ko ang kamay ko sa kanya at nabitawan niya ako.

“Josh, minahal kita simula pa noon. Hanggang ngayon minamahal pa rin kita pero hindi na kagaya ng pagmamahal ko sayo noon. Hindi ko rin alam kung bakit pero nagising na lang ako isang araw at nawala ang nararamdamn ko para sa’yo. I’m sorry Josh.”

“Dahil ba sa kanya Amethyst? Dahil ba sa Dylan na yun kaya iiwan mo na ako? Amethyst, hindi ko kaya. Wag mo naman akong iwan oh.” Lumuhod siya sa harapan ko at humagulgol. I’ve never seen Josh at this state. Tears starts forming into my eyes.

“Josh, magpapakasal na kami ni Dylan. It will be on my birthday. I’ll tell you the truth when the right time comes.”

“Amethyst, anong gagawin ko para bumalik ka sa akin. Promise. I’ll do anything…everything… Ang sakit sakit na kasi Amethyst” his voice is almost cracking.

“I’m sorry Josh but we really can’t be together. I loved you but it’s over” napayuko siya at bakas sa mukha niya ang panghihinayang. ”We are over Josh” pabulong kong sabi bago ako tumalikod kanya. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para sabihin sa kanya na tapos na kami. Hindi ko inaasahan na yun ang mga katagang lalabas sa bibig ko. Minahal ko si Josh pero nakapagtatakang hindi na ako nasasaktan hindi gaya ng dati at sa palagay ko isa yung magandang sign dahil sa wakas ay nakapag let go na ako. Unti unti gumagaan ang pakiramdam ko pero hindi pa rin maalis sa akin na mag-alala dahil may nasaktan akong tao.

Nagsimula na akong maglakad papalayo sa taong matagal kong minahal. Never kong inakala na maaaring mangyari sa amin ang mga bagay na ito. Mga bagay na sa teleserye at nobela ko lang nababasa. Pwede rin pala itong mangyari sa totoong buhay.

Hinanap ko si Dylan sa mga lugar kung saan madalas ko siyang makitang tumambay kasama ng mga barkada niya. Nakita ko ang isa niyang kaibigan. I’m not sure kung ano ang pangalan niya dahil hindi ko naman nakakahalubilo ang friends niya dahil sikreto sa buong school ang tungkol sa amin. Ewan ko nga ba bakit pa siya nagtransfer ditto sa school. Pwede namang hindi.

“Woah. Amethyst Maniego. What brought you here? Looking for me babe? I’m Greg Hidalgo” Napakaflirt naman ng isang to. May itsura naman siya kaso I really hate that kind of guy. I’m irritated but I’m desperate to find Dylan.

“I’m looking for Dylan. Nakita mo ba siya?” I asked calmly kahit na medyo naiirita na ako sa kahanginan niya.

“Why are you looking for someone else when you already found me?” I raised my eyebrow. Mukhang nagets naman niya na naiinis na ako “Oh well. Nakita ko siya kanina. Mukhang badtrip nga eh at nagmamadaling umalis. Hindi naman niya nasabi kung saan siya pupunta Bakit mo ba siya hinahanap?”

“Just want to ask something. Thanks by the way”

Umalis na ako agad. Baka makasapak nanaman ako sa sobrang irita dun sa Greg na yun. Pareho sila ng kaibigan niyang si Dylan na may kayabangang taglay.  Tama nga ang kasabihan na birds with the same feathers flock together.

Nagtungo ako sa parking lot kung san nakapark ung sasakyang naghahatid sundo sa akin.

“Uuwi na po ba tayo Young lady?” tanong ni Manong Jaime.

Home Sweet HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon